CHAPTER 11

50 12 17
                                    

"Teka, saan natin 'yon ililibing? Eh hindi naman tayo makalabas." tanong ni Kenneth sa mga kaibigan.

"Sunugin na lang natin! Hindi ko na kaya ang amoy no'n." reklamo ni Romel.

"Mas hindi natin kaya ang amoy ng suka at utot ni Sheila." segunda ni Seth na ikinahalakhak naman ng mga kaibigan nila.

Sheila pouted her lips, "nagsalita ang mabango ang utot, amoy imbornal naman nga."

"Maglalaitan na lang ba kayo dyan o kikilos kayo para mailibing ang bangkay." saad ni Romelette habang nakaligkis ang kanang braso sa kaliwang braso ni Knight.

"Maglalampungan lang ba kayo dyan ate o tutulong kayo sa paglibing ng bangkay?" Panggagaya ni Shaina sa kanya na ngayon lang naisipang umimik.

"Why do you sound pissed?" Knight asked her while grinning.

She smiled sweetly at him. "Am I?"

"Tama na yan. Halika na, ate Shai. Iwas-iwasan pagiging highblood." hinila sya patayo ni Angel at Shantel kaya wala syang nagawa kundi ang sumunod.

"Respeto naman sa bangkay, huwag na lang natin kaya sunugin." ani ni Espe.

"Alangan namang hayaan na lang natin na tuluyang mabulok yan." sagot ni Sheila.

Pumalakpak si Maye na senigundahan naman ni Romel at Seth. "Shit! Ngayon ka lang may nasabing matino Sheila." saad ni Maye habang pumapalakpak at animo'y proud na proud sa kaibigan.

"Maghanda tayo at may nasabing matino si Sheila." segunda ni Angela.

"Lakas ng loob mong magsalitang maghanda, wala na nga tayong makain tch!" ani ni Shaina.

"Ohh! Ba't kana naman nagagalit?" tanong ni Anne sa kanya.

She rolled her eyes and smirked at Shantel who's staring at her emotionless.

"Magpaalam muna tayo sa mga batang 'yon, bago natin sunugin ang mga bangkay na 'to."

Hinatak ni Isabel paalis si Sheila, na hinatak naman si Espe na naging sanhi para makasama rin nila si Shaina dahil hinawakan din ito ni Espe at walang syang choice kundi ang sumama sa tatlong sabog nyang kaibigan.

"Yuhoo! Mga bata, magparamdam kayo magparamdam." sigaw ni Sheila habang nililibot nila ang hallway sa second floor.

Tahimik lang na nakasunod si Shaina sa tatlo na puro ingay lang ang nagagawa. But the wall at the end of the hallway caught her attention, and she thinks that  something was hidden behind that wall.

Maglalakad na sana sya papunta roon ng biglang may humawak sa braso nya, nanlalaki ang mata ng bumaling sya sa pangahas na humawak sa braso nya.

"Huli ka! Kanina kapa hinihintay nina Esperanza, nandito ka lang pala." gulat syang napatingin kay Cyan ng bigla na lang lumitaw galing sa kung saan.

"Get your filthy hands off me!" irita nyang saad at tinanggal ang kamay nito na nasa braso nya.

Itinaas nito ang dalawang kamay na animo'y sumusuko. " Sorry." ani nito.

Inirapan nya ito bago linagpasan at bumalik sa kusina, kung saan susunugin nila ang na-a-agnas ng bangkay.

"Where have you been?" tanong sa kanya ni Shantel pero ang paningin nito ay nakatuon sa ginagawa ng mga kaibigan.

"Dyan lang!" maikling sagot nya.

Nang matapos nilang sunugin ang bangkay ay kanya-kanya na silang bumalik ng living room. Natuon ang paningin nya sa dalawang nag-uusap sa gilid at panay ang tawa ng mga ito.

Mysterious Palace (COMPLETED)Where stories live. Discover now