Perfect One

14.5K 178 3
                                    

Excuse me sir, someone named Dennise Lazaro is here to see you.

Dennise Lazaro, you said?

Yes sir.

And who the hell is she?

She said she's your niece.

Dennise Lazaro, Dennise Lazaro, Lazaro, Lazaro, ah, her! Ah okay! Let her in.

Jose Marquez totally stopped what he's doing after he dropped the call. What is this girl doing here? he murmured as he waited for his door to open to let his visitor come in.

Nang bumukas ang pinto, bumungad sa kanya ang isang katamtaman ang tangkad na babae. Nasa 5'5" ang taas, maputi, balingkinitan ang katawan, nakalugay ang natural na straight na buhok, bilugan at asul na mga mata.

Kung susuriin, aakalain mong napaka-amo ng mukha nito at para bang hindi makabasag-pinggan. But Jose knew behind those angelic face of hers lies the little witch that she is.

Tumayo siya at nagkunwaring masigla ang boses sa pagsalubong dito, kahit ang totoo ay inis siya dito dahil sa nakaraan nilang dalawa. Dennise, hija! Muntik na kitang hindi makilala! Halika! Upo ka!

Salamat po! nahihiyang sagot ng dalaga sa kanya.

Kumusta ang mommy mo? Kumusta sa inyo?

Ahm, okay naman po. Yun nga po ang dahilan bakit ako pumunta dito.

Oh, yeah, right, right! sagot agad niya nang maalala ang tawag na na-receive niya mula sa nanay nito wala pang isang buwan ang nakakaraan. Upo ka! Gusto mo ba nang maiinom?

Salamat po! umupo naman ito. Ahm, hindi na po, busog pa ako, pero salamat sa offer ninyo.

Mukha kang kinakabahan. Kinakabahan ka ba? Relax hija, mabait akong tao, ha ha ha!

Medyo po, honest naman nitong sagot.

Nagkumustahan pa silang dalawa hanggang sa dumako ang usapan nila sa pakay talaga ng dalaga sa kanya. I'll be honest with you hija. Sa ngayon ay wala akong maitutulong sa'yo o maii-offer sa'yong trabaho sa klase ng educational background mo. Well, none of my companies are into health services. We're more of construction, engineering, consultancy, but none of hospitals or services kung saan pupuwede ang kurso mong natapos.

Alam ko naman po yun, Mr. Marquez.

Tito Jose. Remember, we're relatives.

Alam ko naman po yun, tito Jose, ulit ni Dennise. Nagbabakasakali lang naman po ako na matutulungan nyo kami ng nanay ko. After po kasi mawala si daddy, nahirapan na po kami ni mommy na makabangon. Hanggang ngayon po kasi, binabayaran pa namin ang mga nagastos naming sa pagpapagamot kay daddy.

I'm sorry hija sa nangyari sa daddy mo. Hindi man kami masyadong nagkakakilala, I still considered him as my cousin dahil asawa siya ng mommy mo.

Okay lang po yun. Ganun talaga yata ang buhay. Una-unahan lang.

As for the job, I'm really sorry, but don't worry I'll do my best to search for some companies na makakatulong sa'yo.

Salamat po.

Naputol ang pag-uusap nila ng dalaga nang tumunog ang cellphone niya. He immediately pressed the call button. Yes?

It's confirmed, narinig niyang salita mula sa kabilang linya.

That bitch! he immediately snapped once he heard the news. Narinig iyon ni Dennise at kitang-kita niya ang gulat at takot sa mukha nito.

PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon