Kabanata 11: Surpass
●∘◦❀◦∘●
Umupo si Renzi sa tabi ko. Lumingon ako sa kaniya ngunit natagpuan ko ang mga mata niya sa direksyon nina Matthew at Lucy. Ngumiti siya saka bumaling sa'kin.
"Ang sipag niya, 'no?" aniya.
Tumango ako. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Gusto kong mainggit dahil gusto mo siya pero hindi ko magawa. Naiintindihan ko naman kung bakit niya nakuha ang atensyon mo."
Pinaikot ko ang tinidor sa spaghetti na nasa plato. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi kasi ako sanay na nakikipag-usap patungkol kay Matthew. Hindi rin naman bulgar ang nararamdaman ko sa kaniya. si Hiro lang ang nakakaalam.
Siguro, dahil nahihiya ako? Ayaw kong may ibang makaalam na may gusto ako sa katulad niya. Magkaibang-magkaiba kasi kami ng estado sa buhay.
Sino ako para magkagusto sa katulad niya na hard working, matalino at napakabait? Ako na mahilig mag-shopping at hindi marunong maka-appreciate ng halaga ng pera sa ibang tao? Ako na bobo sa math, na tamad sa bahay, mataray at maarte. Sobrang taas ng tingin ko sa kaniya na pakiramdam ko... kahit lapitan at kausapin siya ay hindi ko deserve.
Kuntento na ako na pagmasdan siya kahit palihim. Kahit hindi niya alam. Kahit nakaw-tingin na lang.
"Grabe ang haba ng pila kanina, ah? Paano ka nakabili agad ng pagkain, Renzi?" wika ni Hannah.
"Speed lang daw, Hannah," ani Mica.
"Palibhasa may crush kay Renzi 'yung ibang bumibili kaya pinayagan siyang sumingit. Galing!" Pumalakpak si Corin habang nakangisi sa lalaking katabi ko.
"Nagpapa-impress kay Shai e!" gatong ni Hiro.
Sa kanila na lang ako tumingin dahil baka mapalingon na sa akin si Matthew sa tagal kong nakatitig sa kaniya.
"Nandiyan pala kayo, hindi nagsasabi!" bungad nila James nang pumasok siya sa canteen at natanaw kami. Kasama niya si Rome. Nakipag-high five sila kay Hiro at ginulo ang buhok ng katabi kong si Renzi.
"Malapit na talaga kaming magalit sa'yo, Shai. Inaagaw mo sa'min si Renzi!!" natatawang biro ni Rome. Umirap na lang ako. Umupo naman si James sa table.
"Order lang ako ng pagkain natin, Pre. Libre na kita. Tayong dalawa na lang kasi ang nagmamahalan," ani Rome.
Tumayo si James para akbayan siya. "Kiss nga?"
Nagtawanan kami. "Kadiri ka naman, pre!"
Napailing na lang ako sa kautuan nila. Umalis na si Rome para bumili, si James naman ay bumalik sa pagkakaupo.
"Narinig namin 'yung mga Filipino teachers kanina, si Renzi na lang daw 'yung ilaban sa pagsulat ng tula," sabi ni James. Uminom ako ng coke saka bumaling kay Renzi.
"Wala namang bago don. Kunware pa silang nagpa-elimination pero si Renzi naman talaga ang gusto nilang ipanlaban," sagot ni Hannah.
Nagkibit-balikat si Renzi. "Nakakainis nga, ayoko ng sumali sa ganon. Hindi na 'ko napirmi sa room kapupunta sa ibang school para makipag-compete."
"Ako nga nung buwan ng wika, sa slogan lang sumali, natalo pa!" Natawa naman ang lahat sa hirit ni Corin.
"Okay lang 'yan, girl. Maganda naman tayo!" pangco-comfort ni Mica sa kaibigan. Nag-apir sila.
"Kailan ba 'yun?" tanong ni Hiro.
"Sa November yata? Hindi ko sure," sagot ni Hannah.
First week pa lang ng October. Next week, back to normal na ulit ang klase tapos baka next next week, midterm na. Sana maayos ang makuha kong grades ngayong first sem.
BINABASA MO ANG
Hate a Hunk
Teen FictionStatus: Completed Shaina Fabia, a 17-year-old girl, came from a family of achievers so having low grades is not acceptable. Nag-aaral naman siya nang mabuti. Sa katunayan nga, may tutor pa siya para mas mag-improve pero kahit anong gawin, hindi umuu...