Chapter 6

2 1 0
                                    

YAMF 6

"Hon..." Biglang natauhan si Rhon nang marinig ang boses ng kasintahan. Nilingon niya ito at sinalubong naman siya ng ngiti ng dalaga.

"Ano ba ang ginagawa mo dito?" Usisa ni Naomi. Napataas pa ng kilay ang dalaga nang biglang mapakamot sa batok nito ang binata.

'Ano nga ba 'yong gagawin ko sana?' Napailing si Rhon ng maalala na kukunin niya pala sana ang charger sa kotse dahil malapit na madrain ang battery ng cellphone niya. Pero nang makita niya si Cali ay parang may sariling isip ang mga paa niya at dinala siya ng mga ito sa mismong direksyon ng babae.

"Umuwi na tayo." Ani Naomi ng manatiling tahimik ang nobyo at nagpatiuna na sa paglalakad papunta sa pinagparkingan ng nobyo ng sasakyan nito.

"Akala ko ba mag-u-overnight tayo dito dahil minsan na lang kayo magkita na magkakamag-anak?" Nagtatakang ani Rhon.

"Nagbago na ang isip ko, isa pa puwede naman akong bumisita sa kanila anytime na naisin ko." Napapabuntonghininga na ani Naomi.

"Pero Hon, hindi ba magtatampo ang Tita mo? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila." Ani Rhon matapos pagbuksan ang nobya.

"Ipinagpaalam na kita." Maiksing saad ng dalaga. Hindi ito makatingin sa nobyo. Ayaw man niyang umalis agad ay may kung ano naman na bumabagabag sa kanya sa nakita niya kanina.

'Am I being paranoid or what?' She felt uneasy every time she thinks about what she witnessed awhile ago. She knew something is going on but she can't figure it out just yet.

Hindi na sila nakapag-usap pa ng binata dahil nakatulog ang dalaga buong biyahe. Ginising lang ito ng nobyo pagkarating sa bahay.

--

"Cali. Ikaw ba 'yan?" Nanindig ang balahibo ng dalaga pagkarinig ng pamilyar na boses na iyon. Gusto niyang tumakbo palayo upang takasan ito ngunit ayaw kumilos ng kanyang mga paa. Animo napako siya sa kinatatayuan. Nanigas ang kanyang katawan at nanlamig ang mga palad niya't talampakan.

Naramdaman ni Cali ang papalapit na yabag nito ngunit napahinto ito sa pagtawag ng isang boses babae.

"Kelvin!"

"O, bakit sumunod ka pa sa'kin, Sally?" Bahagyang pumiyok ang tinig ng lalaki at halatang kinakabahan ito.

"Hinahanap ka na ni Keith, bilisan mo diyan at nakakaistorbo sa ibang mga bisita ang pag-iyak ng anak natin." Mahabang saad ng babae.

Mabilis ang mga hakbang ng lalaking tinawag na Kelvin. Saka pa lang naramdaman ni Cali ang panghihina na lumukob sa kanyang buong pagkatao.

You are My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon