And here's your coffee, boss! inilapag ni Dennise ang kape sa mesa ni Ara.
Ara growled.
Stop growling! Ang aga-aga eh! sita niya dito.
Then stop calling me boss!
If you stop whining and sulking over nothing!
Pfft!
Nang maibaba ni Dennise ang kape sa harap ni Ara, umikot siya para maupo sa harapan nito at saka tinitigan ang nagmumukmok na amo. Mukhang hindi pa rin ito nagsisimulang magtrabaho dahil naabutan lang niya itong nakatungo habang pinapaikut-ikot ang ballpen sa kamay.
Ara is the type of boss na hindi nag-aaksaya ng oras kapag nasa opisina. Kadalasan pa nga, mas nauuna pa itong dumating sa kanya at daratnan na lang niya nakakunot ang noo sa sobrang busy sa ginagawa. Pero ngayon, isang linggo pagkatapos nitong masampal ni Shiela, matamlay pa rin ang aura nito.
Bumuntung-hininga si Ara.
Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni President? O, hindi mo pa rin siya kinakausap hanggang ngayon? untag niya dito.
Pfft!
Stop "pfft"ing kung ayaw mong batukan kita!
Ginaganyan mo ako eh boss mo ako?
Bakit umaasta ka bang boss ngayon? C'mon Ara, stop being such a baby!
I'm not being such a baby!
Well, you are! At ikaw pa ang may ganang magtampo sa kaibigan mo eh pinoprotektahan niya lang naman yung kawawang babae sa'yo?
Kaibigan ba kita o ano?
C'mon boss, admit it! Palikera ka naman talaga kasi. Kung ako nga na wala pang isang taon mong kakilala, alam ko na laro lang sa'yo ang pakikipagrelasyon, yun pa kayang kaibigan mo mula pagkabata ang hindi makakakilala sa'yo? Think of it this way, somehow pinuprotektahan ka rin niya para hindi ka na magkasala pa.
Whatever!
Tell me, are you really that interested kay Shiela? Teka, sino ba siya dun sa party?
Over the months na nakakausap niya si Shiela sa telepono, ni minsan hindi pa sila nagkaharap nito, katulad ng hindi niya pagkakaharap kay Alyssa Valdez. Hindi naman nagkaroon ng pagkakataon na ipakilala sa kanya si Shiela ni Ara noon sa party. At yun nga, nang ipakilala naman si Alyssa Valdez para magsalita, umalis siya at hindi na bumalik pa sa party.
Not knowing those two people would be advantageous on her part though, walang magiging dahilan para magkaroon siya ng pagkakataon na maisagawa ang gusto ng tiyuhin niya. Sumasalit pa rin sa isipan niya paminsan-minsan ang napasukan niyang sitwasyon, pero kahit saan namang anggulo tingnan, wala naman siyang nakikitang mali kung itatago man niya kay Ara ang katotohanan. Lamang, sana hindi na dumating ang pagkakataon na magkita pa silang muli ng tiyuhin niyang si Jose Marquez. At sana, kung maari din lang, hindi na sila magkaharap pa ni Alyssa.
Hindi naman imposible yun. AVGC has vast holdings. Sa libu-libong empleyado nito, nungkang magkaroon pa ng pagkakataon na magkakakilala sila ng may-ari niyon.
Lady in black, narinig niyang salita ni Ara.
Excuse me?
Tinatanong mo kung sino si Shiela sa party? She's that lady wearing a black see-through gown and a 5-inch stilleto heels. Teka, hindi ba kita naipakilala sa kanya?
Nope! At ang daming naka-black dun!
The one seating with the BoDs at the end side of the table, paalala pa rin nito.