Chapter 8

95 6 4
                                    

KAKAALIS lang ni Faye ngunit tulala pa rin si Naomi habang nakaupo sa kanyang kama. Alam niya na tama ang sinabi ng kaibigan ngunit nahihirapan siyang sundin ang payo nito.

'Bakit kasi ikaw pa ang minahal ko?' Naninikip ang dibdib na usal niya sa kanyang isip. Marami naman ang nagkakagusto sa kanya ngunit sa kamalas-malasan ay kay Rhon pa tumibok ang puso niyang suwail.

Life would have been easier if she love somebody else.

Napakasaya sana ng buhay kung nararamdaman ng bawat umiibig ang ibigin at pahalagahan rin ng mahal nila. Sa katunayan ay ang lalaki pa nga ang dahilan kung bakit Business Administration ang kinuha niyang kurso, dahil nais niya'ng palaging nakikita at nakakasama ang lalaki-isinantabi niya ang sariling pangarap na maging guro.

Pinahid ni Naomi ang kanyang luha sa mga pisngi. Nakapagdesisyon na siya. She will fight for her feelings until there's even a tiniest chance that Rhon's heart will beat for her someday.

Tumunog ang cellphone niya at bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso nang makita na ang nobyo ang tumatawag. Isang linggo niya na rin itong iniiwasan. Pakiramdam niya kasi may nagbabadyang mangyari na alam niyang makakaapekto sa relasyon nila. Kagat-labi niyang kinuha ang mobile niya at tinanggap ang tawag nito.

"Hello! Naomi?" May himig nang pag-aalala sa tinig ng nobyo ngunit lalo lang kumirot ang puso niya sa reyalisasyon na tanging kaibigan o kapatid lang talaga ang tingin nito sa kanya at wala ng iba. "Hey! Nao-" muling untag ng binata ngunit maagap nang nagsalita ang dalaga.

"Hi Hon! Kumusta?" Pilit pinasigla ng dalaga ang boses niya.

"Okay lang ako, ikaw kumusta? Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?" Nag-aalalang ani Rhon.

"Okay lang ako, Hon, naging busy lang sa work." Pagsisinungaling niya kahit ang totoo niyan ay nasa bahay lang siya at hanggang tawag at emails niya lang inaasikaso ang mga dapat asikasuhin sa sarili niyang negosyo.

"Naomi, kung may problema ka puwede mo naman sabihin sa'kin. Baka may maitulong ako, malay mo, 'di ba?" Sinserong ani Rhon.

'Will you hunt cupid for me? He owe me big time for falling in love with the wrong person.' Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga habang naglalaro sa kanyang utak ang mga katagang 'yon.

"Hon, I'm okay. Naging busy lang talaga a-" natigilan si Naomi sa pagsasalita nang walang anu-ano ay bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at bumungad sa kanya si Rhon!

"R-rhon? Anong ginagawa mo dito?" napapalunok na usisa niya sa binata na matiim na nakatitig sa kanya. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga. Kunot na kunot ang noo ng kasintahan at masyadong seryoso ang expresyon ng mukha nito.

"Naomi, Anak, mag-usap na muna kayong dalawa." Singit ng Papa ng dalaga na siyang naghatid sa binata sa silid ng babae. Umalis rin agad ang matanda nang mahinuha na may tensyon sa pagitan ng magnobyo.

Pumasok na nang tuluyan sa kwarto si Rhon at isinara ang pinto, saka lang ito nagsalita nang muli silang magkaharap ng nobya.

"You lied." Ani Rhon.

"Ano ka ba? Bakit naman ako magsisinungaling?" Tumawa nang peke si Naomi ngunit hindi iyon nakaligtas sa matalas na paningin ng nobyo. Alam ng dalaga mukha siyang tanga. Kita naman sa itsura niya kung ano ang estado ng kanyang emosyon.

"Naomi..." Tinakpan ng dalaga ang bibig ng nobyo ng kanyang kamay.

"Rhon... I'm fine."Ani Naomi sabay yakap nang mahigpit sa naguguluhang lalaki. 'As long as I have you.' Dagdag niya sa kanyang isip at muling umalpas ang pangahas na butil ng kanyang mga luha.

Isinantabi na muna ng binata ang gusto niyang sabihin sa dalaga nang makita niya ang itsura nito. May humaplos na awa sa kanyang puso.

