Kabanata 27

148 17 36
                                    

Kabanata 27: Nag-alala

●∘◦❀◦∘●

Hindi ko sinabi kay Matthew ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Renzi. Hindi naman sa gusto kong maglihim sa kaniya, sadyang ayaw ko lang mag-isip siya ng hindi maganda. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang panyo matapos naming dumaan sa hallway. Maraming estudyanteng masama ang tingin sa'min.

Kalalabas lang namin ni Matthew ng Student Council Office. Kinausap kasi kami ni Mariell Nesirio at pinagsabihan, kasama niya ang adviser ng SC at ang VP na si Hiro.

Hindi niya pa rin ako pinapansin. Hay!

Bilang punishment dahil nadawit ang pangalan ng school sa nagviral na issue, tutulong kami sa paglilinis ng gym for one week. Bukas kami mag s-start.

Mabuti na lang hindi na ipinatawag ang mga magulang namin. Natatakot ako sa sasabihin ng parents ko kung nagkataon. Ginagawan naman daw ng paraan ng Student Council ang issue patungkol sa kumalat naming video, nireport na nila ang mga page na nagpost non. 'Yung iba, binura rin pero dahil marami na ang nakapanood, paniguradong marami rin ang may kopya non. Mabura man sa social media, hindi na 'yun mawawala sa isip ng mga tao.

Napasinghap ako matapos magtama ang balikat namin ng isang babae. Malakas ang impact non na kung hindi ako naalalayan ni Matthew, baka natumba ako. Lumingon kami ni Matt sa babae, hindi man lang ito humingi ng pasensya sa akin at naglakad lang na parang walang nangyari.

"Are you okay?" he asked. Tumango naman ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nagtakip ako ulit ng panyo sa mukha dahil marami kaming estudyante na nakakasalubong. Karamihan ay umiirap at nagbubulungan. Hinatak ko si Matthew para mabilis kaming makarating sa bleachers ng soccer field. Dito kami ulit magla-lunch.

"Bakit pala hindi na sumasabay sa'tin maglunch si Lucy?" tanong ko.

Binuksan niya ang kaniyang backpack. As usual, pinagluto niya ulit ako ng lunch.

"Pagod na raw siyang maging third wheel." Natawa ako.

Kumain na kaming dalawa. Tahimik akong nakatanaw sa maluwang na field. Mahangin sa banda rito, payapa lang at nakakarelax. Hindi tuloy maiwasan maglakbay ng utak ko. Kanina kasi... hindi pumasok si Renzi. Bakit kaya? Papasok kaya siya ngayong hapon? May nangyari kaya? Or... masama ang loob niya sa'kin at ayaw niya akong makita?

Ipinagkibit balikat ko na lang ang naisip.

"Free ka ba sa Saturday?" tanong ni Matthew. Sinulyapan ko siya.

"Bakit?"

Aayain niya kaya akong lumabas?

"Kung available ka, iimbitahan kita sa sabado. Sa bahay namin."

"Bakit?"

"Magba-bonding. Ipagluluto kita o kaya manood tayo ng movie? Pwede rin, magjamming tayo. Kumakanta ka?"

Agad naman akong napahawi ng buhok dahil sa tinanong niya. Tumikhim ako.

"Oo, magaling akong bumirit."

Namamangha niya akong tiningnan.

"Talaga?"

Ngumisi ako. "Oo, sa CR nga lang kapag naliligo."

Napakagat labi ako nang marinig ko ang mahina niyang halakhak. Ginulo niya ang aking buhok.

"Sige, magjamming tayo sa CR... habang naliligo."

Uminit ang pisngi ko. Kaagad akong napatayo at lumayo sa kaniya. Nakangisi lang siyang pinagmasdan ako. Umiwas ako ng tingin.

"N-nakakaasar ka, Matthew!"

Hate a HunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon