Kabanata 16

215 17 38
                                    

Kabanata 16: Tutorial

●∘◦❀◦∘●

"Hiro, pakihawak nga saglit."

Yumuko ako para punasan ang aking black shoes na natapakan niya kani-kanina lang. Nakarinig ako ng malakas na tunog. Nilingon ko si Hiro. Nakasandal siya sa railings ng hagdan habang kaakbay si Renzi. Ang lapad ng ngisi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Oh, nasan libro ko?"

Humalakhak siya at may itinuro sa baba ng hagdan. Nagtataka naman akong napalingon doon. Binatukan ko siya.

"Lakas ng tama mo, 'no? ikaw kaya ihulog ko sa hagdan?"

Kaagad akong bumaba para pulutin ang mga libro kong nagkalat sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay. Kailangan na yata niyang magpakonsulta sa psychiatrist.

Uwian na at papunta kami ngayon sa library. Napakiusapan kasi ni Hiro 'yung iba naming teachers kung pwede akong makapagremedial exam. Pumayag 'yung Math and Science teachers namin kaso 'yung iba, may kung ano na lang na ipapadala sa'kin para mahatak ang grades ko. Buti nga ganoon lang at least hindi na marami ang kailangan kong aralin.

Tiningala ko ang dalawa. Nakasandal pa rin sila sa railings. Hawak ni Renzi ang cellphone niya at may kung anong dinudutdot.

May kachat siguro?

WALA AKONG PAKEALAM!

"Hoy, gaano ba kayo katagal tatambay diyan sa hagdan?"

Lumingon si Renzi at napakamot ng batok.

"Sorry, Shai. Nagchat lang ako kay Judy. Nagtatanong kasi siya tungkol sa assignment."

Okay. Wala naman akong sinabi na mag-explain ka.

Naglakad na siya pababa. Kumunot ang noo ko nang nasulyapan ko si Hiro na malapad ang ngisi.

Ano na naman kaya ang iniisip nito?

Nasagot ang katanungan ko nang bigla niyang itinulak si Renzi. Nanlaki ang mata ko. Naging mabilis ang mga pangyayari hanggang sa namalayan ko na lang na nagkabungguan na kami. Dahil sa malakas na impact, natumba ako at sumubsob naman ang mukha niya... sa dibdib ko.

I felt my cheeks heated.

Hindi siya nakatayo agad dulot ng pagkabigla. Tumingala siya sa akin. Nagtama ang paningin namin ni Renzi at kagaya ko, namumula rin ang mukha niya.

Umalingawngaw ang malakas na halakhak ni Hiro.

"Akala ko sa malambot magla-landing 'yang mukha mo, Derek Renzi! Halos sa sahig din pala dahil wala naman 'yang dibdib!"

Nakaramdam ako ng masamang enerhiya na bumalot sa akin. Sa sobrang tindi, parang nanggagalaiti akong pilipitin ang leeg ni Hiro. Nanlisik ang mga mata ko. Kaagad siyang nagtatakbo bago pa man din ako makatayo.

"TAKAHIROOO!!!"

Inalalayan ako ni Renzi nang makabawi siya sa pagkakadapa. Tumakbo ako palabas ng building at natanaw ko ang patay gutom kong kaibigan na tawa pa rin ng tawa. Nakasakay siya sa bike ni Renzi at nakuha pa niyang dumila bago tumalikod at mabilis iyong pinaharurot.

Hinubad ko ang sapatos ko at ibinato kahit malabong matamaan ko pa siya.

"WAG KA MAGPAPAKITA SA'KIN HALIPAROT KA!"

Malayo na ang distansiya niya mula sa amin pero rinig na rinig ko pa rin ang nakakairita niyang halakhak. Namumula ang mukha ko sa sobrang hiya. Buti walang tao kanina dahil kung may ibang nakakita, baka wala na akong mukhang ihaharap sa buong school at paniguradong mapag-uusapan kami.

Hate a HunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon