Kabanata 28

179 16 20
                                    

Kabanata 28: Run, Shaina

[WARNING. This chapter contains inappropriate scene. Read at your own risk.]

●∘◦❀◦∘●

Nang sumunod na semester, nakita kong muli ang dati kong best friend noong elementary. Di ako makapaniwalang sa loob ng halos limang taon ay magtatagpo ulit ang mga landas namin.

"Hello. I'm Allyssa Kaesha B. Evaristo, sixteen. Nice to meet you."

Naging mainit ang pagbati ng lahat sa bago naming kaklase... maliban sa'kin. Hindi sa KJ ako or what, sadyang hindi lang ako komportable na makita siya ulit— si Alyka Evaristo. Ngumiti siya nang malapad sa aming lahat. Ang mga mata niya ay unti-unting napunta sa direksyon ko, kita ko ang pagkagulat mula roon. Marahil ay nakilala niya 'ko.

"You may take your seat." Napatingin si Alyka sa bakanteng upuan sa tabi ko. Naglakad siya palapit sa'kin.

Uh oh.

"Shaina?" Nakangiti niyang bati. Umiwas ako ng tingin.

"Excuse me, Miss."

Napalingon kami kay Hiro na kadarating lang. Medyo magulo pa ang kaniyang buhok, halatang tinanghali ng gising. Nakabakasyon pa ata ang isip ni Hiro dahil first day of class, late siya. Dumako ang kaniyang paningin kay Alyka.

"Ah, Miss Evaristo, dun ka na lang muna sa likod. Si Fernan kasi ang nakaupo diyan," wika ng adviser namin. Tumingin si Alyka sa walang pakealam na si Hiro at ngumiti bago naglakad papunta sa likod—sa bakanteng upuan sa tabi ni Renzi. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nairita.

Umupo si Hiro sa tabi ko. Hindi kami nagklase sa first subject. Inutusan lang ng teacher namin si Judy na magsulat ng lecture sa board. Kumuha naman kami ng notebook at kumopya. Nagbigay rin siya ng assignment para sa next meeting.

"Grabe ang ganda ng transferee. May boyfriend na kaya 'yan?"

"Siguro. Tingnan mo naman kasi ang katawan niya. Kahit nakauniform, halatang sexy. 'Yung mga ganyang babae, paniguradong pinipilahan ng lalaki."

"Sana all na lang."

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bulungan ng mga kaklase kong babae. Ipinagkibit-balikat ko 'yon. Tinuloy ko na lang ulit ang pagsusulat. Umismid ako nang makita ko si Hiro. Tumayo siya at naglabas ng cellphone. Kinuhanan niya na lang ng picture ang sinulat ni Judy sa board. Nakangisi siyang nagsalita.

"Nagpapakahirap kayo diyan! Picture-an niyo na lang!" ani Hiro.

Nagtawanan ang buong klase. Nagtagumpay siya nang tuluyan sa paghimok sa mga kaklase kong maging tamad dahil isa-isa na rin silang tumayo at naglabas ng cellphone. Napailing na lang ako.

"Psst." Hindi lumingon si Hiro sa paswit ko.

"Pssssst." Naiinis niya akong tiningnan.

"Bakit?"

Ngumuso ako. "Bati na tayo."

Hanggang ngayong January kasi ay hindi pa din ako gaanong pinapansin ni Hiro. Higit isang buwan na siyang malamig sa akin.

Inirapan niya ako. "Saka na, kapag break na kayo ni Matthew."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Humalakhak siya at pinitik ako sa noo. Napahawak ako roon.

"Bat naman pabebe ka pa Hiro?" Natatawa kong tanong. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"O bakit? Di ba ganiyan din naman kayong mga babae? Pahihirapan niyo kami at paasahin. Hahabul-habulin namin kayo tapos ang ending, sasaktan niyo lang kami. Mga pa-fall!"

Hate a HunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon