"Rhon, may nililigawan ka na ba?" Nahinto sa pagnguya ang binata ng biglang basagin ng Ina ang katahimikan na bumabalot sa kanila. Napasulyap muna ang binata sa Papa niya na nagkibitbalikat lang.
"Wala po akong nililigawan ngayon, Ma." Saad ng binata matapos ubusin ang laman ng kanyang bibig at uminum ng tubig.
"Aba anak, kailan mo pa balak na manligaw? 24 years old ka na ni minsan wala ka man lang ipinakilala na nobya o kahit nililigawan man lang." Tila dismayado si Aling Cecilia sa nakuhang sagot.
"Mama, darating rin naman po tayo sa puntong iyan, sa ngayon po ay kuntento naman ako sa pagiging single." Argumento ng binata ngunit tumaas lang ang kilay ng ginang na animo hindi ito naniniwala sa kanyang sinabi.
"Umamin ka nga, Rhon, may inililihim ka ba sa amin?" Anito na sinulyapan saglit ang asawa na lihim naman na nangingit habang patuloy na nakikinig sa mag-ina.
"Wala ho akong inililihim sa inyo ni Papa, Ma." Sabi ng binata na naiiling pa saka ito nagpatuloy sa pagkain.
"Anak, mahal na mahal ka namin ng iyong Papa kaya sana 'wag kang matakot na umamin sa'min-".
Naptutol ang sinasabi nito ng mapatawa ng malakas si Mang Marcian.
"Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko, huh, Cecilio?" Salubong ang kilay na baling nito sa asawa.
"Wala, Marciano, Mahal." Nakataas ang dalawang kamay ng lalaki na para bang sumusuko ito. Masyado kasing seryoso ang mukha ng kabiyak kaya kunwari ay nagseryoso na rin ito kahit na nais pa sana nitong tumawa lalo pa nga at naalala niya ang naging pag-uusap nilang mag-asawa kagabi.
"Rhon." Muling natuon sa binata ang atensyon ng ginang.
"Yes, Ma?" Curious na sagot ng binata habang nginunguya ang maliit na karneng nasa bibig niya.
"Bakla ka ba, Anak?" Nagkagulo ang mag-asawa ng mabilaukan ang binata sa tila bombang tanong ng kanyang Ina.
"Heto tubig!" Tarantang abot ni Mang Marcian habang hindi naman alam ni Aling Cecilia ang gagawin. May pagkakataon na tatayo ito ngunit hindi naman alam kung saan siya pupunta at ilang hakbang lang ay babalik rin naman sa tabi ng anak at yayakapin ito o kaya naman ay hihimasin ang likod nito na panay ang pag-ubo.
Nang lumipas ang ilang sandali ay bumalik na sa normal ang paghinga ni Rhon. Napanatag naman na ang mag-asawa ng makitang maayos na ang kalagayan ng kanilang anak.
"Ma, saan mo naman nakuha ang ideyang iyon? Hindi lang nangliligaw at walang nobya, bakla na agad?!" Hindi makapaniwala na bulalas ni Rhon. Natameme naman si Aling Cecilia at napagtanto na mali ang naging approach niya sa anak.
"Excuse me, magpapahinga na ho ako." Paalam ng binata ng walang umimik sa kanyang Papa at Mama.
"Hijo, pagpasensyahan mo na si Mama mo. Ikaw lang naman ang iniisip namin, eh." Paliwanag ni Mang Marcian. Agad nitong sinundan ang anak matapos masiguro na ayos lang ang asawa. Nasa terrace sila ng bahay na katapat mismo ng silid ni Rhon. Doon dumiretso ang binata pagkaakyat nito.
"Anak, 'wag mong masamain ang sinabi ng Mama mo, nabigla lang din siguro siya." Inakbayan ng matandang lalaki ang anak ng hindi pa rin siya nito sinagot. "Naiinggit lang kasi ang Mama mo sa kanyang mga amiga dahil may apo na lahat ang mga ito samantala halos kaedad mo lang naman ang mga anak nila." Pagpapatuloy ng Papa niya.
"Okay, Pa. I understand, hindi ko lang kasi lubos maisip na maiisip niyo na anytime ay maglaladlad ako." Pilit ang tawang pinakawalan ni Rhon. Ginulo naman ni Mang Marcian ang buhok ng kanyang binata.
"Sige po, Papa, matutulog na ho ako. Good night po." Tinapik pa muna niya sa balikat si Mang Marcian bago pumasok sa kanyang kwarto.
Late na sila nakapaghapunan na mag-anak kaya naman inaantok na rin ang binata. Tumango lang si Mang Marcian bilang pagsangayon sa tinuran ng anak.
Samantala ng mga oras na iyon naman ay pinagmamasdan ni Cali ang kanilang bahay na nagsilbing kanlungan niya mula pagkabata. Marami siyang masasaya at malungkot na alaala sa bahay na iyon ngunit ganoon pa man ay sigurado siyang mamimiss niya ang manirahan sa naturang bayan.
Isang huling sulyap pa bago tuloyan na nilisan ng dalaga ang bahay nila.
Nang nasa bus na siya papunta sa probinsiya na kinalakihan ng kanyang Mama ay hindi man lang dalawin ng antok ang dalaga. Maraming agam-agam sa kanyang isip na pilit niyang nilalabanan.
Halos anim na oras din ang naging biyahe ni Cali. Pagkababa sa bus ay lumanghap ng sariwang hangin ang dalaga at tila hinaplos ang puso niya ng preskong simuy nito. Maya-maya lang ay dumating na ang sundo niyang...
Isang barangay!
Nanlalaki sa gulat ang mga mata ng dalaga sa napaka-init na pagsalubong ng mga Tito, Tita at mga pinsan niya at iba pang malalapit na kamag-anak.
Mag-aalas tres pa lang ng madaling araw kaya hindi niya inaasahan na ganoon karami ang sasalubong sa kanya. Naluluha ang dalaga na tila ba nakahanap ng kakampi sa presensiya ng mga ito.
"Hija, sa wakas nakita ka na rin namin." Wika ng Lola Siling niya na Tiyahin ng kanyang Mama. Niyakap siya ng matanda ng pagkahigpit-higpit na para bang kay tagal siya nitong pinanabikan na makapiling.
"Kayo po pala si Lola Siling, madalas po kayong banggitin ni Mama dati. Ang sabi po niya napakaganda niyo raw noong dalaga pa kayo." Nangingiti na kuwento ni Cali habang naiimagine niya ang mga panahon na nagkukwentohan silang mag-ina.
"At naniwala ka nama sa Mama mo?" Taas kilay na usisa ni Lola Siling.
"Oo, naman po Lola. Tsaka po sabi ni Mama kayo daw po ang pinakamalapit sa kanya." Nakangiting turan ni Cali.
"Namimiss mo si Mama mo, ano? Shh... Ayos lang na umiyak ka, 'wag mong pigilan ang sarili mo dahil sa paglabas ng mga luhang iyan ay naiibsan ang bigat na iyong pinapasan." Napatingala si Cali sa sinabi ng matanda. Hindi niya namalayan na naluha na paa siya habang nagkukwentohan sila ng Lola Siling niya.
"Pasensiya na po kayo--" Tuloyan ng bumuhos ang luha niya na siyang ikinatahimik ng mga nakakita sa kanilang eksena. Kararating lang nila ng bahay at sadyang sinarili muna siya ni Lola Siling dahil napansin nito ang kalungkotan ng apo sa pamangkin sa likod ng mga tipid nitong ngiti.
Hindi nagsalita ang matanda bagkus ay niyakap lang nito ang dalaga. Hinayaan nitong ilabas ni Cali ang kinikimkim na damdamin sa matagal na panahon. Nasa ganoon silang estado ng biglang may nagsalita sa likod ng dalaga.
"Wow! Ang drama mo naman... So, you are the rug Princess?"
BINABASA MO ANG
You are My Forever
General FictionIto ay kuwento ng pag-ibig na magpapatunay o magpapawalang katotohanan kung mayroon nga bang'forever' o walang hanggang pagmamahalan...