Chapter 5

13 2 0
                                    

There are so many people here in the airport. Nagkalat sa paligid ang mga guard at police officer dahil na rin sa pagdating ng pangulo. Madami na ding tao ang pilit na pumapasok sa loob at madaming nagkakagulong reporter para makuha ang statement ng presidente.

Kanina pa rin kaming nakatayo ni Enzo dito sa tabi ng private plane na aming sasakyan. Buti na lang rin at hindi mainit sa aming kinatatayuan kahit nasa runway kami ng airport. Dahil na rin siguro sa sobrang hangin na nanggagaling sa dumadating at umaalis na eroplano.

It was already 1:30 pm at trenta minuto na kaming nakatayo dito. Kamusta naman yon? Take note nakaheels pa ko, gusto ko na lang tuloy maglupasay sa kinatatayuan ko dahil sa pangangawit ng aking mga paa.

At the same time ay kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Ganito siguro yung feeling kapag pangulo na ang pinag uusapan. I feel honored but deep inside me, I knew anytime soon ay baka pumalpak ako. Shit!

Kahit naman gaano ka kagaling sa pagpapatakbo ng eroplano ay darating talaga sa punto na we're going to doubt ourselves. Dahil isang maling galaw lang ay maaari kong mailagay sa piligro ang buhay ng presidente.

My hands turned cold, mabilis ko namang inilabas ang aking panyo para punasan ang butil ng pawis ko sa noo. Hindi ko naman sana tatanggapin ang trabahong ito kung hindi lang ako pinahiya ni Enzo kanina.

Mas okay sana kung si Gani ang kasama ko ngayon. Siguro ay hindi ako masyadong kakabahan dahil puro kalokohan lang naman ang alam non. Hindi katulad nitong katabi ko na walang imik at parang hindi na ata gumagalaw. So gusto mong kausapin ka niya ganon? Tsk kung nakakabaliw man ang pakikipag usap sa sarili, malamang ay baliw na ako. At hindi ko na ata maibubuka pa ang aking bibig dahil kanina pa akong walang kausap dito.

And speaking of Gani, kanina ay tinawagan ko siya dahil hindi naging maayos ang mood niya kanina pero hindi naman nito sinasagot. Siguro ay nagliliwaliw na naman ang isang yon. Tsk, ginagawa niyang bakasyon ang trabaho niya, wala talagang iniisip na problema ang mokong.

Sobrang sakit na rin ng mga binti ko at gusto ko ng umupo kaso nakakahiya naman sa katabi ko na parang hindi naman nahihirapan. Pag naman umupo ako ay baka sabihin niyang wala akong galang sa pangulo. Tsk ganon pa naman ang ugali niya, panapon.

Naiinggit tuloy ako sa mga pasahero na prenteng nakaupo sa waiting area. Bakit ba kasi nakatayo pa kami ehh pwede naman kaming umupo habang naghihintay! Tsk dami talagang kaek-ekan ni sir head pilot.

Kanina ko pa rin pinapanalangin na matapos na si presidente sa pakikipagkamay at huntahan sa mga tao. Halerr! Akala ko pa naman ay emergency to, edi sana nagpalate ako.

"You can sit, I don't mind" nagulat naman ako sa pag sasalita ng katabi ko. So, kaya pa rin pala niyang umimik no! Atsaka nakakahiya naman sa kanya, baka kasi biglang dumating ang presidente at ipahiya niya ulit ako sa harap nito. Nako hindi na, alam ko na ang mga galawang yan! "Thanks, but no thanks" and I rolled my eyes kahit hindi naman siya nakatingin dahil parang mas maganda pang pagmasdan ang mga taong nagkakagulo.

Pinaningkitan ko naman ito ng mata when I see from my peripheral vision that he smirked. Tsk sabi na eh, ang kapal din talaga ng mukha nito para mang asar. Like duh, hindi naman ako naaasar! HINDI TALAGA!

Pasimple ko namang iniba ang posisyon ng paa ko dahil nangangalay na talaga ako. At kahit anong sabihin niya ay hindi ako uupo. NEVER! At hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya at mas mabuti na ring tahimik siya atleast hindi kung ano anong nonsense ang sinasabi niya, tsk!

"Captain Imperial and Captain De Guzman, I trusted you two kaya inaasahan ko that you will make sure the safety of our president" hindi ko naman namalayang nasa harapan na pala namin si Sir head pilot dahil na rin siguro sa okupadong pag iisip ko kanina.

Flight To You (Profession Series #1)Where stories live. Discover now