CHAPTER 6

52 15 49
                                    

"ZEYA!"

Napalingon silang lahat kay Zeya na buhat-buhat ni Slate. Ngumiti si Zeya sa kanila ng makita ang alala sa mga mukha nila.

"I'm sorry if I bring her back late." Slate said apologetically.

Dahan-dahan siyang ibinaba siya ng binata at inanalayang umupo sa sofa. Nakasunod naman ang tingin nila sa dalawa.

"Aw!" Mahinang daing Zeya nang makaupo.

Kaagad na ngumisi ang mga kasama niya dahil alam na alam na nito ang nangyari sa kanya. Yumuko siya habang namumula ang pisngi.

"Wasak ba?" Tiningnan niya si Angela na nagtaas baba ang kilay na mas lalo niyang kinapula.

"Wasak nga." Tangong sabi ni Shantel.

Magsasalita na sana si Zeya nang makarinig sila ng kalabog sa taas. Nagkatinginan silang lahat habang ang mga babae naman ay nagsiksikan.

"Ang aga-aga namang magparamdam ng mga barkada mo, Sheila. Alas nuebe pa lang ng umaga, ano ba!" Naiiyak na sabi ni Esperanza, pinalo naman ni Sheila ang katabing kaibigan bago bumusangot ang mukha.

Tumingin si Shantel sa binata, "help us escape." She said.

The man sat beside Zeya and encircled his arms around her waist before answering. "Even if I want to, I can't."

Tiningnan siya ng matalim ni Cheska. "What the fuck do you mean you can't?!" Romelette calmed Cheska.

"I've been here for almost twenty years," nagulat sila sa narinig. "and can't get out! There is something in this place that I couldn't explain why it happened to me," Slate glanced at them, "and to you." he said hiding the smirk that almost escaped his lips.

Natahimik sila at ilang sandali lang ay nakarinig ulit sila ng kalabog sa itaas. Umupo lang sila sa sala at walang nagtangkang umakyat sa takot na baka panibagong kalaban na naman.

Ilang minuto bago mawala ang kalabog ay nakahinga sila ng maluwag pero may nahagip ang mata ni Maye sa isang room dito sa sala.

"Nakita niyo ba 'yon?" Wala sa sariling tanong ni nya.

"Ang alin?" Tanong ni Sheila.

"Ang pake ng ex mo sa 'yo." muntik ng mabatukan ni Sheila si Isabel kung hindi lang ito umiwas.

"May tao sa loob no'n." sabi niya sabay turo sa storage room.

Nagtakbuhan sina Jhay, Romel at Shan-Dhave sa katabing sofa nila Shantel dahil malapit ang mga lalaki sa storage room. Natawa si Shantel sa kanila.

"Duwag." mahinang bulong nya sa katabing si Dhave na tiningnan lang sya ng masama nito.

The door closed harshly that make them startled. Nilingon nila ang storage na kanina lang ay bukas, at ngayon  ay sarado na.

"Baka masamang espirito na naman yan, Espe," bulong ni Jode sa tenga ni Espe.

Huminga ng malalim si Esperanza para pakalmahin ang sarili pero kaagad ring napatili at napatabi ng upo kay Zeya ng maramdaman nya ang napakalamig na hangin na bumabalot sa katawan nya.

"Aray!" Mahinang daing ni Zeya nang mabangga sya ni Esperanza.

"Damn, watch your move!" Napaatras si Esperanza sa takot dahil ang sama ng tingin ng lalaki sa kanya.

Kasalanan kasi 'yon ni Jode, eh! Binubulong bulungan siya ng nakakatakot. Sinamaan niya ng tingin si Jode na walang kamalay malay sa nangyari na nakangangang natutulog na ngayon. Ang bilis naman yata nyang makatulog!

Mysterious Palace (COMPLETED)Where stories live. Discover now