Perfect Seven

5.3K 135 3
                                    

Dennise decided na huwag na munang ipaalam kay Ara ang sikreto niya.

Naisip niya, wala naman siyang kasalanan. Hindi naman siya ang nagpumilit pumasok sa AVGC. Siya ang inalok ng trabaho. At hindi na rin naman siya kinontak pa ng tiyuhin niya. Since she came to work with VEC, wala na siyang naging komunikasyon sa matanda. Inisip na lang niya na kinalimutan na rin nito ang ipinakiusap sa kanya.

Nang tinanong naman siya ni Ara tungkol sa pagkawala niya nung gabing iyon, sinabi na lang niyang sumama ang pakiramdam niya at kailangan niyang magpahangin sa labas. Lame excuse, but her boss didn't ask more. Mukha kasing okupado din ang isip nito nang gabing iyon.

And as for that stranger in the park, she had no choice but to forget about her. With a heavy heart. It's useless thinking of the possibilities anyway. Alva's in Hongkong, nandito siya sa Pilipinas. Malapit man, imposible nang magkita pa sila. As if naman mag-aaksaya ito ng oras para hanapin siya dito? Ang taas naman ng tingin niya sa sarili para isiping pag-iinteresan pa nito ang mga katulad niya. Ordinaryong tao nga lang siya, di ba?

.

.

.

.

.

Hi Shiela! Good morning! masiglang bati ni Ara sa sekretarya ni Alyssa. Dumaan siya sa opisina ni Aly, not to discuss business, but just to see the smile of her EA, Shiela.

Lately, Ara has been questioning herself bakit habang tumatagal, lumalalim ang paghanga niya kay Shiela Pineda. Was it only because she's challenged dahil hindi siya pinapansin nito? O dahil pinagbabawalan siya ni Aly na ligawan ito? Or simply, she became seriously interested with the woman?

Since that night at the party, hindi na ito mawala sa isipan niya. Oo nga at kasama niya si Dennise nung gabing yun, yet her mind and her eyes kept wandering back to the woman who wore her evening dress as if it was her second skin. Everything about Shiela that night was magnificent. Her straight, black hair, her almond eyes, her pouty lips, her sultry smile, her sleeky curve of a body, her....Her. Ara just watched her from afar the whole night, never attempted going near her dahil alam niyang susupladahan lang siya nito. Every now and then they would bumped into each other dahil sila ang naging indirectly in-charge sa pagtitipon na iyon. Hindi na kasi nagpakita pa si Alyssa sa mga empleyado nito after that short speech of hers. Hindi naman siya nagtangka na kausapin pa ito nang higit pa sa nararapat. For the first time, naging duwag siya pagdating sa babae.

Kilala siya bilang palikera. Dati-rati, balewala lang sa kanya yun. Hindi naman kasi totoo yon, nagkataon lang na masyado siyang friendly sa mga tao lalo na sa mga babae. Kung flirty mang maituturing ang pakikipagkaibigan sa mga kauri niya at pagkatapos ay aayain niya ng meryenda o lunch o dinner o pasyal, siguro nga, ganun siya. Hindi na niya kasi mabilang sa daliri ang mga babaeng trinato niya ng ganun. She was just being friendly to them. Pero ngayon, pinagsisisihan niya kung bakit ganun siya kabait. Gusto din niyang isumpa kung sinuman ang nagbansag sa kanya nang pagiging palikera dahil yun ang unang-unang pinagbasehan ni Shiela kaya todo iwas ito sa kanya.

Now, she found the difficulty of proving Shiela wrong. Di rin niya alam, pati pala ang itinuturing niyang kapatid, ganun din ang pag-aakala sa kanya.

Good morning, Ms. Galang!

Ms. Galang? Hanggang ngayon ba naman yan pa rin ang tawag mo sa akin? Bakit ba napaka-stiff ng pakikitungo mo sa akin, ha? She was trying hard to act cool and casual in front of this woman.

W...wala! Is there anything I can do for you, ma'am?

Stop the formality, Shiela or else...

PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon