Chapter 1

879 33 3
                                    

Teng! Teng! Teng!
Napapitlag si Roni. Sa wakas ay tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang klase nila. Professional Teacher si Roni sa isang kilalang private school sa lugar nila. Tulad ng mommy niya, pareho ang propesyon na minahal nila. Nung nagretired ang mommy niya, siya naman ang na engganyong magturo. Simula pa lang kasi sa pagkabata, hilig na niya at pangarap na maging katulad ng mommy niya sa kanyang paglaki.
Oras na sana ng uwian.Pero kailangan pa niyang mag -extend ng ilang oras para magreview ng tatlong mahuhusay na bata sa Math,para sa darating na MTAP Challenge . Grade IV ang klaseng handle niya. Lagi siyang itinatanghal na "Coach of the Champion" every year. At siya ang palaging "Champion" sa Teacher Category. Dahil sa husay niyang ito. Maraming kapwa guro ang humahanga sa kanya dahil sa angking talino sa Math. Pero ang hindi alam ng marami,Itinuturing niyang malaking Frustration ang Math sa kanyang pag-aaral lalo na nung nasa highschool siya. Mahina kasi siya sa Math noon, dahilan kaya nagtapos siyang "Salutatorian" lang dahil hindi niya magawang maungusan sa Top 1 ang valedectorian nila dahil laging talo siya nito sa usaping pang Matematika. Sa ibang subject kaya niyang makipagsabayan pero kapag Math na ang pag-uusapan, nahuhuli na siya. Ahhhhh.. Sapok niya sa sarili.. Naiirita siya tuwing bumabalik sa isipan niya ang nakaraang iyon. Hangga't maaari, ayaw na niyang isipin 'yun.

Nanlalambot siyang tumayo sa kinauupuan, upang lumapit sa tatlong batang naiwan para sa gagawin nilang review lesson. Pero, nakakaramdam na talaga siya ng pagod kaya parang hinihila na ang katawan niya para umuwi na lang ng bahay. Pwede naman nilang isagawa ang review bukas at marami pang mga daraang araw na maaari siyang bumawi. Pinilit niyang ngumiti sa tatlong batang naghihintay sa kanya. Nakahanda na ang mga gamit ng mga ito at mukhang siya na lang talaga ang hinihintay.

"Hello kids, ahmmmm.. Pwede ba nating i-postphone 'yung review lesson natin for today, medyo masama lang ang pakiramdam ngayon ni teacher. "---naiilang niyang saad sa mga batang nasa harapan niya.

" Yes Teacher, Nasa may gate po si Mommy, hinihintay lang po ako"--nakangiting sagot ni Bea. Isa sa Pinaka-aktibong bata sa klase niya.

"Ako din teacher, nasa labas din po ang sundo ko" ---saad naman ni Nina.

" Ok sige, so pwede na kayong lumabas, pakisabi na lang, bukas na lang tayo magre-review. Goodbye children"--nakangiting paalam niya sa dalawang batang lalabas na ng classroom.

"Goodbye Teacher Roni" ---nakangiting sagot naman ng mga ito bago tuluyang lumabas na.

Nilingon niya ang isa pang batang natitira sa loob ng classroom.Kasalukuyang Itinatago na nito ang gamit sa kanyang bag .
"Jayjay tawagan ko na lang si Mommy mo para masundo ka na niya ha.Sandali lang"---at kinuha na niya ang cellphone sa bag at sapo ang ulo na nag dial ng numero.Masakit talaga ang ulo niya.Malamang na dadatnan na naman siya kaya madalas nahihilo na naman siya o kaya ay bugnutin.Iyon kasi ang madalas. Na sintomas kapag malapit nang dumating ang monthly period niya. Nararamdaman na din niya ang pagsakit ng kanyang puson kaya tiyak na malapit nang dumating 'yun.

"Hello Mrs. Velasquez, Good afternoon po.Si Teacher Roni po ito,ahm..hindi po kami makakapag review ngayon kaya ipapasundo ko na po sana siya.Nandito po siya sa classroom."----paliwanag niya sa nasa kabilang linya.

"Ok Teacher Roni,punta na po diyan 'yung daddy ni Jayjay.Susunduin na po siya" --sagot naman ng nasa kabilang linya.

"Ok po.Thank you so much" -- at naputol na ang linya

"Tara,Jayjay,papunta na daw dito ang daddy mo.Dun na lang natin siya hintayin s may pergola."Nag pulbo at lipstick lang siya at kinuha na ang mga dalang gamit at magkasabay na silang lumabas ng classroom.

"Hi Jayjay" ---Napalingon si Roni at ang kasama niyang bata sa may canteen.Nakatayo roon ang isang lalaki na nakaporma pa.Nakasuot pa ng sunglass at gwapong-gwapo sa suot nitong polo.Lumapit ito sa kanila.Nagulat siya nang makalapit ang lalaki.Hindi siya maaaring magkamali.Kilala niya ang lalaking 'yun.Paano ba naman niya ito makakalimutan eh, ang laki ng atraso ng lalaking ito sa kanyang buhay highschool.Kung maituturing nga bang atraso iyon.

