Kabanata 43: Fall out
●∘◦❀◦∘●
"Dalian mong kumopya, Shane! Magsisimula na ang klase sa PE!" natatawang wika ni Junri habang pinapaypayan ako.
Grabe ang pawis ko dahil sa pagka-cram. Kasalukuyan kaming nakatambay sa students center, kinokopya ko ang sagot niya sa assignment.
"Oo na, sandali!"
"Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi kaya hindi mo naasikaso yan? Pa-major pa naman 'yung PE teacher na 'yon, baka ipahiya tayo kapag nalate sa subject niya."
"Sorry na! Ayan na, patapos na!"
Tinulungan niya akong ilagay lahat ng gamit ko sa bag. Hindi ko rin kasi naalala na may ipapasa palang plate ngayon sa Graphics! Puro kasi ako kadramahan kagabi! Mabuti na lang, maaga siyang pumasok. Si Junri na ang nagpresentang tumapos ng plate ko, nirekta ink na niya yung ibang parte na hindi ko pa nailalapis para mabilis!
Hay!
Hindi ko akalaing ganito pala ka-stressful sa architecture. Maganda lang pakinggan kasi magiging Architect ka! Bihira ang ganong title. Pero mahirap pala! Sobrang dami naming ginagawa, talagang tinatambakan kami ng trabaho! Tuwing sumasakay ako ng jeep, napapangisi ang mga nakakakita sa'kin dahil napakarami kong dalang gamit!
"Mugto ang mata mo ah. Nag-away kayo ng boyfriend mo 'no?" bulong ni Junri habang nagwa-warm up kami sa PE.
"Hindi ah."
"Weh?"
"Oo nga."
"Hmmm. Hulaan ko... Nanood ka ng Kdrama?" tanong niya. Napangiti naman ako't umiling.
"Family problem?"
"Hindi rin," sagot ko.
"Financial?"
"Hindi."
"Problem?"
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
May umiiyak bang walang problema?
"Medyo," I replied.
"Dare to share?"
"Nah." I shrugged.
Nang matapos ang klase sa PE, magkasabay kaming naglakad ni Junri papunta sa canteen. Nakasalubong naman namin si Bernadette, naka PE uniform siya at mukhang papunta sa gym. Sumulyap ako sa mga kasama niya, napagtanto kong sina Ji-Gin at Ayin pala ang mga ito.
"Hi!" bati ko sa kanila. Ngumiti naman sila pabalik. Si Ayin, hindi ako pinansin.
Suplada ah.
"Kayo na ba?" biglang tanong ni Jigin sa'kin sabay tingin kay Junri. Mabilis akong umiling.
"Hindi ah!" sagot ko.
"May boyfriend si Shai," ani Bernadette. Tumango naman si Jigin.
"Okay. Just asking. Lagi kasi kayong magkasama."
"We're just friends," giit ni Junri.
Nagpaalam na ang tatlo, pumunta sila sa gym. Kami naman ni Junri, dumeretso na sa canteen para kumain.
"Ano ba ang pangalan ng boyfriend mo?" tanong ni Junri. Kasalukuyan kaming kumakain ng snack.
"Hindi mo rin kilala."
"Malay mo kilala ko, di ba?"
"E pano kung hindi? Sayang lang laway ko."
"Sabihin mo na. Ang arti."
BINABASA MO ANG
Hate a Hunk
Teen FictionStatus: Completed Shaina Fabia, a 17-year-old girl, came from a family of achievers so having low grades is not acceptable. Nag-aaral naman siya nang mabuti. Sa katunayan nga, may tutor pa siya para mas mag-improve pero kahit anong gawin, hindi umuu...