Kabanata 39

122 8 14
                                    

Kabanata 39: Quality time with Renzi and Hiro

●∘◦❀◦∘●

Matapos kong kumalma, hindi ko na binanggit pa ang tungkol sa pagiging LDR namin next sem. Mukha namang ayaw niya rin 'yong pag-usapan.

Isang minuto akong tulala habang hinihintay si Renzi na matapos sa pagbibihis. Balak ko sanang sumama sa kaniya sa loob ng CR kaso agad naman niya 'yong nilock. Lumibot ang mga mata ko sa paligid ng kwarto. Sa hindi malamang rason, naglakad ako palapit sa harap ng isang dark brown na pintong may door label na 'Secret Place'. Nilingon ko si Renzi matapos niyang makalabas ng CR.

"Ano 'to Renzi?" tanong ko.

Sa dalas kong pumunta rito sa kwarto niya mula nung Grade 11, kahit kailan hindi pa namin 'to napag-usapan. Mabilisan lang din ang pagtambay ko rito sa kanila, kapag lang may project na gagawin. Hindi ako pumupunta rito ng walang dahilan kasi madalas naman, siya ang dumadayo sa bahay.

"Alin?"

"Anong pinto 'to."

"Ah. Wala lang 'yan."

Ngumuso ako.

"Bakit ayaw mong sabihin? Ano nga 'to?"

Bumuntong hininga siya.

"Kwarto lang 'yan na... nilalagyan ko ng mga trophies."

"E bakit may pa-secret place-secret place ka pang label dito?"

Nagkamot naman siya ng batok. Mas lalo tuloy akong na-curious kung ano ang mayroon sa loob.

"Nahihiya ako, Shai."

"Anong nakakahiya sa trophies mo? Ako nga wala niyan."

"E kasi... Basta! Tara na, labas na tayo."

"Hindi. Hindi tayo aalis hangga't di mo ko pinapapasok sa loob."

Nakalock kasi kaya hindi ko rin mabuksan. Obviously, may tinatago siya sa loob. Ano kaya?

"Shai naman."

Nilahad ko ang aking kamay.

"Susi."

"Eh?"

"Dali!"

Nagpout siya at naglakad papuntang closet. Mula roon ay may kinuha siyang kumpol ng mga susi.

"Buksan mo."

"Nahihiya ako..."

Sinamaan ko siya ng tingin. Wala ng nagawa pa si Renzi kundi sundin ang sinasabi ko. Ganon talaga. I'm the boss.

Ipinasok na ni Renzi ang susi sa doorknob. Unti-unting bumukas ang pinto. Naglakad siya papunta sa loob, agad naman akong sumunod. Gaya ng inaasahan ko, maluwang ang kwarto.

Lumapit ako sa mga shelves, maraming nakapatong na trophies doon. Kung bibilangin siguro ay aabot 'yon ng limampu. Mayroon ding certificates at medals na sa tingin ko, mula noong elementary pa lang ay kinolekta na dahil dalawang higanteng estante ang kinailangan para mapagkasya ang mga 'yon. Ngunit ang pinakanagsilbing center of attraction ay ang malaking frame na may calligraphy, naka-hung 'yon sa mataas na parte ng wall sa tuktok ng shelves.

'To God be all the highest honor and praise!'

Sinulyapan ko si Renzi.

"Gaano ba karaming contest ang nasalihan mo para magkaroon ng ganitong klaseng kwarto? Parang kaban ng ginto."

"Ahm. Ewan," aniya.

"Nasa sampu lang ata ang medals ko mula pagkabata. Nakakahiya naman."

He wrapped his arms around my waist and kissed my cheek.

Hate a HunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon