11.11
(The Hardest Part for Him)
October 21, 2018
Kinaumagahan pagbukas ko ng messanger wala parin akong natatanggap na message galing sa kanya noong una naninibago ako sa mga nangyayari "hindi naman siya ganito dati ah, anong nangyari?" yun ang tanong na tumatakbo sa aking isipan.
Hindi na ako mapakali kaya minessage ko na siya "kakamiss ka din pala."
Lumipas ang maghapon hindi parin siya nag-oonline hindi na ako ulit nag message sa kanya dahil baka busy siya dahil malapit na mag-second sem at baka pagod siya kaya hindi na siya nakakapag-online pa. Lumipas ang oras hanggang sa nag-gabi na wala pa rin nangyayari, hindi parin siya nag-oonline.
Hanggang sa nakatulog na ako dahil para namang hindi na naman siya mag-oonline pero katulad ng dati iniwan kong bukas ang aking data para kapag nag-chat siya ay magigising ako. Dumating ang 10:41 pm habang mahimbing ang aking pagkakatulog nag-online pala siya at may iniwan na message, masasabi kong isa sa long messages na sinend niya sa akin. Habang binabasa ang message niya doon ko lang nalaman na kaya hindi pala siya nakakapagonline nitong mga nakaraang araw ay dahil naiipit na siya sa sitwasyon na hindi naman niya ginusto.
"... and the worst thing nalaman ni Aubrey yung about sa amin, tumawag ang mom and dad niya sa akin dahil ayaw umalis ni Aubrey sa bar ng hindi ako ang kasama kaya even 11 pm I decided to go out and sent her home, she almost die because of knowing about my feelings for you... I saw her almost bathing in a dirt because she vomited already but she is still awake and when I carried her to my car she won't stop crying and telling me why I can't love the one who loves me so much but I answered her that "Maybe I, my love can't love me too, were just the same, but I didn't mess my life up. 'Coz I know painful life is." She didn't answer me she just cried it all out and when were going nearer to their house I noticed that she already felt asleep and I carried her again to her room her mom was worried and thanked me. Their crying and emotional 'coz they didn't know why Aubrey can die of loving me. She is sorry coz' she knows that it is even hard for me coz' Im just pretending that I cared but actually Im not" ang sabi niya sa message na iniwan niya.
Hindi ko akalain na ganoon na pala ang nangyayari sa kanya, na ganoon na pala kahirap ang sitwasyon nya dahil lang sa akin nahihirapan siya. Minsan hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko dahil kung hindi niya ako nakita, hindi niya ako nakilala, hindi siya mahihirapan ng ganito, hindi siya maiipit sa ganitong sitwasyon, hindi darating sa sitwasyon na kailangan niyang pumuli sa amin ni Aubrey.
"Busy ka pala baka nakakaabala ako sayo sorry. So ibig sabihin lalo lang magkakagulo at masasaktan si Aubrey kung merong TAYO?!" ang naging sagot ko sa kanya hindi ko alam kung bakit ganoon pa ang nareply ko sa kanya, parang lalo ko siya pinahirapan dahil sa sinabi ko.
Pero huli na ang lahat noong na realize ko yun nasend ko na sa kanya hindi ko na mabawi pa at habang binabasa yung message niya sa akin bigla kong naalala si Katherine
"buti nalang at hindi ganito si Katherine noong nalaman niya na hindi siya gusto ni JakeChris" ang nasabi ko nalang sa aking sarili habang iniisip parin ang sinabi sa akin ni JakeChris
"grabe naman yun, hindi ba niya naiisip na marami pa ang nagmamahal sa kanya, mahal din naman siya ng tao ah pero mahal bilang kaibigan lang, suwerte pa nga siya at may kaibigan siyang isang JakeChris Villegas na maalaga, mapagmahal at masasabi kong kakaunti nalang ang ganoong tao sa mundo ngayon" ang mga salitang tumatakbo sa aking isipan habang hindi parin makatulog dahil iniisip parin ang sinabi niya.
Simula ng nalaman ko ang pinagdadaanan niya nandoon na yung pagdadalawang-isip ko kung itutuloy ko pa ito o ititigil nalang para hindi na siya mahirapan pa, para hindi na siya maipit sa sitwasyon na hindi naman niya ginusto. Alam ko na kapag sinabi ko ito sa kanya mahihirapan siya baka magawa pa niya ang katulad ng ginagawa ngayon ni Aubrey kaya hindi ko nalang ipinaalam pa sa kanya.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
FanfictionThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story Photo not ours...Credits to the rightful owner.