Chapter 26

57 8 11
                                    

PASADO ala una na nang magising si Cali. Kumakalam ang sikmura na tinungo niya ang kusina. Kumuha siya ng bowl at naglagay ng cereal saka gatas.

'Ang hirap mag-isa. Kung naririto ka lang sana, ma, hindi mo hahayaan na magpalipas ako ng gutom.' Sumungaw ang butil ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Pinahid niya ito nang mabilis saka dinala ang pagkain sa kuwarto niya.

"Kain tayo, ma," nakangiti niyang kausap sa picture ng ina na kinuha niya sa bedside table. Habang kumakain ay tila nananadya ang mga alaala nilang magpamilya noong kumpleto pa sila.  May pagkakataong bigla na lang siyang natatawa, minsan naman ay naluluha siya. Gayunpaman ay sinikap niyang maging positibo sa mga bagay-bagay.

Matapos kumain ay naglinis saglit ang dalaga sa buong bahay bago nagpahinga sandali at naligo.

Papadilim na at nakapagluto na rin ang dalaga ng kanyang pagkain para sa hapunan. Nakaharap siya sa computer ngunit walang pumapasok na magandang ideya na maaari niyang idugtong sa nangangalahati ng kuwento na isinusulat niya.

Napukaw sa pagkakatulala si Cali nang makarinig ng pagtawag ng kanyang pangalan na sa sapantaha niya ay nanggagaling sa labas ng bahay. Maagap niyang tinungo ang bintana, kumunot ang noo niya nang makita ang matangkad na lalaking sa tantya niya ay matanda lang ng ilang taon sa kanya.

"Tao po! Tao po!" Patuloy sa pagtatao-po ang lalaki. "Cali! Tao po! Cal--"

"Sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin?" Usisa niya pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto.

"P-uwede ba kaming pumasok, iha?" Mula sa madilim na parte ng kalsada ay sumulpot ang matandang lalaki na pamilyar ang mukha sa dalaga.

"Cali," untag ng binatang nakaalalay sa matanda.

"A-no ang ginagawa mo rito?" Luhaan niyang turan, unti-unti nang nanginginig ang baba niya't yumuyugyug ang magkabila niyang balikat. "Sumagot kayo!" Naglaho ang pagkautal niya't napalitan ng hindi matawarang poot!

"Hey! Please, sa loob natin 'to pag-usapan," singit sa kanya ng lalaking nauna niyang nakita kanina. Hindi pa man siya nakakasagot ay maagap siyang inalalayan nito papasok.

Ilang minuto ang lumipas ay heto si Cali--kaharap ang multo nang kanyang nakaraan. Hindi niya makontrol ang kanyang emosyon, lahat ng dinanas niya-nilang mag-ina ay parang pelikula na bumalik sa alaala niya. Ang mga masasayang tawanan...ang mapait na naging hantungan ng kanilang pamilya kung saan naiwan siyang mag-isa.

"C-cali... Patawarin mo si papa, alam ko hindi madali ang naging buhay mo-ninyo ng mama mo dahil sa pag-alis ko," anito ng matandang lalaki na atras abante, hahakbang upang malapitan at mayakap ang dalaga ngunit napapaatras ito sa nakikitang sakit sa mga mata ng anak.

"Ilang taon...ilang taon akong nangulila sa iyo. Ilang beses kung hiniling sa Diyos na sana-sana bumalik ka. Na sana buo ang pamilya ko... Na sana masamang panaginip lang ang paggising ko noong araw na iyon na wala ka na," patuloy na tumatangis na sumbat ng dalaga. Hindi niya alam kung uupo ba siya o mananatiling nakatayo sa harap ng tanging lalaking pinangarap niyang makapiling mula noon hanggang ngayon, ang kanyang papa.

"Cali, sorry! Patawarin mo si papa, a-anak!" Lumapit at yumakap nang mahigpit ito sa dalaga ngunit itinulak ni Cali ang ama niya.

"Sorry? Maibabalik ho ba ng 'sorry' mo si mama? Maghihilom ba ang sugat sa puso ko kapag tinanggap ko ang paghingi mo ng tawad?" Dinuduro niya ang dibdib ng matanda na hindi man lang nagtangka na umiwas pa sa kanya.

"Cali, masakit alam ko." Singit ng binata na kanina pa nakamasid sa mag-ama. "Kahit makinig ka man lang sa paliwanag niya, sa rason kung bakit ngayon lang siya nakapagparamdam sa iyo,"mahinahong pakiusap nito.

"No. Ayoko! Umalis na kayo sa pamamahay ko dahil wala ka ng puwang pa rito!" Kuyom ang mga palad at matigas na pahayag ng dalaga, dinuro niya ang mismong pagmumukha ng lumuluha niyang ama.

Halos mabingi ang dalawang lalaki nang pumasok sa kwarto niya ang dalaga at pabalibag na isinara iyon. At doon sa apat na sulok ng silid ay parang masisiraan ng bait na pinagsusuntok niya ang kutson sa kanyang kama. Iningungudngud ni Cali ang sariling mukha sa unan saka sisigaw ng paulit-ulit.

Samantala, inalalayan ng binata ang kasama. Ikinuha nito ng tubig ang matandang lalaki.

"Uminom ho muna kayo, pa," nag-aalalang anito.

"Anak, ang kapatid mo... Parang pinupunit ang puso ko sa mga hikbi at luhang itinangis niya," umiiyak na nakaupong turan nito.

"Ano na ang gagawin mo ngayon, papa?"

"Ayokong umalis na hindi siya napapaliwanagan," determinadong anito.

"Kung ako ang tatanungin ay mananatili ho ako rito hanggang sa makita ko siyang ngumingiti," saad ng binata.

"P-PAPA?" Sabay na natahimik ang dalawang lalaki nang sumabad sa usapan nila si Cali. "Kapatid kita?"

"Oo, Cali. Anak ako Ni Papa Liam sa pagkabinata." Paliwanag nito.

"Anak..." Tawag ni Mang Liam ngunit tila walang narinig ang dalaga, dumiretso siya sa kusina at kumuha ng inumin.

"Gabi na. Umalis na kayo," aniya nang mapadaan siya sa gitna ng mga ito.

"Cali?" Nakikiusap ang boses ng kapatid na usal nito sa pangalan niya bago pa man siya tuluyang nakapasok sa loob ng kanyang silid.

"Patawad iha pero mananatili kami rito hangga't hindi ko naririnig ang panig ko," determinadong saad ni Mang Liam. Naipikit nang mariin ng dalaga ang kanyang mga mata. Humarap siya matanda saka ito tinitigan ng matagal.

"P-papa..." Kagat labing bigla na lang kusang lumabas sa mga labi niya ang salitang iyon. Animo siya bata na naligaw at muling natagpuan ng ama niya.

"Cali!" Hinablot payakap ni Mang Liam ang dalaga, ubod higpit nitong niyakap ang anak na kay tagal nitong hindi nakita.

Si Cali naman ay panay lang sa pagtulo ang likidong mahabang panahon niyang naging kapiling. Sa higpit nang yakap ng ama niya ay unti-unting nagunaw ang hinanakit sa puso niya.

"Pa-bakit ngayon ka lang?" Humahagolgol niyang tanong. Na sa mga mata niya ang masidhing pangungulila sa magulang. "Matagal akong naghintay. Para ho akong mamamatay noong mawala si Mama pero pa, umasa akong darating ka..."

"S-sorry, anak!" Inilayo saglit ni Mang Liam ang sarili upang pajatitigan si Cali. "Huli na nang malaman ni papa mo na wala na ang iyong mama... Nadisgrasya ako at matagal na naratay sa ospital." Awa at panghihinayang ang nakarehistro sa namumulang mata ng matanda.

"Papa... Kumalma ka po, masama sa iyo ang sobrang emosyon," sabat ng binatang nag-aalala ngunit maluha-luha rin ang mga mata.

"Umupo ho kayo, pa." Nakaalalay sa ama na pinagtulungan nilang magkapatid na maiupo ito.

"Ayos ka lang ba, pa? May masakit ba sa katawan mo?" Anito ng binata. Tumango naman ang ama nila at hindi mawaglit ang ngiti nito habang papalit palit ang tingin sa dalawang supling nito.

"K-kuya?" Nahihiyang untag ng dalaga sa matangkad na lalaki. Ang nangyari kanina, ang mga nalaman niya na kahit hindi pa detalyado ay nagawa ng puso niyang muling bigyan ng pagkakataon ang ama niya na maglahad ng katotohanan. "Mas matanda ka sa akin, tama ba?" Alanganin niyang dagdag, nakatingin lang nang tuwid ang binata hanggang sa walang paalam na niyakap ang dalaga.

"Yes. I am your one and only Kuya Carl!" Excited at proud na kumpirma nito.

You are My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon