(My mom knows)
October 22, 2018
Pag-gising ko ng umaga nandoon na yung pagkasanay ko na nagigising na ako ng 1 or 2 am ng madaling araw hindi ko alam kung dahil sa nasanay na akong magkabaliktad ang oras namin o nagkataon lang na nagigising ako sa madaling araw.
Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili para pumasok sa school ngayong araw sumakay na ako sa aming sasakyan at makalipas ang ilang sandali pa ay dumating na ako sa school at agad naman akong pumasok sa aming classroom. Katulad ng dati kakaunti palang ang dumadating dahil sa maaga pa ay nandoon na ako, pagkaupo ko nakapag-usap kami ni Liana na seatmate ko habang wala pa si Maria.
Napag-usapan namin yung tungkol kay Aubrey nalaman niya ang nangyari sa Milan at kung ano ang sitwasyon ngayon ni JakeChris doon "grabe naman yung babae na yun magpapakamatay na dahil lang sa kanya" sabi niya.
"Buti nga at hindi ganoon si Katherine noong nalaman niya na hindi siya ang gusto ni JakeChris" ang sabi ko sa kanya, napangiti nalang siya at bigla namang dating ang iba pa naming kaklase at napalitan ng malalakas na kwentuhan ang katahimikan ng aming classroom.
Lumipas ang maghapon at kinausap ko sina Blaire, Maria, at Iris dahil nangangamba ako na malaman ng parents ko ang tungkol sa amin ni JakeChris baka pagalitan ako at mawalan na kami ng communication kaya humingi ako ng advice sa kanila kung ano ang magandang gawin kasi ayaw ko naman na sa iba pa malalaman ng parents ko ang tungkol dito dahil alam ko na hindi maganda ang kalalabasan nito at hindi namin magugustuhan parehas kapag nangyari pa.
Kaya nagusap-usap kami kung paano ko sasabihin, kung paano ako magkakalakas ng loob na sabihin sa parents ko ang lahat. Tumagal ang aming pag-uusap ng mga ilang oras at naliwanagan na ako, alam ko na kung paano ko sasabihin sa bahay ang mga pangyayari.
Hanggang sa aking pag-uwi inisip ko pa din kung paano ko sisimulan ang pagsasabi ko baka kasi mali ang tyempo ko at mapagalitan pa ako kaya pagdating ko sa bahay tiningnan ko muna kung ayos ba ang mood ng lahat at noong nakasigurado na ayus ang lahat saka ako naupo at sakto naman na bumili si mama ng ice cream.
"Ma, may sasabihin po ako sa inyo wag po kayong magagalit" ang pagkakasabi ko habang kinakabahan sa kung ano ang susunod na mangyayari, sumugal na ako kahit hindi ko alam ang susunod na mangyayari.
"Kasi po yung kaklase kong si Kenzie may tinanong noong isang araw kung may kilala akong JakeChris Villegas, gawa daw po ng matagal na akong hinahanap ay nanliligaw po" ang pagkakasabi ko habang nandoon parin yung kaba na nararamdaman ko.
Napatigil ng pagkain si mama ng ice cream at napatingin sa akin "tagasaan naman iyon?" ang sabi sa akin.
Nawala ang aking kaba sa pagkakasabi sa akin ni mama at ang sabi ko nalang ay "taga Milan, Italy po", habang nakatayo at nakatingin lang sa akin.
"Oh, paano ka naman nakilala?" ang muling pagtatanong sa akin.
"Nakita daw po ako diyan sa labas last month gawa ng dumayo daw po ng basketball ang kanyang mga kaibigan diyan sa court eh sakto naman na nasa labas po ako noong araw na iyon kaya iyon."
"Nasaan ngayon, nandito pa?" ang muling pagtatanong ni mama sa malumanay na tono
"wala po nasa Milan na po ulit parang nagbakasyon lang po dito last month" ang sabi ko.
"Pag yan ay nandito pa lalo kang paghihigpitan ng iyong ama" ang muli namang sabi ni mama sa akin.
"Kaya nga po hindi ko po agad nasabi sa inyo alam ko na lalo po akong paghihigpitan pero ayaw ko din naman na malaman nyo pa po sa iba kasi lalo lang pong lumala ang sitwasyon pag nagkataon" ang sabi ko naman sabay tayo sa aking kinauupuan at hinga ng malalim na para bang natanggalan ng nakaharang sa aking dibdib at nakahinga na akong maginhawa dahil wala na akong tinatago sa aking parents na ikababahala ko na malaman nila.
Pagpasok ko sa aking kwarto binuksan ko ang aking messanger nagbabaka-sakaling nag-online na si JakeChris at hindi naman ako nabigo may iniwan siyang message
"No I don't have meaning for what I've said. Sinabi ko lang para maintindihan mo kung gaano ako nahihirapan sa kanya" ang pagpapatuloy ng aming pag-uusap.
Dahil sa maganda ang mood ko "Mmmmmm...Okay" ang tangi kong nasabi sa kanya hindi ko na pinahaba pa at ayaw ko din naman na makadagdag pa sa kanyang mga inaalala dahil ramdam ko na parang marami siyang pinoproblema ayaw lang niyang sabihin sa akin.
"Hey sorry, Im too busy" ang sabi niya sa akin,
"Okay, pahinga ka din ha" ang nireply ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
FanfictionThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story Photo not ours...Credits to the rightful owner.