"Hi Miss Roni" ---nakangiting bati sa kanya ng lalaki.

So,kilala siya ng lalaki.Tama  ang kutob niya.Si Benjamin "Borj "Jimenez nga ang kaharap niya ngayon.Dahil,nakilala din siya nito.Hindi siya nakapagsalita.Panandalian lang siyang natigilan at bahagyang ngumiti na din kahit naiilang .

Nilingon ng lalaki ang bata at saka nagbilin dito.
"Jay,go to the car,may sasabihin lang ako kay teacher"--narinig niyang sabi nito sa bata at bahagyang sumulyap sa kanya .

"Ok daddy,i'll go ahead.Bye Teacher Roni" --at ngumiti sa kanya ang bata bago tuluyang umalis.

Hindi malaman ni Roni kung bakit ba tila natigilan siya.Hindi niya alam kung ano ba ang dapat na maging reaksiyon niya sa muling pagkikita nila ng lalaki.

"Long time no see,Miss Roni..Kumusta na" --maluwang ang ngiting iyon ng lalaki habang hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya.

"O-ok lang" --tipid na sagot naman niya dito.

" So,ikaw pala ang teacher ni Jayjay,no wonder kaya magaling yung bata, kasi magaling din yung teacher"---at muli ay ngumiti na naman ito.

Hindi siya nakapagsalita sa sinabing yun ng lalaki.Hindi alam ni Roni kung ano bang meron sa ngiti na 'yun.Bakit parang na eengganyo siyang pagmasdan ang mga labi ng binata sa tuwing ngumingiti ito.Hindi niya maiikaila na mas gwapo ngayon ang lalaking nasa harapan niya,kumpara sa lalaking laging kakumpetensiya niya nung highschool pa lang sila.
Kung gwapo ito noon,mas gwapo-gwapong ito ngayon.Agad na obserbasyon niya.

(Ano ba yan Roni.Tama ba na 'yan ang pag-ukulan mo ng oras ngayon.Umuwi ka na kaya di ba masama ang pakiramdam mo)--saway agad ng utak niya.

"Alam mo Miss Roni,mukhang madalas akong magagawi sa school na 'to.Ang ganda-ganda kasi" ---saglit nitong iniikot ang paningin sa paligid ng paaralan saka makahulugang tumingin at ngumiti sa kanya.

"Mr.Jimenez,kung wala ka namang school concern baka pwede na po akong umalis.Excuse me"---At nilampasan niya ang lalaki.Muntik na ngang magkabanggaan ang mga balikat nila dahil sa sobrang lapit ng distansya ng lalaki sa kanya.

"Ahm...Miss Roni" --narinig niyang tawag muli ng makulit na lalaki.Saglit siyang tumigil sa paglalakad subalit hindi na nilingon pa ang lalaki.Pinakikiramdaman lang niya kung may iba pa bang sasabihin ito.

"Kumusta na si Teacher Elsie,, pakisabi bibisatahin ko siya ha"---habol na wika ng napakakulit pa rin na lalaking 'yun.

Hindi na lumingon si Roni. Hindi na rin siya nagsalita. Hindi na niya pinansin ang lalaki. Dahil sa ngayon,,, iniinda na niya ang pagsakit ng kanyang puson.

Hanggang sa maramdaman na nga niya ang pagbulwak ng mainit na dugo.

"Shiiiiit" ---naibulong niya sa sarili.Dumating na nga ang hinihintay niya.Wala pa naman siyang dalang sanitary napkin ngayon.
Akma siyang babalik sa canteen para bumili ng napkin kaya lang nakita naman niya na nandun pa rin si Borj.Nakatayo pa rin sa lugar na pinag-iwanan niya sa lalaki at nakatingin pa rin sa kanya.

"Shit talaga!Tinitingnan ba siya ng lalaki.Pinagmamasdan ba siya nito."---naitanong niya sa sarili.

Nagmamadaling lumakad na nga lang si Roni palabas ng gate ng school compound nila.Uuwi na lang siya.Hindi pa naman siguro siya agad-agad mag kaka stain.Mabuti na lang paglabas niya ng school ay may naghihintay ng pampasaherong dyip kaya madali siyang nakasakay pauwi sa kanilang bahay.

Mabuti na lang paglabas niya ng school ay may naghihintay ng pampasaherong dyip kaya madali siyang nakasakay pauwi sa kanilang bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang gwapo talaga ni Borj oh...Paano ba talaga mag-move on sayo?Mr. Borj Jimenez?)

Hello mga Sissy... Happy Reading.. 🙂

Feel free to leave your comments and votes.

Proud STEFCAM fan💖
#Dimakamoveon😂

💖Miss Roni💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon