Chapter 11

80 6 5
                                    

Nagvibrate ang cellphone ni Rhon habang inaasistihan ang isa sa customer nila kung kaya nagpahalili muna siya kay Archee upang ito na ang mag-ayos ng headset nito.

"Hello, Hon... Kumusta ka na?" Nakangiti na saad ni Rhon na bahagyang lumabas pa muna ng shop upang mas magkaintindihan sila ng kausap. May kaingayan kasi ang mga naglalaro.

"Hon, I miss you." Iyon lang ang nasabi ni Naomi saka niya agad na pinatay ang kan'yang cellphone na ipinagtaka naman ng kaharap niyang si Faye, maging si Rhon ay nagtaka sa iginawi ng nobya.

"Ano iyon, Naomi? Ganoon lang? Akala ko pa naman tinawagan mo siya para magkita na kayo?" Sunod-sunod na tanung ni Faye sa kaibigan. Tahimik na napabuntong-hininga si Naomi bago tumitig sa kaibigan.

"Pagmasdan mo siya... Nakita mo ba ang ngiti niya? Napakagandang tingnan, natural na natural at halatang masaya siya." Nakangiti na saad ni Naomi habang tinatanaw mula sa kinaroroonan nila ang nobyo na nasa harap ng computer shop nito. "Gusto ko man siyang makapiling na muli nang malapitan ay may pumipigil sa 'kin, Faye. Alam mo kung gaano ko nais na maging akin lamang siya pero ngayon... Nang makita ko ang kan'yang ngiti ay parang sinuntok ako bigla ng katutuhanan na mas magiging masaya siya sa piling ng babae na talagang mahal niya." Mahabang ani Naomi na ikinabigla ni Faye. Namumuo na naman ang mga likido sa kaniyang mga mata.

"Ano ang ibig mong sabihin? Are you giving him up...finally?" Pigil ang excitement sa boses na saad ni Faye. Mas magiging tahimik ang mga buhay nila oras na magdesisyon ang kaibigan na bitawan na ang nobyo nito at ibig sabihin rin noon ay magkakaroon na nang chance na makapagmove-on ang matalik na kaibigan.

"No. I can't give up now. There's still a chance for us. All I need to do is make my move." Bumagsak ang mga balikat ni Faye sa tinuran ng dalaga.

"Umuwi na tayo kung ganoon. Do whatever you want but never make a wrong move na maaari mong pagsisihan sa bandang huli." Paalala ni Faye sa kaibigan at agad na silang umalis sa lugar na iyon.

Thirty minutes later. Nasa bahay na nila Naomi ang sinasakyan nilang taxi, sinadya ni Faye na unang ihatid ang kaibigan. Papasok na sana ito sa gate nila nang pigilan niya ang mga braso nito.

"Bakit?" Nagtatakang anito.

"Huwag mong ibigay ang lahat-lahat sa iyo. Mahalin mo rin ang sarili mo at huwag mong kalimutan na marami na ang nasasaktan na makita kang nalulugmok sa maling pagmamahal na iyan." Iyon lang at tinalikuran na ni Faye ang natitigilang kaibigan.

Samantala nang oras na iyon ay nagpaalam na si Cali na uuwi na pero gaya nang nakaraang mga araw mapilit pa rin si Rhon na ihatid ang dalaga.

Habang nasa kalagitnaan na sila ng daan patungo sa bahay ni Cali ay biglang nagsalita si Rhon.

"Cali, bakit ka nga pala mag-isang naninirahan sa bahay mo?" Lumipad ang paningin ng dalaga mula sa daan papunta sa mukha ng katabi niyang binata. Pakiramdam niya ay binalot siya ng yelo nang mga oras na iyon.

"I'm sorry kung nagiging mausisa ako. Okay lang kung hindi mo sagutin ang tanung ko." Napapahiyang ani Rhon nang makita ang reaksyon ng dalaga.

Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Cali bago magsalita.

"Bata pa ako nang maghiwalay ang mga magulang ko. Namatay naman ang Mama ko bago ako tumuntong ng edad na disiotso." Biglang nagkuwento ang dalaga na ikinagulat naman ng binata. Hindi niya inakala na magkukuwento ito. Sinubukan niya lang talaga kung mag-u-open up ito na siyang nangyayari ngayon.

"Nasaan na ang Papa mo?" Nananantiya na tanung ni Rhon. Matagal na ring naging palaisipan sa kaniya kung nasaan ang mga magulang ng babae.

Napahinto nang tuluyan si Cali habang isa-isang nagbabalik sa kan'yang alaala ang mga nangyari sa kanilang pamilya at agad na namasa ang kan'yang mga mata. "Simula nang maghiwalay sila ay hindi ko na nakita pa si Papa. Wala ring sinabi si Mama kung bakit sila naghiwalay at kung nasaan na si Papa." Bahagyang natawa ng mapait si Cali bago muling magsalita. "Salamat sa makakating-dila na mga kapitbahay at dahil sa kanila ay nalaman kong nambabae si Papa kaya sila naghiwalay." Napahikbi na si Cali tumulo na rin ang pinipigilan niyang luha kaya napayuko na lang siya habang ikinikiskis ang dalawang mga palad na para bang maiibsan nito ang nararamdaman niyang sakit ng kalooban.

You are My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon