PROLOGUE

188 19 91
                                    

Takot syang umatras ng may maaninag na aninong palapit sa kanya. Sa kakaatras nya ay bigla na lang syang natumba sa isang malambot na bagay.

"Aray!" Tumama pa ang ulo nya sa matigas na kahoy kaya napaigik na sya sa sakit.

Biglang sumara ang binagsakan nya kaya naiwan sya sa loob nito at doon nya lang natanto na isang kabaong ang binagsakan nya.

Gusto nyang umiyak sa takot pero ayaw nyang pairalin ang panghihina ng loob dahil sa lagay nya ngayon ay wala syang aasahan kundi ang sarila nya mismo.

Wala syang matawag na mga kaibigan kaya kailangan nyang makaisip ng paraan kung paano makalalabas sa kabaong 'yon. Kung kailangan nyang pigilan ang sarili na makagawa ng katangahan ay gagawin nya.

"Ang init! Hindi man lang ginawang aircon ang kabaong na 'to," reklamo nya habang pinipilit na maalis.

"Pag ako talaga nagpagawa ng kabaong para sa sarili ko palagyan ko ng solar na aircon, para mas kumportable ako." Pagkausap nya sa sarili not knowing na may nakikinig na sa kanya.

"Masyado ka naman yatang demanding." Sagot ng isang pamilyar na boses ngunit hindi nya lang matukoy kung sino ito.

Tumambad sa kanya ang isang nakamaskarang lalaki, pero dahil salamin lang pagitan ng kanilang mukha ay napansin nya isang makintab na bagay na nasa tainga nito. Earring!

"Ang swerte ko naman yata at may kusa ng pumasok sa lungga ko." Tuwang-tuwa na ani ng lalaki sa kanya.

Napapangiwi naman sya dahil halos maligo na sya sa pawis. "Bigyan mo muna kaya ako ng pamaypay dito, bago mo ako chikahin kuya." inis nyang saad dito na mas lalo lang ikinatawa ng lalaki.

She shook her head when they can't find even a single strand of Sheila's hair. Nababahala syang baka pag nakita nila ang babaeng 'yon ay kalbo na. Napatawa na lang sya sa naisip pero agad na pumirme ang labi nya ng biglang may pumasok sa isip nya.

Naunang maglakad sa kanya ang dalawa kaya nagkaroon sya ng pagkakataon na lumihis ng daan at binalikan ang kaninang pader na gusto nyang puntahan.

She slowly pushed the wall, and a dark and odd feeling welcomed her. Hindi nga sya nagkamali at mayroon talagang nakatago sa likod ng pader na 'yon.

"Ang creepy naman." Yakap nya sa sarili ng makaramdam ng nakakakilabot na pakiramdam.

Kinilabutan sya ng makita kung ano ang nasa loob no'n. May mga nakasabit na sungay sa bawat sulok ng kwarto; may mesang pahaba na nandoon sa gitna at napapalibutan ng nakakakilabot na maliliit na rebultong may sungay, mayroon ding espada na kumikintab ang talim nito ng masinagan ng liwanag na galing sa kulay pulang ilaw, at mayroong bukas na kabaong ngunit ang nakakuha ng pansin nya ay ang pursilas na nandoon sa kabaong.

She heard the wall creaking so she immediately hide herself behind the table. Mas lalo syang nagtago ng makita ang anino ng pumasok at dahan-dahan din naglibot sa loob ng kwarto ngunit isang bagay din ang nakakuha sa atensyon nito.

Ang sapatos na suot nito! Alam na alam nya kung kanino 'yon at para masiguro ang hinala nya ay sinilip nya ito.

"Shantel!" Bulong nya ng makita ang kaibigan na nakangisi at hawak ang napakatalim na espada habang nakatingin sa direksyon kung nasaan sya.

---
©INOXENTENGMANUNULAT

Mysterious Palace (COMPLETED)Where stories live. Discover now