CHAPTER 4

72 14 41
                                    

The door was locked and there's no other way to open it. They tried to open the windows pero dahil sa sobrang luma na ng bahay ay puno na ng kalawang ang bawat sulok ng bintana kaya naman ay hirap na silang buksan ito.

"Come on. Open this damn door!" Shantel screamed irritatedly.

Tinapik lang sya sa balikat ni Romelette, "stop it, Shan..nagsasayang ka lang ng oras." ani nito.

Galit nyang sinipa ang pinto at bumalik sa sofa at pinagkaabalahan ang cellphone.

Ang iba naman sa kanila ay sinusubukang buksan at sirain ang mga bintana ngunit kahit mabasag man nila ito, ay mayroon paring nagsisilbing harang na mga bakal sa labas para mahirapang makalabas ang mga nasa loob.

Hindi pa gano'n kakalawang ang mga bakal na nasa labas kaya naman maaring inilagay ito doon, ay ilang buwan pa lang ang nakalilipas.

"What should we do now?" Zeya asked them helplessly.

Everyone sighed and tried to think of ways on how they can get out of that palace. Isang mala-palasyong mansyon ang napasukan nila kaya naman ay naisip rin nilang magandang lugar iyon para manatiling ligtas sila sa kung anong kapahamakan. This place is too huge for them that they can even occupy the rooms individually.

"Gahh! This is the adventure that we were talking." ani ni Angela, ininat ang mga braso pataas; himikab at tumayo.

Lumapit ito sa mga nakadispling mga lumang muwebles na hindi mo rin gano'n maintindihan ang desinyo ng mga ito. Nakakapagtaka nga lang at mayroong iba't-ibang mga armas ang naruon sa sala. Pero maaring sinadyang ewan na lang ng may-ari at hindi na nag-abala pang dalhin ang mga 'yon.

"Ano nga ulit ang tawag sa mga ito?" tanong ni Gv habang hawak ang isang muwebles na may desinyong anghel pero imbes na pakpak ang naroon sa likod nya, magkabilaang palakol ang naro'n at nakasabit sa balikat nito. Ang creepy naman yata ng mga ito, aniya sa isip.

"Souvenir yan." sagot ni Esperanza habang tinitingnan ang isang basong may laman na kulay pula. Sinubukan nya pang pabaliktarin ang baso ngunit hindi man lang nagalaw ang laman nito

"Napaghahalataan ang mahilig mangolekta ng souvenir sa binyagan at mga kasal" parinig ni Sheila kay Esperanza.

"Luhh! Kumpara naman sa'yong pabalot ng pagkain ang inuuna." singit ni Anne sa dalawa.

"Ba't parang kinakawawa nyo ako?" marahang tanong ni Sheila; mangiyak-ngiyak na arte niya habang nakahawak ang kamay sa dibdib at maya't-maya pa ay tumaas ang kamay at kumendeng na animo'y nagti-twerk... pero agad ding nagbago ng ritmo.

"Pearly shell...in the ocean." mahina nyang kanta habang marahang umiindayog ang balakang para makasayaw.

Napa-face palm na lang ang mga kasamahan na nakakita sa ginagawa ng kaibigan nila. Wala na nga yatang pag-asa na magbago pa itong mga tarantado!

Napabaling ang tingin ng karamihan sa gawi ni Romelette at kay Knight - kuya ni Cheska, ng marinig nila ang animo'y kinikiliting hagikhik ni Romelette.

"Enebe! May kiliti ako dyan." palo nito sa braso ng lalaki ng kilitiin sya sa leeg gamit ang labi nito.

Amusement danced in the man's eyes, he stared at her; placed his hands on her thigh, and squeezed it a bit. Romelette tried to remove it but he kept on returning his hand.

Mysterious Palace (COMPLETED)Where stories live. Discover now