CHAPTER 2

102 16 77
                                    

Hinintay nila ang gagawin ng tao sa labas ngunit nakatayo lang ito at parang siya pa ang naghihintay na may lumabas.

"Wag mo sabihin na kailangan pa mag adjust nila Sheila? Pasukin na 'yan. Kay lakas humilik parang hindi babae." Bulong ni Jode at humagikhik.

Natahimik sila nang papunta sa direksiyon nila ang anino. Nakagat ni Shantel ang labi at sumiksik sa gilid ni Tine na panay ang siko sa kanya.

Huminga si Shan-Dhave ng malalim at bubuksan na sana ang tent nang may umutot sa kabilang tent na kinatigil nila. Muntik na silang mapahalakhak.

"Sheila naman! Hindi ka nagbawas bago pumunta dito?" Rinig nilang reklamo ni Esperanza.

Umungol lang si Sheila at tinadyakan ang paa ni Isabel na nakadantay sa kanya. Kay kapal ng mukhang mandantay, eh.

Nakahinga ng maluwag ang apat nang lumipat ulit ito kayla Sheila. Kita nila ang pagbukas ng tent pagkatapos ay tumili sila. Lumabas na silang lahat sa tent pati na rin ang iba.

"Sino ka?!" Maangas na sigaw ni Jhay na nakaboxer lang.

Napasapo nalang sila sa noo. Tinadyakan ni Romel si Jhay papasok sa tent at sinigawan.

"Magdamit ka nga! Para tayong may ginagawang milagro ampotangina." Inis na sigaw ni Romel.

Lumabas rin si Cheska na may dalang baseball bat at nakatitig ng masama sa estranghero. Nagtaka sila dahil may kulang.

"Dinisturbo mo ang tulog ko, ngayon, Ikaw naman ang didisturbuhin ko." Malamig na sabi ni Cheska at inatake ang lalaking naka-mask ang buong mukha.

Nakanganga lang sila habang nag-patayan na ang Mayora nila at lalaki sa harapan nilang lahat. Para silang nanonood ng horror film tapos ang tapang ng bida.

Winasiwas ni Cheska ang baseball bat at hinampas ang mukha ng lalaki dahilan para mapaupo ito at mabitawan ang hawak na patalim.

"Siguraduhin mo na kaya mo akong labanan sa susunod. Liit ng bayag mo tol." Hinampas niya ulit ng baseball bat ang batok ng lalaki at nawalan ito ng malay.

Mangha ang lahat na pumalakpak kay Cheska habang kinuha naman ni Shan-Dhave ang patalim at initsa kay Seth na tarantang sinalo.

At dahil sa katangahan, paa niya ang nakasalo sa patalim. Buti nalang at hindi nasugatan, pero masakit pa rin.

"Animal Shan, sakit no'n." Reklamo ni Seth.

Umirap naman si Tine ng biglaan, "Ako nga na palaging rejected at nasaktan, nagreklamo ba ako?"

Natahimik nalang sila at isa-isang bumalik sa tent. Ngumuso si Tine at padabog na pumasok sa tent nila. Tinabihan niya si Jode na tulog na naman at si Shantel na nakanganga at tulo ang laway. Humiga siya sa gitna ng dalawa at natulog.

MORNING came, maaga silang nagising para libutin ang buong kagubatan. Nasa pinakaunahan si Angela at Cheska habang sa likod naman nila ang Kuya ni Cheska na nakahawak sa bewang ni Romelette.

Mapapa-sanaol ka nalang talaga.

The rest ay nakasunod lang sa kanila at tinitingnan ang paligid baka may ahas. At meron nga, nakaharang sa daanan nila at nakalingkis sa malaking puno.

"A-ahas pa ba 'yan? Ba't a-ang laki?" Nauutal na tanong ni Anne.

"Hindi, aso 'yan. Kita mo ng ahas, eh." Sinamaan si Zeya ng tingin ni Anne.

"Bakit? May nakita ka bang aso na nakalingkis sa puno, aber?" Angela sigh and separate the two.

"Stop it, both of you." Nagtinginan muna sila ng masama ng kinailing ng iba.

Mysterious Palace (COMPLETED)Where stories live. Discover now