Perfect Twenty-Nine

2.6K 103 20
                                    

Ok ka lang?

Kanina pa naramdaman ni Dennise ang pag-upo ni Mika sa tabi niya pero hindi ito umimik kaagad. Hinayaan siya nitong nakatanaw lang sa kalawakan ng dagat at maya't maya ay napapabuntung-hininga. 

Kanina pa rin siyang nakaupo sa may dalampasigan bago pa man sumikat ang araw. At kung pagbabasehan niya ang pagtirik niyon, siguradong lampas tatlong oras na siyang nakatunganga sa kung anuman ang nasa harap niya. At kahit yata abutin siya ulit ng paglubog ng araw at pumalit ang buwan, hindi mapapawi ng ingay ng mga alon o pag-ihip ng hangin ang pagdadalamhati niya.

O...Oo naman! pilit ang ngiting tumugon siya sa kaibigan pero hindi nakatangin dito.

Mukhang hindi eh! Ang asim ng pagkakangiti mo oh!

Miks, don't start please? Nakakabingi din naman makarinig ng sermon mo maya't maya, sa totoo lang, nilangkapan niya ng biro ang sagot dito.

Alam mo naman kung gaano ako kakulit di ba?

Pero....

Your mistake was dragging me here with you para takasan ang isang bagay, Den. O ang isang tao? I don't know, paninimula na naman nito sa pangungulit sa kanya. Wala kasi ako ni kaunting idea kung bakit tayo nandito in the first place. Basta ka na lang nag-request na samahan kita sa pupuntahan mo. Ako namang si uto-uto, sumama, not knowing na magiging pipi pala yung makakasama ko. Yes, you said you needed to think kaya dito kita dinala, but I didn't know na naputulan ka pala ng dila sa Maynila. Pero nagsasalita ka naman. Yun nga lang, either "oo" o "hindi" lang ang sinasabi mo. Kadalasan pa nga malalim na buntung-hininga. So, until you tell me what really happened, hindi kita tititigilan.

Hindi naman nainsulto si Den sa mga sinabi ni Mika. Nasa boses naman nito ang pagbibiro.

Pero Miks....

I'm done being patient, Den. This time, seryoso na ang boses nito. And it frustrates me more, na heto nga at kaibigan mo ako, pero wala akong magawa para maging okay ka. Kung ayaw mo talagang sabihin, sige, iintindihin ko pa rin yun. Pero kailangan na nating umuwi. My daughter needs me. At ayaw mo din namang tulungan kita so...

Pasensya ka na Miks kung hindi ko na naisip na maiiwan pala ang baby mo sa pag-aya ko sa'yo dito, paumanhin niya. Puwede ka na namang bumalik sa atin. Okay lang ako dito na mag-isa.

No! And it's not what I mean Den. Hindi kita puwedeng iwan dito. Siguradong mas mag-aalala ang mommy mo kapag ginawa ko yon. Gusto mo ba yon?

Siyempre ayoko!

Yun naman pala eh! At malay ko ba kung may balak kang magpalunod dyan sa dagat kapag iniwan kitang mag-isa dito!

Mahal ko pa naman ang buhay ko Miks. Ni hindi sumagi sa isip ko yan!

Biro lang! Tatlong araw na tayong seryoso dito, nakaka-drain ng energy sa totoo lang!

I'm sorry Miks!

It's okay Den. Again, I'm just kidding. But please, allow me to help you! Alam ko namang si Alyssa lang ang magiging dahilan bakit ka nagkakaganyan, pero, nagbabakasakali lang ako na matutulungan kita kahit papaano sa bigat ng dinadala mo ngayon.

With that, tuluyan nang dumaloy ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Mga luhang wala na yatang balak siyang lubayan mula pa nung mangyari ang insidente.

Tatlong araw na silang nandito ni Mika sa isang resort na malayo sa kanila. Pagkatapos kasi ng naging biyahe niya para hanapin si Alyssa, wala sa sariling umuwi siya sa kanila at mula noon, wala nang tigil ang pagtangis niya. Hindi naman nag-usisa sa kanya ang mommy at lola niya at sa halip ay may pang-unawang tinatabihan lang siya kapag nakikita nilang umiiyak siya. They were just waiting for her to open up her misery, but even that tiny courageous act, hindi niya magawa. She needed to grieve, kaya naman niyaya niya si Mika na lumayo para makapag-isip siya. At dito nga siya dinala ng kaibigan.

PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon