I was laying comfortably in my bed and it's currently 6 pm still hindi pa rin ako nagdidinner. It just that ayoko munang bumaba para bumili ng pagkain baka kasi magtagpo ang landas namin ni Enzo.
I was still pissed about earlier. At hindi na siguro iyon magbabago kung palagi niya akong ipapahiya sa harapan ng iba.
Kanina hindi ko na sila hinintay na makababa dahil nagbook na agad ako ng room for myself. And wala din akong mukhang maihaharap sa kanila, siguro iniisip talaga nila na ang kire-kire kong tao.
I don't know kung anong sapak sa ulo ang meron si Enzo para isipin niyang may something sa amin ng kapatid niya. Like, really? Ako at si Gani? Tsk! Malabo ata yon, and can't he see it? Gani was like a little brother to me. Palibhasa napakamalisyoso ng lalaking iyon.
My thoughts suddenly interrupted when I heard a knocked on my door. I lazily get up from my bed and walked straight to the hotel's door. Tsk! Ang sarap pa naman ng pagkakahiga ko, and balak ko na sanang matulog kanina dahil tinatamad din naman akong magdinner.
Nakangiting flight attendant ang nakita ko sa harap ng pintuan. I automatically smiled at her politely, nakakahiya tuloy tumingin sa mga mata niya. I couldn't help but to shouted in irritation, I REALLY HATE YOU ENZO IMPERIAL!
"Dinner daw po Cap. May Samgyupsal po sa baba, andon na rin po ang ilang kasama natin. Hinihintay na lang po kayo" hayy mukang mapapakain ako ngayon ahh. And buti na lang mukang mabait si ate girl. Also she's so cute, mukha siyang living Barbie and napakalumanay pa nitong magsalita which is kabaliktaran nung sakin.
"Sure" nakakahawa naman yung ngiti niya, sobrang nakakarelax and kung budol to malamang kanina pa kong nabudol. Mukha kasi siyang bata and para siyang si Hannah parehas silang soft ang aura.
We're now in the elevator and ngayon lang talaga ako napilit na kumain sa labas. Sa bagay wala naman dito sina Gani and Bethy, so ang lonely naman kumain ng mag isa.
Gaya nga ng sinabi niya ay mabilis din kaming nakarating sa resto. And I can see it clearly na nagkakasiyahan na sila sa loob. Agad naman kaming lumapit sa kanila at huli na ng mapagtanto kong andito nga pala si Enzo! Tsk! Bakit ba hindi ko yon naisip!
Bigla naman akong nagutom ng maamoy ko yung pork na piniprito and may sea food pa! Nakaassemble naman na silang lahat at busy sa pagluluto. And hindi ko naman alam kung saan ako uupo shit!
Bakit hindi ko alam na by pair pala? Pwede namang by groups ahh? "Ayy Cap. By pair po kami antatakaw po kasi ng mga lalaking ito ehh, kaya hindi na po group" oh my god! Parang gusto ko na lang bumalik sa room ko.
"Pwede bang solo--" I was cut by the man na kaharap ni ate girl na cute. "Si Cap imperial po walang partner" WHAT? NO WAY! Kaya ko naman ng mag isa. And besides I can buy my own food without being paired.
Wala namang pakialam na nagluluto si Enzo sa pinakadulo. I immediately shake my head in respond to a braces guy. "Ahm. Magsosolo na lang ako, gutom na gutom kasi ako ehh" I faked laughed before walking to the cashier.
"Excuse me, can I have ahm" and I looked at the menu. And every price has a corresponding food na inline sa price na mapipili. "I want that, with poor, beef, seafood and noodles included." And then I smiled at her.
"Okay ma'am, that will be serve in a minute. Thank you" she politely said and I immediately walk to the table, she pointed out earlier.
Bumagal naman ang aking paglalakad ng mapagtantong sa tabi ni Enzo ang magiging upuan ko. Ayts! Wala na bang iba? I was looking for a vacant seat but unfortunately, wala man lang akong makita na bakante dahil napupuno na rin ang resto.
So I don't have choice but to sit on Enzo's side. Nagsisimula na rin silang kumain habang naghihintay naman ako na iserve yung pagkain ko. And after a minute nga ay isinerve na rin ito. Mabilis naman akong nagluto dahil kumukulo na rin ang tyan ko.
YOU ARE READING
Flight To You (Profession Series #1)
Romance*Book cover not mine. Credits to the rightful owner! Syrill De Guzman, is one of the prominent Captain in Mountain Airlines. She had a boyfriend, Captain Enzo Imperial, who was also in the same field as hers. He was a loyal and honest boyfriend to h...