Kabanata 31

138 16 33
                                    

Kabanata 31: Open heart

[WARNING: This chapter contains slightly inappropriate scene. Read at your own risk.]

"Sa katapusan pa naman ng March ang pasahan ng Investigatory Project, Shai. Marami pa tayong time," wika ni Renzi habang nagta-type. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ang gusto mo? Kung kailang oras ng pasahan saka tayo gahol na gahol?" inis na sabi ko. Bumuntong hininga siya.

"Hindi naman sa ganon. E kasi alas siyete na ng gabi. Baka hinahanap ka na sa inyo."

"So, pinapauwi mo na 'ko?" tanong ko.

Umiling siya. "Mas okay lang talaga kung hindi muna tayo gumagawa ng school works-"

"Oo na! Aalis na 'ko!"

Padabog akong tumayo upang kunin ang bag kong nakapatong sa table. Agad niya naman akong hinawakan sa braso para pigilan sa pag-alis.

"Sorry na. 'Wag ka ng magalit."

"Nakakairita ka e!"

"Sorry na nga. O sige na, gawa na tayong chapter one."

Umirap ako saka naglakad papunta sa upuan ko kanina. Tumabi naman siya sa'kin.

"Bati na tayo?" tanong niya.

"Hindi!"

"Sungit."

Tss.

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa kong pagre-research ng mga related literature sa internet. Siya na bahala sa chapter one.

Honestly, hindi ko akalaing seseryosohin ni Renzi ang sinabi ko dati na 'cure for tachycardia' na lang ang gawin naming IP. Magandang idea raw 'yon dahil about sa health tsaka February ang pasahan namin nito, bagay na bagay sa araw ng mga puso. Since moral support lang ang ambag ko, tamang dala lang ako ng meryenda rito sa kwarto niya. Si Renzi pa rin ang iisip kung paano gagawin 'yung kalokohang project na 'yon.

Bat kasi nag-aaral pa ang tao? Hay!

"Shai," basag niya sa katahimikan.

"Hmm?"

"Kaya ba nag-aaya kang gumawa ng research kahit gagabihin ka kasi... gusto mo 'kong makasama?"

Nakakunot-noo ko siyang nilingon. Malapad ang ngisi ni Renzi habang hinihintay ang sagot ko.

Asa ka naman.

"Wag mo 'kong nilalandi, bata."

Umismid siya at pinagpatuloy na lang muli ang pagtatype.

"Hindi na 'ko bata," bulong niya. Tumaas tuloy ang kilay ko.

"Weh?"

"Fifteen na kaya ako. Last month pa 'no. Hindi mo man lang nga ako binati."

Para namang ang laking dagdag non sa edad niya?

"Edi belated happy birthday."

Nag-echo sa tainga ko ang mahina niyang halakhak.

"Wala ka bang napapansin sa'kin, Shai?"

Sinulyapan ko siya, malapad pa rin ang kaniyang ngisi. Pinagmasdan ko siya ulit, mula ulo hanggang paa, pero wala naman akong napansing bago sa itsura niya.

"Anong meron?" tanong ko. Umiling-iling siya, natatawa sa reaksyon ko.

"Hindi na 'ko bata, Shai."

Napasinghap ako nang hinatak ako ni Renzi at kinaladkad papunta sa tapat ng isang whole body mirror malapit sa shelves ng kwarto niya.

Hate a HunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon