NO!
'Lo??????
You heard it loud and clear Alyssa, hindi ka magpapakasal sa babaeng yon!!
Alyssa couldn't believe it. Ayaw ng lolo niya kay Dennise? Bakit?
But 'Lo, h...hindi ko maintindihan! Bakit?
Sa halip na sagutin siya nito, mas matalim ang tingin ang ipinukol ng matanda sa kanya.
Tuluyan ka na talagang nabulag sa babaeng yon!
'Lo!
Ano ba ang ipinakain sa'yo ng babaeng yon at ganun na lang kabilis para sa'yo na kalimutan ang nangyari?
'Lo, I d....
I know everything Alyssa. Tumawag sa akin ang partner mo from Holland and told me you cancelled your trip to The Netherlands because of her!
Because I had to take care of her uncle once and for all lolo!
Then, ano itong kalokohang pagpapakasal na sinasabi mo, ha?! Alam mo ba ang sinasabi mo, Alyssa?!?! Magpapakasal ka sa kamag-anak ng lalakeng yon?!?!
Kamag-anak, 'Lo! He's not even her direct family, for God's sake!
Huwag mo akong ma God's sake, God's sake, Alyssa! Sinasabi ko sa'yo, tigilan mo na yang kalokohan mo!
Pero 'Lo, hindi ito kalokohan! I told you and I will tell you again, inosente si Dennise sa mga pinaggagawa ni Marquez sa atin!
At ano kasiguraduhan mo ha? Yang sinasabi mong pagmamahal sa kanya?!? Huwag kang maging bulag Alyssa! Niloloko ka lang ng babaeng yan! Pinaiikot ka lang sa palad niya!
How could you say that?!?! Ni hindi mo pa nga siya nakikilala!
I don't have to meet her to know her kind, apo.
Anong "her kind" 'Lo? Why, what do you think her kind is?! di na rin niya napigilan ang pagtaas ng boses.
From the way they were talking, nahihinuha ni Alyssa na hindi niya basta-basta mababago ang desisyon ng lolo niya. At ito ang unang pagkakataon na hindi sila magkakasundong dalawa.
Never did she think na ang lolo pa niya ang pipigil sa kung ano ang totoong makakapagpaligaya sa kanya.
Kaya pala hindi ito lumabas ng kuwarto kahapon nung maabutan nila ni Dennise na nag-aalmusal ang lola niya. Idinahilan ng matandang babae na masama ang pakiramdam ng lolo niya kaya hindi wala ito iyon.
Siguro iyon din ang dahilan kung bakit malamig ang pakikitungo ng lola niya sa babae. Tumango lang ito ng ipinakilala niya ang girlfriend.
.
.
.
.Good morning 'La! bati niya sa abuela nang maabutan nila ito sa hapag-kainan.
Alyssa, malamig na bati nito sa kanya.
Alyssa creased her forehead.
Are you okay, 'La? Did you have your BP checked already? Asan na ba yung nurse nyo? palinga-linga pa siya para hanapin ang nurse na alalay ng dalawang matanda.
Wala naman siyang alam na sakit ng lolo at lola niya, but due to old age, minabuti niyang mag-hire ng isang nurse/dietician para regular na ma-monitor ang kalusugan ng dalawa at makampante na rin siya sa isipin tungkol sa matatanda.
Bukod kay Vic, ang dalawa na lang ang pinakamalapit niyang kamag-anak. Walang kapatid ang daddy niya at wala naman siyang komunikasyon sa kamag-anak ng mommy niya kaya ang dalawang matanda na lang ang itinuturing niyang pamilya.