Perfect Twenty-Six

3.4K 118 6
                                    

Nakadungaw ka na naman dyan sa bintana, apo. Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?

'La, kayo po pala! gulat na bati ni Dennise sa matanda.

Kanina pa kita pinagmamasdan, at kanina ko pa rin tinatawag ang pangalan mo pero hindi mo yata narinig.

Sorry po, may iniisip lang po ako.

Kung anuman yan, sa tingin ko'y hindi na maganda ang kinahahantungan.

Hindi na sumagot pa si Dennise at ibinalik na lang ang tingin sa labas ng bintana.

Admit it or not, she's been doing that for the past three months now, umaasam at naghihintay na darating si Alyssa.

Pero hanggang kailan ba siya maghihintay? Hanggang kailan siya tatanaw sa malayo at aasang babalik pa ang taong nangako sa kanya na babalikan siya? At kung bumalik man ito, handa na ba siya?

Hanggang kailan siya maninimbang kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin?

Hanggang kailan niya kukuwestyunin kung alin ang panghabambuhay at kung alin ang panandalian lang?

Pinilit niyang ibaling sa iba ang atensyon niya, partikular kay Mika, pero lulubog ang araw, uusbong ang liwanag ng buwan, at muling lulubog kinabukasan, si Alyssa pa rin ang laman ng isipan niya.

Hindi man nila pinag-usapan, pero parang naintindihan ni Mika na hanggang kaibigan lang ang turing niya dito. Hindi na naman ito nagpumilit pa, at sa halip ay tinutulungan siyang maging magaan pasanin ang suliranin niya.

Hindi niya magawang buksan ang puso sa iba hangga't walang pinalidad ang sitwasyon nila ni Alyssa.

At yun ang tatlong buwan na niyang tinitimbang sa sarili.

Halika nga dito, apo. Mag-usap tayo, narining niyang tawag sa kanya ng abuela.

Lumapit si Dennise sa lola niya at inalalayan niya itong maupo sa sofa, saka siya tumabi dito.

Hindi na ako magtatanong kung bakit palagi ka na lang nakatanglaw sa bintana na para bang may hinihintay ka, panimula nito. Pero ang itatanong ko sa'yo ay kung bakit kailangang pahirapan mo ang sarili mo sa ginagawa mo?

Lola, hin....

Papunta ka pa lang, pabalik na ako, apo. Kailangan mo pa bang magsinungaling kay lola?

Hindi naman po sa ganun lola, nahihiyang sagot niya.

Eh kung ganun, eh ano? Hindi mo siguro napapansin pero pati kami ng mommy mo ay apektado sa nangyayari sa yo. Sa inyo ni Alyssa. Humahaba ang panahon na pinalalampas ninyong dalawa ang pagkakataon na magkaayos. At sa palagay ko, hindi normal na alitan lang ang namagitan sa inyo kaya kayo nag-cool off, tulad ng sinabi ni Alyssa sa amin noon. Tama ba ako, apo?

Wala nang nagawa si Dennise kundi tumango bilang pag-amin.

At saka, ano ba yang cool-off, cool-off na yan? Bakit hindi nauso yan nung panahon namin ng lolo mo? pabiro pa nitong tanong sa kanya.

Binibigyan lang po namin ang sarili namin lola na mag-isip nang mabuti kung dapat pa bang maging kami o mas makakabuting hindi na lang maging kami. At pasensya na rin po kung pati kayo ni mommy ay naapektuhan sa nangyayari sa amin ni Alyssa.

Ano pa't tinawag tayong pamilya Dennise kung hindi rin tayo magtutulungan kapag may problema ang isa sa atin? Tatatlo na nga lang tayo dito sa bahay ng mommy mo, magpapakiramdaman pa ba tayo?

Sorry po ulit 'la.

Hanggang kailan ba ang cool-off ninyong dalawa? May requirement ba kung ilang buwan o ilang taon dapat mag-cool off ang magkasintahan bago muling magkabati? Paano kapag hindi na nagkabati?

PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon