Kabanata 19

239 17 39
                                    

Kabanata 19: Never meant to hurt you

●∘◦❀◦∘●

"Nakagayak ka na ba?" tanong ni Hiro mula sa kabilang linya. Bitbit ang maliit na pouch, naglakad na ako palabas ng bahay matapos magpaalam kina Mommy.

"Oo, kanina pa. Papunta na ako sa inyo. Ano ang costume mo?"

Humalakhak siya.

"Hulaan mo..."

"Pa-suspense ka naman!" sabi ko saka pinatay ang tawag.

My question earlier was answered the moment I entered his room. Parang gusto kong matawa pagkakita ko sa kabuuan niya. Exaggerated ang pagkakalagay niya ng foundation at eye liner, na bagay lang naman sa buhok niyang kinulayan ng green. His unbuttoned red long sleeve polo that is tucked in his trousers exposes the letters he wrote on his chest using black ink. Na-recognize ko agad kung sino ang pino-portray niya.

"Joker?!"

Ngumisi si Hiro at kumuha ng toy gun.

"Bagay ba?" tanong niya. Tumango-tango ako habang iniikutan siya.

"Oo, bagay sa'yo tutal mukha ka namang baliw."

Tumawa siya at tumango-tango rin habang pinagmamasdan ako.

"Wanwan, huh? Akala ko talaga Tigreal ka ngayong gabi. Naninira ka ng expectations."

Binatukan ko siya.

"Ewan ko sa'yo! Malala ka na!"

Humalakhak siya at lumabas ng kwarto. Sinamantala ko ang pagkakataon para manalamin at mag-mirror shot. Naka-bun sa dalawang side ang buhok ko, tinalian ito ng pulang ribbon na may bell. Hapit na hapit sa katawan ko ang kulay asul kong damit. Gusto ko ang detalye na nilagay ni Miss Dalde sa costume ko lalo na sa crossbow weapon ni Wanwan.

Ano kaya ang costume ni Renzi?

"Tara na!" Aya ni Hiro sa'kin pagbalik niya ng kwarto.

Naglakad siya palapit sa mga itim na pusang nakahiga sa kama. Non ko lang napansin na may suot palang black mask at cape si Nana at ang mga kuting.

"Whoah! Batman, huh?" Namamangha kong sabi. Ngumisi si Takahiro.

"Kung naka-costume ako, dapat sila rin! Bye Nana, bye little kittens. Magpa-party muna si Daddy." Isa-isa niyang hinalikan ang mga ito bago ako hinatak palabas. Sumakay na kami sa kotse niya.

"Marami na sigurong tao," aniya habang nagda-drive.

Tumingin ako sa phone ko, 8:30 na ng gabi. Ang dami kong ritwal na ginawa kanina sa banyo kaya naman natagalan ako sa paggayak.

"Nako, baka pagalitan ka ni Mariell! 'Di ba dapat maaga ka dahil part ka ng student council?"

"Oo, may performance nga kami e."

Umiling-iling siya at natatawang tinapakan ang gas. Napahawak ako sa upuan. Sa isang-kisap mata, nasa tapat na kami agad ng gate. Napangiti ako habang binubuksan ang bintana para magpakita kay Tsu Pilele. Zombie siya ngayong gabi.

"Pasok," aniya.

Dumeretso kami sa Parking lot para iparada ang sasakyan.

"Himala, wala sa gate si Renzi. Sabi niya, maghihintay siya don e," ani Hiro.

Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ako nagche-check ng messenger kaya 'di ko alam kung may chat siya. Maraming pumpkin na may lamang kandila ang nakahilera sa hallway, nagsilbi itong tanglaw sa mga estudyanteng dumadaan. Pagdating sa gym, bumungad sa amin ang nakakabinging party music.

Hate a HunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon