Chapter 4

13 2 0
                                    

Kahapon ay nag-usap lang kami ni papa and hindi naman na niya inopen up pa ang nangyaring pag uusap namin noong nakaraan.

He just asked me things about my day, na siyang sinasagot ko naman bilang respeto ko sa kanya.

And gaya ng sabi ko ay dito ako nagpalipas ng gabi sa bahay namin. Gani called yesterday to invite me about the welcome party, but I refused to. Dahil alam ko, hindi lang ako ang nasaktan sa hiwalayang nangyari saamin ni Enzo, 5 years ago.

Maaga naman akong nagising ngayong araw and it was currently 6 am in the morning. Nasanay na rin siguro ako na palaging gumising ng maaga para maghanda ng umagahan. Pero sa pagbaba ko ay nakasalubong ko si Nay Felipe sa kusina.

"Ang aga mo naman iha" she smiled while sipping on her coffee. Nag sisimula na rin itong magluto ng umagahan. At isa ito sa mga namiss ko simula ng umalis ako sa bahay. I really missed seeing Nay Felipe preparing for breakfast.

"Nay, pwede po ba akong tumulong? Hindi na po kasi ako sanay na walang ginagawa sa umaga" agad naman akong umupo sa tabi nito ng unti unti itong tumango.

Sinimulan ko namang hiwain ang sibuyas at bawang. Si Nay Felipe naman ang nagbabalat sa patatas at carrots. "Giniling po ba yan Nay? Naku namiss ko po yan, nasanay na po kasi ako sa mga madadaling lutuin doon sa condo ko" Dati tinutulungan ko ring magluto si Nay Felipe, nahinto lang iyon nong magpasya na akong bumili ng sarili kong condo, 5 years ago.

"Ikaw naman kasi iha, mas pinili mo pang bumukod ehh kayo na nga lang ng papa mo ang tao sa bahay. Kung wala kami dito ni Carding ay siguradong ang lungkot ng buhay ni Samuel." Nahinto naman ako sa paghihiwa, ng maramdaman ko ang lungkot sa tinig ni Nay Felipe.

"Siguro kung nandito si Quen ay hindi magiging ganto kalungkot ang bahay at sigurado akong hindi mo maiisipang bumukod dahil alam kong hindi mo iiwan ang kapatid mo" at siguro kung andito si Quen hindi niya hahayaan na mag isa ako.

A lone tear escaped from my eyes and I immediately wiped it. "Ang drama mo naman Nay, ang agang aga pinapaiyak niyo po ako. Atsaka alam ko naman Nay na masaya na si Quen ngayon" I tried to smile despite of the heavy atmosphere.

Pilit ding ngumiti si Nay Felipe sa akin "Ikaw ba iha, masaya kaba sa buhay mo ngayon?" Mabilis naman akong tumalikod sa kanya at inabala ang sarili sa pag sasalang ng kawali sa stove.

"O-oo naman Nay. Tsaka iba na ngayon, I can do everything without anyone's consent. Hindi ko na po kailangang magmukmok at umiyak sa isang sulok. I just realized na madaming taon ang nasayang sakin. At ngayon po ay hindi ko na inaasa sa iba ang kaligayahan ko." I said with a smile, and after 5 years ngayon ko lang naramdaman na malaya ako.

Taimtim namang tumingin sa akin si Nay Felipe na may lungkot at awa sa mga mata. "Nay, okay na okay po ako. Kung nag aalala po kayo na gagawin ko yun ulit" huminto ako at mabilis na umiling "Nay hindi na po. Hindi ko na po uuliting mag aksaya pa ng ilang taon" I sweetly smile at nawala naman ang pag aalala nito. "Just leave it in the past Nay, at simulan na po nating magluto at nagugutom na po ako" I smiled at her once again, at pinakitang wala na sa akin ang nangyari noon, which is true.

Nay Felipe also smiled and nodded before we continued cooking.

I saw papa and Tay Carding walking happily to the kitchen. Kanina pa rin namin silang hinihintay ni Nay Felipe para makakain na kami.

"So kailan ang flight mo?" Papa asked while we're all eating breakfast. I just continued eating and stop for a bit to glanced on his direction. "Later" tipid kong sagot at mabilis na inubos ang pagkain.

"I'll just go upstairs to change" I excused and then I walked away. I don't want to be rude at him. I also considered him as my father, but I don't think I can stand with his presence.

Flight To You (Profession Series #1)Where stories live. Discover now