Hey guys Sy are pronounced as Say na tagalog. Hehe love lots❤️
~
Maaga akong nagising ngayong araw dahil maaga pa mamaya ang flight namin pabalik ng Pilipinas. Lumaki akong independent dahil na rin sa simula anim na taong gulang pa lang ay iniwan na kami ni mama.
"Sabi na nga ba ehh, kaya pala may naaamoy akong mabango dito lang pala yon" hihikab hikab pang pumasok si Gani sa hotel room ko. He always borrowed my keys before he sleep, para kinabukasan ay madali na para sa kanya ang pumasok sa hotel room ko. And ang main reason niya ay ang makikain dito.
Tsk, bakit kaya gustong gusto nila ang luto ko. Ehh may resto naman sa baba, tsk mga nagtitipid ang mga mokong. Akala mo naman ikahihirap nila ang pagbili ng breakfast. "At sinong may sabing bibigyan kita aber?" I smirked at him and continued whisking the egg.
"Oyy babae baka nakakalimutan mong may utang kapa sakin kahapon" yan na naman sya that's why I don't want him near me. Palagi na lang niya kong sinasagip and at the same time kinokotongan.
"Sino ba may sabing isalba mo ko kahapon? Ehh matagal na naman yon tsaka nakamove on na ko no!" Bigla naman akong nailang sa kanyang seryosong pagtitig kaya sinimulan ko ng magprito ng hotdog at itlog.
"Says the person who can't even talk to her dad" the sarcasm was evident in his voice and I lightly pushed him, dahil sa sobrang lapit nito sa akin.
"Tabi!" I excused and walked to the table to set all the plates. "Bakit ba lagi kana lang umiiwas Sy? It's been what? 5 years! Move on" I didn't expect him to say those words. He's always been the funny guy I know and now, marunong din pala siyang magseryoso. I faced him and jokingly slapped his face. "Back off" and then I rolled my eyes.
"Bakit Sy, mahal mo pa rin ba kaya hanggang ngayon hindi kapa rin makamoved on?" I stared at him seriously, at ng marealize nito ang mga binitawan niyang salita ay agad itong nag-iwas ng tingin sa akin.
"How come napunta sa kanya yung usapan natin Gani?" I know matagal na yon. Pero kailangan bang sabihin na mahal ko kaya hindi pa rin ako nakakalimot?!.
How hilarious!
It was just deep. Too deep na magpasa hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan.
Bakas sa mukha nito ang pagsisisi, so I just continued cooking while transferring it all to the table. Sakto naman ang pagbubukas ng pinto ng aking unit at iniluwa nito ang ilan sa aming kasamahan. They really praised my cooking skills that's why ever since na may travel ay palaging sa unit ko sila kumakain.
"Ohh andito kana pala Gani eh. Dadaanan ka pa sana namin sa room mo. Oh sakto pala yung dating namin, mukang masarap ahh" sabay sabay na nagsiupuan sina Bethy, Kate, Sophie at Jade. Walang imik naman akong tipid na ngumiti at umupo sa tabi ni Gani na kanina pa walang kibo.
Mabilis ding natapos ang aming umagahan at bumalik na din ang mga ito sa kani-kanilang silid.
Nagpresinta namang magpaiwan ni Gani para siya na ang maghugas sa aming pinagkainan. I felt the heavy atmosphere between us, so I decided to take a shower first, when I suddenly heard his voice, just in time when I'm about to step back
"So-sorry Sy" I sighed softly before facing him. "It's okay, wala na yon sakin" and I lightly tap his shoulder and walked away. Yeah I was mad but hindi ko naman siya kayang tiisin. Ngayon pang isa siya sa pinagkakatiwalaan kong tao.
I left the bathroom with my uniform pilot's on. Mahirap na baka andyan pa si Gani. But luckily ay umalis na rin siya sa hotel room ko. Dahil na rin siguro malapit ng mag 8:30, it was the time for us to go. I just packed my things. At sinigurong walang maiiwang gamit sa unit na to.
YOU ARE READING
Flight To You (Profession Series #1)
Romance*Book cover not mine. Credits to the rightful owner! Syrill De Guzman, is one of the prominent Captain in Mountain Airlines. She had a boyfriend, Captain Enzo Imperial, who was also in the same field as hers. He was a loyal and honest boyfriend to h...