Chapter 27

110 7 7
                                    

"CALI!" Sigaw mula sa labas.

"Cali!" Natigilan ang mag-anak nang marinig nila ang ilang ulit na pagtawag sa pangalan ng dalaga. Sa ikatlong beses na pagtawag nito ay nanlaki ang mga mata ni Cali.

"Si Rhon!" Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang pinto at nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng nobyo.

"Ayos ka lang ba, huh? May ginawa ba sila sa 'yo?" Magkasunod na usisa nito, iniinspeksyon ang kabuoan ng dalaga kung okay nga lang ba ito. "S-sino kayo?" Mayamaya ay natuon sa mag-ama ang paningin ni Rhon.

"Rhon-" umpisa ni Cali ngunit muling nagsalita ang nobyo.

"Teka, hindi po ba ikaw 'yong nasa park kanina?" Usal nito na puno nang pagtataka ang mukha.

"Ang liit nga naman ng mundo. Ikaw pala ang iniiyakan niya kanina, iha?" Kunot-noo at naiiling na saad ni Mang Liam na salitan na tinitingnan ang magnobyo.

"Umiiyak? Umiyak ka, Rhon? Bakit?" Nag-aalalang iniharap ng dalaga sa sarili ang nobyo na hindi naman makatingin ng diretso sa kanya.

"Pumasok na muna tayo sa loob," sabat ni Carl. Nagpatiuna nang naglakad papasok ang mag-ama. Kaya naman sandaling nagkaroon ng privacy ang magkasintahan.

"Ano ba ang nangyari sa 'yo? Hinintay kita magdamag sa bahay ninyo pero hindi ka naman umuwi hanggang sa nagpasya na lang a-"

"I'm sorry!" Dalawang salita lang ang nagawang mangahas na lumabas sa bibig ng binata. Noong masilayan ng mga mata nito ang nobya ay parang kinurot ang puso ng lalaki.

"Rhon, iyong nakita at narinig mo, wala 'yon. Pumunta lang dito si Kelvin upang magpaalam. A-at iyong narinig mo, binabasa ko lang iyo tula-" muli ay natigil siya sa pagsasalita. Magkatapat ang mga mukha nila at nakikita niya sa mga mata ni Rhon ang magkahalong emosyon. Pero hindi na niya makita at maramdaman ang galit na naroroon noong huling nagkausap sila.

"Cali, kung anuman 'yon alam kong wala kang ginagawang ikasasama ng loob ko," anito. "Sorry at nagpadalos-dalos ako," muling niyakap ni Rhon si Cali. Agad naman na gumulong sa panulokan ng mga mata niya ang kaniyang mga luha.

"Thanks, Rhon," mahigpit ang iginanting yakap dito ng dalaga. Nawala ang agam-agam niya na magdamag namahay sa kaniyang puso at isipan.

"Ako dapat ang mag-sorry. Ako ang nagkamali at hinusgahan agad kita. I'm so sorry, Cali."

"You are forgiven, Rhon." Nakangiti ang luhaang dalaga at nababanaag ang ligaya sa mukha niya nang sandaling iyon. Ginawaran ng halik sa noo ng binata ang nobya at ito na mismo ang nagpunas sa luha ni Cali saka nito inalalayan papasok ng bahay ang dalaga.

"Rhon, si Papa Liam at Kuya Carl," pakilala ni Cali sa nobyo nang magkaharap-harap silang muli.

"H-hello po!" Alanganin man dulot ng kaba ay bumati na rin ang binata.

"Rhon, ikinagagalak kitang makilala, iho," inilahad ni Mang Liam ang kamay nito na agad namang inabot ni Rhon. "Heto naman ang nakakatandang kapatid ni Cali, si Carl," ani ng matanda ngunit noong iniabot ni Rhon ang palad nito upang makipagkamay ay tinanguan lang ito ng kapatid ng babae. Napapahiyang binawi ng binata ang kamay saka kumuha ng maiinum na dala ni Cali para sa kanila.

"CAN WE TALK?" Nagsalubong ang mga mata ng magkasintahan nang itanong ni Carl iyon kay Rhon. Tila humihingi nang permiso sa nobya ang binata na malawak na ngiti naman ang isinagot ng dalaga tanda nang pagsang-ayon niya.

Nakamasid sa pagbukas-sara ng dahon ng pinto ang mag-amang Cali at Liam.

Samantala, nagtaka si Rhon noong diretso sa paglalakad nito si Carl. Buong akala ng binata ay hindi na sila lalayo pa upang makapag-usap ngunit nagkamali ito. Napabuntonghininga ang binata nang sa katapat na waiting shed huminto ang kuya ng nobya. Matangkad ang nakakatandang kapatid ni Cali, moreno ito at singkit ang mga mata. Napansin din ni Rhon na pareho ang kulay ng mga mata ng mag-ama.

"Gaano na kayo katagal ni Cali? Your relationship, how long are you together?" Banat ni Carl na ikinabigla ni Rhon, alam nitong maaring tungkol sa kanila ang pag-uusapan nila ng kuya ng nobya pero ang marinig mula sa lalaki ang mga tanong na iyon ay nagpapakaba rito.

"A... Bago pa lang kami, in fact, wala pang isang buwan mula nang sagutin niya ako."

"Seryoso ka ba sa kanya?" Prangkang usisa ni Carl na hindi inaalis sa kausap ang paningin. Tila ba nais alamin ng binata ang katotohanan sa mga sasabihin ni Rhon.

"Oo, seryoso ako sa kapatid mo."

"Well, kung talagang seryoso ka sa kanya-patunayan mo. Court her again." Nanghahamon ang tingin na ani Carl sa hindi agad nakapagsalitang binata.

"Sure," napapalunok na tugon ni Rhon.

Nanatili muna sila roon ng mahigit kalahating oras. Nais daw ni Carl na magkasarilinan ang papa at kapatid nito na agad naman sinang-ayonan ng binata.

SA LOOB ng bahay. Pagkalabas nila Rhon at Carl ay nagkatitigan muna ang mag-ama. Parehong maraming gustong sabihin ngunit tila nahihirapang magsalita.

"Pa, ano ho ba ang nangyari? Bakit kayo naghiwalay ni mama?" Lakas loob na saad ni Cali, hindi na niya inalintana ang malakas na tambol ng kanyang puso. Nabibingi na siya ngunit isinantabi niya iyon. Gusto niyang masagot lahat nang katanungang nasa utak niya mula pa man noon.

Isinalaysay ni Mang Liam kung paano nagkaroon nang gusot ang maayos nilang pamilya. Hindi makapaniwala ang dalaga sa isiniwalat ng ama. Upang makasiguro ay gumawa siya nang hakbang-ang kausapin lahat ng miyembro ng kanyang pamilya na isinagawa niya dalawang araw matapos nilang magkausap na mag-ama.

" LOLA SILING," mahigpit na yumakap siya sa matanda. Ito man ay tahimik na lumuluha gaya niya. Hindi maipaliwanag ng dalaga kung bakit pero nang makita niya ang abuela ay tila siya nakahanap ng kakamping mapagsusumbungan.

"Ano bang drama 'to? Pinapunta mo kami rito para lang makita ang acting skills mo?!" Inis na singhal ng pinsan niyang si Angel. Naikuyom ni Cali ang kanyang mga palad sa kagaspangan nito.

"Lola, tuloy po kayo," aniya matapos pahirin ang mga luha sa kanyang pisngi. Pilit na binalewala ang nakakapanggigil na patutsada ni Angel.

"Hey! Kinakausap kita, hindi mo ba alam, tanga kong pinsan-" natigil sa pagsasalita ang babae nang lumagapak ang palad ni Cali sa mukha nito.

"Punong-puno na ako sa iyo, demonyita ka! Zip your mouth! I am not in the mood to tolerate that foul tongue of yours!" Gulat na nakatutok sa dalawang dalaga ang atensyon ng lahat. Hindi makapaniwala ang mga ito sa ikinilos ni Cali. Malayong-malayo sa nakilala nilang ugali ng babae.

"How dare you?!" Sapo ang nasaktang mukha na sigaw ni Angel. Napahiya at nagulat din ito gaya ng iba.

"Isang salita pa mula sa 'yo, dudurugin ko 'yang bibig mo!" Mariing sambit ni Cali. Matalim at naniningkit ang mga mata niya. Taas-baba ang dibdib ng dalaga sa bugso ng kanyang emosyon.

"Iha, kumalma ka. Ano ba ang problema?" Pumagitna ang ina ni Angel sa dalawang dalaga.

"Hindi ninyo alam ang problema, tita?" Gigil at may diin sa bawat salitang turan ni Cali.

"Liam, ano ang sinabi mo sa pamangkin ko?" Imbis na sagutin siya ay bumaling sa papa niya ang kanyang tita.

"Kinakausap pa ho kita, tita. Huwag mo akong talikuran-that's rude, you know." Salubong ang dalawang kilay na turan ni Cali. Napaawang ang labi ng mga pinsan niya, maging ang kanyang ama at kapatid.

"Hindi na kita kilala. Hindi ganyan ang Cali na inaruga ko," naiiyak na sambit ng tiyahin niya ngunit mas umapoy lang ang galit sa puso ng dalaga.

"Sorry kung ngayon lang ninyo nakita ang bahaging ito ng pagkatao ko... Nagkataon kasi na ngayon ko lang din nalaman ang partisipasyon ninyo sa pagsira sa noon ay tahimik at masaya naming pamilya!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You are My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon