Ika-walong araw ni Cali sa bahay nila Rhon. Napatakip sa kaniyang mukha ang dalaga ng pagmulat niya ng mga mata ay sinalubong ang kaniyang paningin ng nakakasilaw na sinag ng araw na tumama sa salamin ng silid niya. Iinot-inot na dahan-dahan niyang hinawi ang kumot saka nag-inat. Napatakip sa kaniyang bibig ang dalaga ng muntikan na siyang mapatili sa gulat. Nanlalaki ang kaniyang mga mata na kanina lang ay inaantok pa nang mapagtanto niyang tinanghali siya ng gising.
"Cali, nakakahiya ka!" Napahawak sa noo ang dalaga habang bumubulong-bulong. "Baka isipin nila na ang tamad ko." Aniya na kinakalma ang sarili.
Mabilisang inayos niya ang kaniyang higaan at nagsuklay ng buhok. Agad din siyang naligo. Dumaan ang kalahating oras ay nakaharap na siya sa salamin habang pinapatuyo ng tuwalya ang kaniyang buhok. Naka-squarepants na puti ang dalaga at pink na blouse na may maliliit na bulaklak na palamuti. Ilang sipat pa sa iyong repleksyon sa salamin bago mo napagpasyahan na bumaba upang lamnan ang kumukulo mong tiyan.
Nasa kalagitnaan ka na ng pag-aagahan ng makarinig ka ng katok. Kumunot ang iyong noo ng bumilis ang tunog na iyon sa pinto.
'Sino naman kaya ang kumakatok at parang nagmamadali naman masyado.' Nahihiwagaan na aniya sabay abot ng tubig sa babasagin na baso at ininom mo ito bago ka tumayo.
"Sandali lang!" Ani Cali habang pinupunasan ng kaniyang palad ang mamasa-masang mga labi.
"Sino po si--". Natameme ang dalaga nang tumambad sa kaniya ang pinakahuling tao na inaasahan niyang makita. Si Kelvin!
Napaatras siya ngunit maagap siyang nasundan ng lalaki at mqn lang niya nagawang tumakbo o sumigaw dahil naging alisto ang lalaki. Nanlaban ang dalaga at pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kaniya ngunit walang laban ang lakas niya sa lalaki, mas nanaig ang puwersa nito.
"Shh... Gusto lang kitang kausapin," anito sa dalaga na umiiyak. Tanging pag-iling lang ang nagagawa nito dahil nakayakap ng mahigpit sa kaniya ang mga bisig ni Kelvin habang nakatakip sa bibig niya ang kaliwang palad nito.
Huminto sa panlalaban si Cali kaya naging kumpyansa naman si Kelvin. Buong akala nito ay napahinuhod na niya ang dalaga. Kakagatin na sana ni Cali ang kamay nito ngunit natigilan siya ng makita sa bukas na dahon ng pinto si Naomi. Nasa gilid ng puno at pinanunood siya habang nakikipambuno sa dating nobyo.
Nabuhayan ng loob ang dalaga at mabilis niyang kinagat ang kamay ni Kelvin.
"Naomi! Tulongan mo ako please!" Aniya habang tumatakbo. Ibinuhos niya ang kaniyang lakas sa bawat hakbang niya makalayo lang sa lalaking kinamumuhian ngunit bago pa siya makalabas ng gate ay namilog ang kaniyang mga mata. Ini-lock ni Naomi ang gate!
'Paano? Saan niya nakuha ang susi na 'yon? Naomi, bakit?' Tuliro sa mga nagsusulpotang katanungan kung kaya't hindi agad aiya nakaiwas ng makalapit ng tuluyan si Kelvin.
"Ano ba? Bitiwan mo ako! Kelvin bitiwan mo ako sabi!" Nagpupumiglas siya ngunit nanaig pa rin ang lakas ng lalaki. Ilang sipa, kalmot, at tadyak ang pinakawalan niya ngunit walang nangyari. Pinasan siya nito na parang sako ng bigas. Muli tumulo ang masaganang luha sa kaniyang mga pisngi. Natanaw niya si Naomi, nakamasid lang habang siya ay hindi alam ang gagawin upang makakawala.
'Pagsisihan mo ito balang araw, Naomi. Pagsisihan mo.' Aniya sa sarili nang magtama ang paningin nila ng babae.
Huminga nang malalim si Cali. Determinado siyang makaalpas sa mga kamay ng lalaki sa kahit na anong paraan. Wala ng mas mahalaga sa kaniya ng mga oras na iyon kung hindi ang makatakas.
'Panginoon, gabayan po Ninyo ako.' Maikling panalangin ng dalaga.
Makalipas ang ilang minuto ay ibinaba siya ni Kelvin sa malambot na sofa. Nang mapagmasdan ng lalaki ang luhaan niyang mukha ay napalitan ng panlulumo ang kanina lang ay walang emosyon nitong mukha. Lumuhod si Kelvin at saglit nitong inilayo sa kaniya ang paningin na para bang sa ganoong paraan ay maitatago nito ang kung ano mang iniisip at nararamdaman nito ng mga oras na iyon bago magsalita.
"Cali, alam ko hindi ko dapat ginagawa sa iyo ito." Pumipiyok ang boses na anito. Napahigpit ng bahagya ang hawak nito sa magkabilang kamay niya. "Pinipilit kong kalimotan ka at ibaon sa limot ang lahat pero hindi ko magawa." Naglandas ang mga butil ng luha sa hapis na mukha ni Kelvin. Ang tahimik na pag-iyak nito ay naging hagulhol.
Parang kinurot ang puso ni Cali sa itsura ng lalaking dati niyang minahal. Oo, mahal niya ito dati pero naglaho na ang damdamin niya para rito magmula nang masaktan siya sa kaniyang natuklasan.
"Cali, tulongan mo ako? Alam ko nahihirapan ka na sa mga ginagawa ko pero wala akong mapagsabihan o mahingan ng ng payo." Nakikiusap ang boses ni Kelvin. Ang boses nitong minahal niya at minsan ay bumigkas ng mga salitang nagpasaya sa kaniya ay muli niyang narinig, may pagmamahal at respeto--dati.
"Ano ang tulong na sinasabi mo? Matagal na kitang kinalimotan pero daig mo pa ang bangungot na sunod nang sunod sa bawat pagpikit ko ng mga mata nandoon ka--nakaabang at handang ihulog ako sa bangin." Tinuyo ng dalaga ang kaniyang mga luha, tinanggal niya sa pagkakahawak ang mga kamay nito sa kaniyang mga braso.
"Kelvin, minahal kita pero ano ang napala ko? Bigla na lang malaman-laman ko na panloloko lang pala ang lahat." Kagat-labi na aniya, pilit pinipigilan ang pagtulo ng mga luha na nagpapalabo sa kaniyang mga mata.. Kuyom ang mga palad at lakas loob niya itong tiningnan ng mata sa mata.
"Sabihin mo nga sa akin, ano ang pakiramdam nang may napapaikot ka sa iyong mga palad? Masarap ba? Nakakadagdag ba sa pagkalalaki mo na may iba ka pang babae na napaibig maliban sa walang kamalay-malay mong asawa?!" Tuluyan nang sumabog ang matagal na kinikimkim ng dalaga.
Hindi natagalan ni Kelvin ang pakikipagtitigan sa babaeng nasa harap nito. Ramdam ng lalaki ang bigat ng pasanin na mayroon ang dalaga. Magkahalong poot, hinanakit at awa sa sarili ang nakikita nito sa mga mata ng dalaga at animo siya binuhusan ng malamig na tubig.
"Patawarin mo ako, Cali. I'm so sorry! Sana... Sana hindi na lang tayo pinagtagpo ng pagkakataon. Hindi mo sana naranasan ang mga pasakit na dulot ng kasakiman ko." Pulang-pula ang mukha't tainga ni Kelvin.
"Hindi madali ang magpatawad. Napakalalim ng sugat na iniwan mo sa pagkatao ko." Tumayo si Cali at hinayaan naman siya ng lalaki. Nagtungo sa may bintana ang dalaga saka muling nagsalita. "Sobrang lalim nang sugat na halos sumagad na sa aking buto. Umalis ka na, pakiusap." Aniya sa kalmadong boses.
"Aalis lang ako kapag pinatawad mo na ako," ani Kelvin na tumayo na rin ngunit nanatili lang itong nakatingin sq likod ng dalaga.
"Huwag kang tanga, Kelvin," may sarkasmo na ani Cali na ikinagulat ng lalaki. "Ano ang akala mo sa pagpapatawad? Instant noodles na tatlo o limang minuto lang ay okay na?" Humarap ang dalaga sa lalaki at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "Huling pakiusap, umalis ka na o ako naman ang manggugulo sa buhay mo?"
Napailing sa narinig si Kelvin. "Hindi mo magagawa iyan, Cali. Kapag nasabi mong pinapatawad mo na ako ay ipapangako ko sa iyong hindi mo na ako muling makikita pa." Anito na ikinapanting ng tainga ng dalaga.
"Huwag kang pakakasiguro, Kelvin dahil hindi mo pa ako lubusang nakikilala." Tumaas ang kabilang sulok ng labi ng dalaga matapos bitiwan ang mga katagang iyon.
"Cali, kilalang-kilala kit--" napatimbuwang si Kelvin ng sa isang iglap ay magawang tawirin ng dalaga ang distansiya sa pagitan nila at mabilis na nagpakawala ng suntok. Tumugo ang ilong ng lalaki. Nanlalaki ang mga mata na napasalampak ito sa sahig.
Iyon ang eksenang inabotan nila Rhon at Archee na tumatakbong papasok ng bahay matapos may nagbalita sa kanilang may hindi kilalang lalaki diumano ang pilit na pumasok sa bahay nila. Nang maalala ng binata na nagpaalam ang mga magulang nito noong nakaraang gabi na may dadaluhang binyagan ay naalarma silang magkaibigan.
"Okay ka lang ba, Cali?" Nag-aalalang usisa ni Rhon sa dalaga ngunit wala sa dito ang pansin ni Cali. Nakatitig lang sa lalaking nasa sahig ang dalaga. "Ano ang ginawa mo sa kaniya!?" Akmang sasapakin ni Rhon si Kelvin ngunit inilayo ito ni Cali.
Nakaramdam ng sakit sa isang sulok ng puso nito si Rhon. Nagtatanong ang mga mata na tumitig lang ito sa dalaga. "Mahal mo pa rin ba siya?" Animo patalim na sumusugat sa lalamunan ng binata ang mga katagang sinambit nito.
BINABASA MO ANG
You are My Forever
Ficción GeneralIto ay kuwento ng pag-ibig na magpapatunay o magpapawalang katotohanan kung mayroon nga bang'forever' o walang hanggang pagmamahalan...