Okay lang ba na maghintay ka, miss? Iti-check ko lang kung puwede ka nang ma-interview ngayon ng boss namin. Ano bang posisyon ang ina-apply-an mo?
Kahit ano miss. Kung saan pupuwede ang background ko.
Kahit courier staff, payag ka? biro ng tsinitang babae sa kanya.
Okay lang, matino pa rin naman yon, di ba? kontra biro din niya.
Pinasadahan ng babae ang mga papeles niya at medyo tumango-tango ito.
Your resume's too impressive to pass as a courier staff, miss. Mas impressive pa nga ito kesa sa resume ko, sa totoo lang!
Hindi naman siguro, nahihiya niyang tugon.
Anyway, hintay ka lang ha. I'll try to check with our HR Head kung mai-interview ka nya today. Medyo busy kasi ang mga tao kasi naglilipat kami. Or if you want, I'll call you na lang on your number for the scheduled interview. Ang alam ko kasi, next week pa sila mag-i-interview ng applicants.
No! I mean, I won't mind waiting. Please, miss, help me?
Mukhang nabosesan ng babae ang desperasyon sa boses niya kaya ngumiti ito at tumango sa kanya.
Sige, upo ka na lang muna dun. I'll see what I can do, turo nito sa silya na nasa sulok ng kuwarto.
Salamat miss!
Walang anuman, ahm, Dennise, tingin nito sa papel niya.
Pumunta si Dennise sa itinuro ng babae na upuan. Habang naghihintay, dasal siya nang dasal na sana ma-interview siya, at sana matanggap siya.
This has been her 7th chance for a job opportunity. Yung mga naunang kompanyang pinag-apply-an niya, halos pare-pareho ng sinabi sa kanya pagkatapos siyang ma-interview. Tatawagan na lang daw siya para sa resulta. Malamang sa malamang, hindi siya matatanggap doon. At saka, hindi sa namimili siya ng papasuking trabaho, lamang, hindi rin naman siya komportable sa kinalabasan ng mga interview niyang yon. Yung una, parang manyak ang interviewer, wala nang ginawa kundi tingnan ang dibdib niya at hawakan ang kamay niya. Yung isa naman, masyadong mababa ang suweldo sa napakahabang oras na gugugulin. At yung huli, masyadong arogante ang magiging boss niya sana. Pakiramdam niya, hindi siya magiging komportable dito kapag nagkatrabaho sila. At yung iba, out of desperation kaya siya nag-apply. Sa huli, siya rin mismo ang umayaw dahil pakiramdam niya'y hindi siya tatagal sa ganung klaseng trabaho.
She's eager to have a job, but if possible, she wanted a job kung saan magagamit niya ang pinag-aralan niya at experience.
A month ago, nagpaalam siya sa mommy at lola niya na makikipag-ayos na siya kay Alyssa. Pupuntahan niya ito at kung kinakailangang siya ang manuyo para magkasundo sila, gagawin niya. Nag-file muna siya ng one month-leave sa eskuwelahan para magawa niya ang binabalak.
She's been waiting for Alyssa's return for more than three months already, and yet, wala ni isang palatandaan na babalik pa ito sa kanya. It made her worried, and afraid at the same time kung may aasahan pa ba siyang Alyssa na babalik. Fear of finally losing Alyssa made her realize na hindi pala niya makakaya kung tuluyan itong mawala sa kanya. Parang ikamamatay niya.
Arriving in Manila, she was armed with confidence she would get her back, only that confidence to be swallowed wholly with fear and anxiety when she found out that the company that she used to work for no longer existed. She tried contacting Ara pero maski ito at ang company nito ay wala na rin sa building na alam niya.