CHAPTER 20

61 15 4
                                    

After they had been through a lot, now, they have the chance to escape and run for their life. One month of being in that palace is hellish for them. They fought for their lives to survive, one friend was taken away from them, strangers that became their friends but betrayed them in the end, and now another set of strangers are helping them to get out in this palace. Will they still be able to trust again and let these people help them and escape just to live?

A place where their friendship was tested and molded that turns into one solid family; a place where their friends found their greatest love — their children's, and now this place is slowly being eaten by fire.

"Faster guys!" A man on his black shirt and faded jeans guided them towards the first floor.

"Aray ko, ano ba Esperanza!" Inis na sigaw ni Sheila habang hawak ang buhok na hinatak ni Esperanza.

"Ang bagal mo kasi." Sagot ni Esperanza at itinulak ang huli at kamuntik na namang mahulog sa hagdan kung hindi lang may sumalo at himawak sa bewang nya.

"Nasa langit na ba ako?" Wala sa sariling tanong nito, nakatitig parin sa taong sumalo sa kanya.

"Sa empyerno ka pupulutin kapag hindi ka tumayo dyan." Sagot ni Isabel bago hinatak ang kaibigan at tumakbo pababa ng hagdan.

Naghahabulan na sila pababa pero heto't hindi parin matigil ang kalokohan nila.

May mga nahulog ng kahoy mula sa kisame na linamon na ng apoy at unti-unti na rin nawawasak ang kanang bahagi ng ikalawang palapag. Mabuti na lang ay may mga nakaalalay sa mga kaibigan nilang nagdadalawang-tao, kaya hindi sila nahirapang makababa papunta sa living room.

"Now what? That fucking door is still locked, paano tayo makakalabas!" Naiirita ng ani ni Maye.

"Relax miss, paano kami nakapasok kung walang daan palabas." Sagot nang lalaking blonde ang buhok. He looked rugged because of his disheveled hair but his still handsome to look at.

"Tch! Kung sana kasi sinabi nyo agad." Parinig ni Maye sa lalaki na tumiim lang ang panga nito.

"Maye tama na baka yan na ang magdidilig sayo, ikaw din." Awat ni Angela sa kanya na binatukan lang ng huli.

"Will you please faster guys! We're running out of time here, and you still have the time to joke around." Singhal ni Shaina sa kanila na prenteng-prente habang karga ng lalaki.

"This way guys! Come on.." Sigaw nito habang karga parin si Shaina.

They used the door at the kitchen, that rugged guys kicked the door na halos matupok na rin ng apoy. The boys told them to cover their nose and they did. Nag-uunahan silang magtakbuhan papunta sa gate at isa-isang umakyat ang iba nama'y tinulungan ang mga buntis na maka-akyat at may sasalo sa ibaba.

Lumundag paibaba si Shaina para makaalis sa hawak ng lalaki "Come here, babe. I'll lift you up." Hindi pinansin ni Shaina ang lalaki at umakyat ng kusa bago tinulungan ang ibang kaibigan na maka-akyay at makababa ng gate.

Nang makababa na silang lahat, nagpatuloy ulit sila sa pagtakbo para makalayo sa lugar na iyon. The strangers who helped them guided the way. Pwede rin silang traydurin ng mga ito pero wala silang ibang pagpipilian.

They ran for their lives like there's no tommorow.

"Shit!" Nang lingunin nila si Sheila at nadapa ito sa may bato at dumudugo na ang tuhod nito.

Mysterious Palace (COMPLETED)Where stories live. Discover now