Chapter 8

14 2 0
                                    

"Enzo"

Anong? Anong ginagawa niya dito?

Hindi ko ineexpect na makikita ko ulit sa kanyang mga mata ang dating Enzo na minahal ko. He's so serious and naramdaman ko na naman yung mabilis na pagpintig ng puso ko.

Nang matauhan ay mabilis kong inalis ang pagkakahawak nito sakin.
"H-hinahanap ko kayo kanina pa" Shit! At ngayon kapa nahiya!

"They said, kung sino ang nasa harapan mo, siya na yung magiging partner mo the whole event. So? Pwede na ba ako?" He lightly bowed his head to face me and I'm so nervous right now. Why is that?

Why on earth would he be like this? And is he crazy? "Maghanap kana lang ng ibang kapartner dahil aalis na ako" I was about to walk when he suddenly hold my wrist. Bakit na naman ba?

"Ano bang kailangan mo Enzo?" I said flatly, Is he dense? Can't he see, na ayoko siyang makita at makausap man lang. Bakit kung kausapin at ituring niya ako ay parang wala siyang naging atraso sakin?

Bubuka, titikom tapos bubuka ulit ang bibig nito. Ano ba talagang problema niya? "Look Enzo, I don't have time for this" binaklas ko naman ang kamay nitong nakahawak sa akin at mabilis na naglakad palayo.

"5 years ago, I didn't mean it" natulos ako sa aking kinatatayuan ng bigla itong nagsalita.

Dahil sa sinabi nito ay isa isang bumadha ang lahat ng nangyari, 5 years ago. And kagaya dati, I don't have any choice but to run.

Run from all the shits I've been through. Run from the toxic people, and run to save my sanity.

I was running without thinking how crowded the place is. Nang bigla akong mabangga at mapaupo sa sahig. "Ate Sy, what happened?" Nagulat naman ako ng makita ko si Heaven na nakaupo na ngayon sa aking harapan. "W-wala" I immediately wiped off my tears and I forced myself to smile.

Tinulungan naman ako nitong tumayo. At hindi ko na napigilang yakapin ito ng mahigpit. I just want someone to hold on. Dahil alam ko hindi ko kakayanin ang ganitong pakiramdam.

"Are you scared, dahil naiwan ka namin kanina? Sorry ate" I couldn't help but to chuckled, she's so innocent like a kid. At dahil wala naman akong ibang excuses might as well use her reasonings. "Yeah, but I'm okay now that you're here"

Nilibot ko naman ang aking paningin para mahanap ang iba pa naming kasamahan. And there they are, facing their loved ones, while settling the lantern. And speaking of lantern ay mabilis kong hinugot ito sa aking bulsa.

And mabuti na lang din at si heaven na ngayon ang nasa harapan ko, so meaning siya na ang magiging partner ko. WAHHH!

"Heaven!" Napalingon naman kami sa hinihingal na si Emirson. Ohh god, andito nga pala siya!

"Bakit kaba umalis kanina?.....
Sy?" Natigil naman ito sa pagsasalita ng makita ako. He's so talkative! "Shupe! Kami ni ate ang magkapartner" ngumising aso pa si Heaven at hindi naman maipinta ang mukha ni Emirson. They're so cute!

"You ditched me?!" Hindi pa makapaniwalang lumapit ito kay Heaven at mabilis itong binatukan. I didn't expect naman na hihibi si Heaven. Hihibi? Shit!

I didn't know what to do when Heaven started to cry loudly. Oh my gosh! Pinanlakihan ko naman ng mata si Emirson na nakatingin lang. Really? Titigan tayo dito! "Shhh, calm down Heaven" hinahagod hagod ko naman ang likod nito at parang bata pa itong suminga sa sleeve ng damit nito.

Hindi ko na naalala pa si Enzo and tanging kay heaven lang natuon ang aking atensyon. "Salbahe ka talaga!" I gestured Emirson to leave para hindi na lumala ang gulo. I feel like I was baby sitting a five year old kid.

Flight To You (Profession Series #1)Where stories live. Discover now