CHAPTER 1

159 18 94
                                    

"Matagal pa ba tayo?" Inis na tumingin si Angela sa kanya.

"Isang daang beses mo na 'yan tinanong sa 'kin Esperanza, tatamaan ka na talaga sa 'kin.

Ngumuso siya at natahimik dahil kita niya sa mata nito na gagawin talaga niya pag nagkukulit ulit siya.

"I'm hungry." Sabi ni Shantel pero nasa cellphone naman ang kanyang mata.

Napailing si Isabel at tiningnan ang kanyang Cellphone nang may nagmention sa kanya. She opened her messenger and tap the conversation named 'Inoxentes'.

Halos lahat ng nasa gc ay tungkol sa meet up ang sinasabi. Nagscroll siya pataas, si Sheila pala nagmention sa kanya.

"Hoy bulok! Nasan na kayo?"

Inis siyang nagtype sa cellphone niya.

"Nasa Mars, nagkakape. Leche ka!"

Nag-reply si Seth sa kanya.

"Nandito na kami sa tuktok ng bundok, ganda ng view kaso may hayup na humarang."

Nag-haha react kami sa sinabi niya habang si Angel naman ay nagreklamo sa kanya. In-off na niya ang data at binalik ang cellphone sa bulsa.

Nagpatuloy sila sa pagsunod kay Angela habang panghuli naman si Shantel na may kausap sa gc. Wala naman yang jowa na mahaharot.

May nakita silang mga taong naghahabulan at nag-uusap. Ang iba naman ay nagpose na parang tanga.

"Andyan na sila!" Lumingon ang lahat sa kanilang direksiyon kaya kumaway sila.

Tumakbo sila papunta sa mga kaibigang naghihintay sa kanila. Kaagad namang lumapit si Sheila kay Isabel at binatukan ito.

"Tangina, para saan 'yon?" Sinamaan nito ng tingin si Sheila.

"Namiss kita, Sabel. Payakap nga ako." Ibinuka pa nito ang mga braso na animo'y naghihintay na yakapi ng isa, pero sinamaan lang sya ng tingin nito.

Tumakbo sya palapit kay Shantel na walang ginawa kundi ang tingnan ang cellphone, imbes na makipaghalubilo sa mga kaibigan.

"Wala kang jowa girl," aniya habang nakasilip sa cellphone ng huli.

"Sinabi ko bang meron?" Pambabara ni Shantel sa kanya.

"Huwag puro cellphone ah! Dito ka magpokus sa meet up na 'to, baka nandito lang ang didilig sayo." pagpatuloy nya pa na mas lalong ikina-irita Shantel.

"Why do you care? It's you who don't have a boyfriend, Sheila!" Shantel exclaimed in irritation.

"Ano' to personalan?" reklamo nya bago bumalik kay Isabel.

Ang iba nama'y busy na para busugin ang sarili dahil sa magandang tanawin na nakikita nila. Naisipan nilang dito sa bundok ng Mariyang Makiling, i-celebrate ang anniversary ng kanilang pagkakaibigan.

They started from being an internet friends and they didn't notice that the friendship they have gets deeper and deeper na halos kapatid na ang turing nila sa isa't-isa.

Romelette heaved a deep sighed when she looked at her friends craziness, this is gonna be a hellish of a two weeks celebration of their friendship, she's sure of that!

"Everyone, may I ask for you attention please." Shan-dhave interrupted, "since it's getting dark, I think we should set-up our tent now. By pair tayo pero may isang pwedeng magsolo o pwede naman tatlo sa iisang tent." imporma nya sa kasama at nasipagtanguan lang ang mga ito.

Nagtaas ng kamay si Espe at itinuro ang dalawang katabi." Sheila, Isabel and I, will be sharing in one tent." she said.

"But... What if the boys will find some woods for the bonfire and to cook for our foods, and the girls will fixed this tents?" Cheska suggested making everyone nod.

Mysterious Palace (COMPLETED)Where stories live. Discover now