Perfect Twenty-Two

3.7K 106 6
                                    

Monday came and still Dennise hasn't figure out how to solve her dilemma with her uncle. Sa sobrang pag-iisip niya, nakalimutan niya ang pagtatampo sa kanya ng nobya. Morning and afternoon passed by na hindi siya kinokontak ng babae at kung hindi pa siya tinanong ni Ara, hindi niya maalala na kailangan niya palang suyuin pa ito.

But appeasing her girlfriend is the least concern for Dennise now. Mas kailangan niyang gumawa kaagad ng paraan kung paano tuluyang mapuputol ang kawalanghiyaan ng tiyuhin niya. At lalo pa siyang nag-panic nang eksaktong makarating siya sa desk niya ay kaninang umaga ay tumunog ang extension line niya at boses nito ang bumungad sa kanya.

Earlier....

Office of the President, good morning!

Maganda ka pa sa umaga hija!

Un....uncle!

I hope you slept well, hija? He he he.

Please...

What hija? Wala naman akong gagawin sa'yo, don't worry! I just want to remind you of our talk yesterday. By the way, did I forget to mention that yesterday was counted as one day already? So, you have exactly twelve days and wait, fourteen hours and forty-five minutes to do our plan. Remember your 2-weeks limit ha?

Da....

Hep! Hep! Masama ang magmura ke aga-aga pa Dennise! It's Monday and it's bad for business if you start your day cursing, eh? Anyway, I have to go. Kakausapin ko pa ang iba nating ka-business deal dito. Ha ha ha!

Hanggang ngayon, matatapos na ang oras ng pag-oopisina, ay umaalingawngaw pa rin sa tenga niya ang boses ng matandang lalake.

And she can't continue like that. She can't be tortured mentally by him continuously just like that. And if her uncle thinks she's coward enough to follow his demand, well, nagkakamali ito.

With the sheer determination to end her ruthless uncle, she did what she thought was the best solution.

Bahala na! she said to herself as she sat back down to her chair and faced her computer.

.

.

.

.

.

One hour to her assignment and she removed the gadget from her PC. Nanghihinang sumandal siya sa silya at pinikatitigan ang maliit na aparato na naglalaman ng mga ginawa niya.

Sana, tama ang desisyon ko! Lord, please guide me! pikit-mata niyang dasal habang mahigpit na mahigpit niyang hawak ang magiging mitsa ng buhay niya.

After murmuring additional prayer, napagdesisyunan na niyang umuwi na ng bahay, at bago tuluyang isara ang opisina, dumaan siya sa opisina ni Alyssa para itsek kung may kailangan siyang gawin. Pati iyon ay nakalimutan niyang gawin kaninang umaga.

Pagpasok niya sa loob ay nagulat siya sa nakitang hitsura ng lugar. Magulo ang mga papeles sa ibabaw ng mesa at may dalawang bote ng alak na walang laman. May mga mantsa pa nga ng likido ang ilang papeles na napapatungan niyon.

PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon