Hi Vic!
Himala! Bigla ka yatang napadalaw?
W...wala naman. Bakit, masama ka na bang dalawin ngayon? Wag mo sabihin, dinidibdib mo pa rin yung pagsaway ko sa'yo tungkol kay Shiela?
Hindi naman bawal. Ang nakakapagtaka lang eh pangatlong beses mo pa lang ako dinadalaw dito sa opisina ko. Most of the time, I do the visiting. So, what do I owe you this favor, Ms. President?
Aly sat on the couch before giving her answer to Vic.
Bakit nga ba siya nandito? Why suddenly did she find herself in front of VEC Building and inside Vic's office?
Minutes after Dennise left her office, wala na siyang ginawa kundi pukpukin nang pukpukin ang noo niya.
She regretted acting like a jerk earlier, yet she couldn't make a step towards the woman to apologize. Hinahanapan pa niya ng sagot kung bakit ganun ang naging ugali niya sa harap nito. Was she jealous or what?
Lumipas ang oras na wala siyang nagawang matinong trabaho. Nagtiis din siya na huwag lumabas ng opisina para lang huwag niyang masulyapan ang babae. Nagtiis siya na hindi tawagin ito kapag kailangan niya. Tutal naman may access siya sa filing room directly from her office, siya na mismo ang kumukuha ng mga iyon kapag kailangan niya. Siya na rin ang sumasagot sa mga emails na puwede namang ang sekretarya niya ang gumawa. In other words, she did those things that were supposed to be done by the secretary.
Eh bakit kumuha ka pa ng secretary kung kaya mo palang mag-isa? O talaga lang ayaw mong ibaba yang pride mo at humingi ng tawad sa inasal mo dun sa tao kanina? sita ng konsensya niya.
She really wanted to say sorry to Dennise, pero ang ikinatatakot niya, kapag ginawa niya yun ay tuluyang lalambot ang puso niya dito. In the end, susundin niya ang puso niya at kakalimutan ang pagkakaibigan nila ni Vic.
Will Dennise be worth all the risk if she does that?
Nanghihinang napasandal siya sa swivel chair niya at bumuntong-hininga.
Is she willing to throw away her lifetime friendship with Vic just because of one woman?
A resounding no was she whispered.
Pero paano ang puso niya?
Few more minutes at dali-dali niyang kinuha ang celfone at susi ng kotse niya sa gilid ng mesa.
She left her office hurriedly, didn't even give a glimpse on the woman sitting at her desk.
Walang isang salitang nilayasan niya ito.
And here she is in Vic's office. While she was driving her car, she had a firm decision what to do, but two floors before the elevator reached her destination , nagbago na naman isip niya.
Aly? Dude? Something wrong? pukaw sa kanya ng kaibigan.
Why did you send her to me? seryoso niyang tanong sa kaibigan.
Anong...?
Si Dennise, bakit siya ang ipinadala mong temp?
At bakit hindi, aber?
Paano ka?
Anong paano ako?
Wala kang sekretarya. And I gave you the assignment for our Japanese counterparts di ba? Paano mo magagawa yun kung wala kang sekretarya?
I could manage, don't worry. Mas importante yung sa Netherlands, di ba?
But...