CHAPTER 5

71 14 37
                                    

Hinilamusan ni Kenneth ang kanyang mukha ng ilang beses habang ang iba naman ay ngumingiwi dahil sa sobrang baho ng suka na nasa damit na ni Kenneth.

“Pag talaga ako makaganti.” Bulong ni Kenneth.

Bumuntong hininga si Zeya at wala sa sariling naglakad papalayo para maghanap ng daan palabas sa malaking palasyo na ito.

Nagsimula siya sa gitna hanggang pinakamataas na palapag ng palasyo pero wala pa rin siyang mahanap na pwedeng daanan.

Simangot na simangot ang mukha ni nya habang naghahanap ng daan palabas sa maruming palasyo na ‘to. Dala-dala ang isang dagger na mahigpit niyang hawak kung sakaling may manggugulat sa kanya.

Binubuksan niya ang bawat pinto ng palasyo hanggang sa mapadpad siya sa pinakahuling pinto, pero bokya pa rin. Napabuga siya ng marahas na hangin at wala sa sariling napaupo sa malaking bintana.

Nakikita niya sa hallway si Isabel at Sheila na nagbabangayan na naman at kulay nalang magsasabunutan na ng buhok. Napahagikhik siya nang batukan ni Sheila si Isabel.

“I need you,” napalingon si Zeya sa hallway nang makarinig siya ng boses lalaki.

Hawak ang patalim na naglakad siya sa pintuang nakaligtaan niyang buksan. Bumungad sa kanya ang magarang kwarto na kulay grey at itim. Ngayon lang niyan nakita ‘to at pansin niyang ito lang ang malinis sa lahat ng kwarto.

“Baby,” he whispered sending shivers from her spine through her heart.

Biglang sumara ang pinto kaya nataranta siya at sinubukang buksan iyon.

"Tulong! Ate Shantel! Tulungan niyo ako!" naiiyak niyang sigaw at tarantang tinutok ang patalim sa kung saan.

Napasinghap siya nang may pumulupot na braso sa kanyang bewang. Sumubsob ang mukha sa kanyang leeg na nagpalakas ng tibok ng puso niya.

“S-sino ka ba?” utal niyang bulong pero wala siya g nakuhang sagot.

Mas sumiksik pa ang mukha nito sa leeg niya na mahina niyang kinadaing. She heard the stranger chuckle that make her heart beats faster than the normal.

“My baby,” he whispered and bit her neck and licked it.

The stranger had a satisfying smirk on his lips as he stared at the hickey on her neck. What a beautiful view. Dinala niya ang dalaga sa madilim na parte ng kanyang kwarto at wala pag alinlangang hinalikan siya sa labi.

Nanlaki naman ang mata ni Zeya nang maramdaman ang malambot na bagay na nakadikit sa labi niya. The stranger moves his lips and slowly, she let her lips dance with the rhythm.

Hinawakan ng estranghero ang kanyang dalawang braso at dinantay sa kanyang balikat habang ang kamay naman nito ay nasa bewang niya, hinila siya papalapit habang magkadikit ang labi.

Zeya unconsciously licked his lips making him groan ang carry Zeya to sit on his lap. He bit her lower lip and slid his tounge inside her mouth, she moaned.

“Zeya?” dumilat siya at tarantang humiwalay sa lalaking Ngayon ay kunot na ang noo.

“Schweetz Zeya! Nasaan ka na ba?” Rinig niyang sigaw ni Esperanza.

Mysterious Palace (COMPLETED)Where stories live. Discover now