--

"Pst!" Kinilabutan si Cali nang may sumutsot sa kanya habang pauwi siya sa kanilang bahay. Mag-aalas otso pa lang ng gabi ngunit dahil nasa probinsiya sila nakatira ay wala ka na halos makikitang tao sa tahimik na kalsada. Ang mga poste ng ilaw na nagsisilbing tanglaw ng kung sinuman na daraan lamang ang iyong masisilayan.

"Pst!" Nang muling maulit ang pagsutsot ay halos mapatakbo na sa takot si Cali. Sampung bahay pa bago ang bahay nila. Taimtim na nanalangin ang dalaga sa Panginoon upang ilayo siya sa kapahamakan.

"Cali-", kasabay nang pagtawag ng lalaki sa pangalan ng dalaga ay hinawakan nito ang siko ng babae ngunit naging mabilis ang aksyon ng dalaga at awtomatikong naitulak niya ang hindi pa nakikilalang lalaki.

"Cali, sandali! Ako 'to! Si Kelvin!" Sigaw ng lalaki na napasalampak sa aspaltadong daan sa malakas na pagkakatulak rito ni Cali.

Tila itinulos na kandila si Cali pagkarinig ng pangalan nito. Animo nawalan ng lakas ang kanyang mga paa at ito'y napatigil sa paghakbang. Ang malamig na dapyo ng hangin sa kanyang balat ay parang yelo na yumayakap sa kanyang katawan na nagniningas sa galit. Muling nag-alab ang galit niya sa lalaking nangloko sa kanya. Gayunpaman ay pilit niyang hinamig ang sarili.

"Cali, hayaan mo akong magpaliwanag. Please, kausapin mo naman ako!" Sigaw ng binata habang tumatayo mula sa pagkakaupo sa kalsada. Napalingon nang dahan-dahan ang dalaga at muling nagtama ang kanilang mga mata. Poot ang mababanaag sa maluha-luhang mga mata ng dalaga habang pagsusumamo naman ang nasa kay Kelvin.

"Nakikiusap ako sa'yo, Kelvin. Tigilan mo na ako. Ayoko nang muli pang makita ka." Walang kasing lamig ang boses na aniya. Tila naman punyal na sumugat sa puso ni Kelvin ang mga katagang nanulas sa labi ng babae na dati ay anong lambing sa bawat simpleng kuwentohan nila.

"Cali, patawad. Hindi ko sinasadya na paglihiman ka. At natakot rin ako na lumayo ka-", natigilan sa pagsasalita si Kelvin nang muling humakbang papalayo ang dalaga. Susundan niya na sana ito nang biglang huminto at humarap sa kanya ang babae.

"Kung gusto mong patawarin kita, lubayan mo na ako. Kalimutan na natin ang nangyari na para bang hindi nagtagpo ang landas nating dalawa." Ani Cali saka tumakbo nang mabilis habang namamalisbis ang mga luhang umalpas sa kanyang mga mata.

"Patawad, Cali." Anas ni Kelvin habang namamasa rin ang mga mata nito. Alam niyang mali ang kanyang ginawa at tama lang na layuan na niya at kalimutan ang dalaga na minsan ay nagmahal sa kanya at may puwang pa rin sa kanyang puso.

'I miss you... 'Til then.' Mapait na napangiti na lang siya sa sarili. Ilang minuto pa niyang tinanaw ang papalayong dalaga bago nakapamulsa na nilisan ang lugar na 'yon. Laglag ang mga balikat at nanlalabo ang mga mata sa tuluyang pagbuhos ng kanyang nararamdaman.

There are things better left unspoken and truth that should be kept hidden for the sake of peace and families.

Ng gabi ring 'yon ay nagdesisyon na umalis si Cali sa probinsiya at bumalik sa kinalakihang tahanan. Wala nang silbi ang pagtatago niya sa dating nobyo. Natunton na siya nito at mas natatakot siya sa posibilidad na malaman ng mga kamag-anak niya ang kanyang sekreto.

Nalungkot ang lahat maliban sa isa. Si Angel. Ayaw sana siyang payagan ng mga ito dahil alam nila na magsosolo siyang muli sa babalikang tirahan at pauwi na rin ang Tita Angie niya, ang ina ni Angel ngunit pinanindigan niya ang kanyang desisyon lalo pa nga at alam niyang sa mga oras na iyon ay kinakailangan niyang gawin para sa ikabubuti ng lahat.

You are My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon