Ly.... tawag pansin niya sa nobya habang naghuhugas ito ng mga plato.
Hmmnnn? balewalang sagot nito sa kanya, halatang ang konsentrasyon ay nakatutok sa pagsasabon ng ginamit nila sa hapunan.
Kanina pa niya pinagmamasdan ang ginagawa nito. Halatang-halata na hindi ito marunong sa gawaing-bahay, pero maingat naman sa pagkilos. Para bang pinag-aaralan isang napakaimportanteng papeles para sa negosyo nito.
Pagkatapos ng pakikipag-usap nila sa mommy at lola niya, hindi na sila pinayagan ng dalawang matanda na umalis ng bahay nang hindi man lang nakakasalo si Alyssa sa pagkain. At sa kagustuhan na rin ng nobya niya na tuluyang makuha ang loob ng pamilya niya, nag-suggest ito na manilbihan, tanda na seryoso ito sa kanya.
Sigurado ka sa gagawin mo? tanong niya kanina ang sinabi nito sa kanya ang balak nito. Hindi mo na naman kasi kailangang gawin yon.
Well, iba ang sabi sa akin nina lolo at lola. Kung seryoso daw ako sa babaeng napupusuan ko, dapat daw hindi ako titigil ng panunuyo hindi lang sa kanya kundi sa pamilya niya. Kaya, sige na, pagbigyan mo na ako and I want your family to feel na hindi ako nagbibiro.
Ly, sino bang may sabi na hindi namin siniseryoso ang sinabi mo? But really, you don't have to do those things. I know kasi na hindi ka naman sanay ng mga gawaing bahay, mahihirapan ka lang. You can prove your intentions in other ways naman.
But I still prefer to do them. At least ngayon pa lang, makikita na ng mommy at lola mo kung paano kita pagsisilbihan kapag mag-asawa na tayo, Alyssa casually replied.
Ma....mag-asawa?
You don't know that word? biro nito.
You're joking, right?
Your thought or mine? balik-tanong nito.
Naman, Alyssa!
Hinawakan siya ni Alyssa sa magkabilang pisngi saka pinakatitigan sa mata.
I never joke on this type of situation, Den. Maniwala ka't sa hindi, this is the first time that I'm doing this, ang manuyo sa pamilya ng babaeng mahal ko. Kaya, pwede, suportahan mo na lang ako, hmmnn?
Hindi na siya nakasagot pa nang maglapat na labi nila.
Bakit? she asked the million dollar question that kept popping out of her mind since this morning.
Bakit ano? wala pa rin sa kanya ang konsentrasyon nito kundi sa ginagawa.
Bakit ako?
This time, Alyssa looked at her.
Why the question mahal?
Wala lang. At anong mahal?
Mahal! Ayaw mong tawagin kitang babe, di ba?
Eh, inis kasi ako sa'yo kanina kaya ganun!
Eh di back to 'Babe' tayo?
Oo na, kahit ano! O kahit wala na lang tayong endearment, okay lang yun! Pero teka, hindi mo pa ako sinasagot!
O akala ko tayo na? Hindi pa ba? Kelan mo binawi?
Alyssa?!
Bigla siyang niyakap nito kahit may sabon pa mga kamay nito. Sinuklian naman niya ito ng kasinghigpit na yakap din.
Ano nga ulit tanong mo Babe?
I was asking why.
Why.....