Kabanata 42: Doubts
●∘◦❀◦∘●
"Yung mga paalala ko sa'yo, Renzi ha? Wag mong kalilimutan. 'Wag kang magpapagutom don, wag na wag kang mambababae," naiiyak kong wika.
Nandito kami ngayon ni Bernadette sa terminal, nagpapaalam kina Hiro at Renzi.
"Ang OA mo naman, Shai. Uuwi rin naman si Derek," ani Hiro. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang sama mo talaga 'no! Parang hindi mo mamimiss si Bernadette ah!"
Nagtaas siya ng kamay, tanda ng pagsuko.
"Siyempre, mamimiss ko si Dette. Hindi lang talaga kami ganon ka-clingy sa isa't-isa kaya wala kaming ganiyang klaseng kadramahan."
Hindi na ko nakakibo. Niyakap naman ako ni Renzi at pinatahan.
Ang dami naming nagawa together. Tinupad ni Renzi 'yung sinabi niya na magkikita kami araw-araw pero bakit ganon? Bakit sobrang bilis lumipas ng dalawang buwan! Bitin na bitin! Nakakainis!
"Payakap nga rin ako sa tigreng 'yan, Derek."
Hinatak ako ni Hiro at niyakap.
"Magpapakabait ka rito ha? Lagi mong pakakainin si Nanno."
"Oo na. Mamimiss ko kayo."
Kinalas na ni Hiro ang kaniyang braso sa'kin. Tinanguan niya si Bernadette pagkaraa'y tinapik ang balikat ni Renzi.
"Tara na, Derek. Baka magalit 'yung konduktor," ani Hiro. Naglakad na siya papasok ng bus.
Muli, tumingin sa'kin si Renzi. Niyakap niya ako at ginawaran ng halik sa noo.
"Bye, Shai. Mamimiss kita. I love you."
"I love you too, Renshi."
●∘◦❀◦∘●
Isang linggo kaming gabi-gabi nagvideo call ni Renzi. Gaya ng sinabi niya noon, binigay niya sa'kin ang social media accounts niya. So far, wala pa naman akong nakikitang babae na nakakachat ni Renzi... Maliban kay Judy.
Lagi talagang nagchachat 'yon, nagpapabuhat sa ML. Tinatanggihan naman siya ng boyfriend ko kasi busy na sa pag-aaral. Aba'y dapat lang!
"Good morning, everyone. My name is Shaina Fabia, nineteen years old. You can call me Shai," pagpapakilala ko sa harap.
Ngayon ang first day of school ko rito sa College of Architecture. Medyo kinakabahan kasi wala naman akong kakilala pero excited din at the same time. Ito ang unang beses na lalabas ako sa comfort zone ko. Hindi naman pwedeng sila Hiro lang ang kaibigan ko di ba? Ngayong college na 'ko, kailangan kong matutong makisama at makihalubilo.
"Hi."
Lumingon ako sa katabi kong nagsalita. Isang matangkad na lalaki, moreno, nakasalamin. Nahihiya akong ngumiti.
"Hi?"
Busy ang lahat sa pakikinig sa mga estudyanteng nagpapakilala sa harap kaya naman hindi gaanong halatain ang pag-uusap namin.
"I'm Junri, nice to meet you."
"Ahmm. Nice to meet you rin."
"Pwede ba 'kong sumabay sa'yo maglunch mamaya? Wala pa kasi akong kakilala rito sa room."
"Pero... hindi rin naman tayo magkakilala pa?"
"Nagpakilala ka sa harap di ba? You're Shai, I'm Junri. Magkakilala na tayo," sagot niya.
Okay.
"May boyfriend na 'ko," I said.
"So?"
BINABASA MO ANG
Hate a Hunk
Teen FictionStatus: Completed Shaina Fabia, a 17-year-old girl, came from a family of achievers so having low grades is not acceptable. Nag-aaral naman siya nang mabuti. Sa katunayan nga, may tutor pa siya para mas mag-improve pero kahit anong gawin, hindi umuu...