Chapter 12: DWAYNE

3.7K 101 14
                                    

DWAYNE.

Si Dwayne ang isa sa mga taong galit na galit sakin.

FLASHBACK

Dahil nga sa kilala kami sa school maraming babaeng humahabol sa amin.

Kasama na don si Samantha Mae Gonzales, Si Sam ang nagiisang babaeng nagpapatibok ng puso ni Dwayne Oineza, And dati kong kaibigan.

Pero ang totoo kasi nyan, hindi ko talaga gusto si Sam. Si Sam mismo ang humahabol sa akin. One time, Nakipagsundo sa akin si Dwayne na tulungan sya upang maging sila ni Sam. At yun, naging matagumpay ang pagpaplano naming magkaibigan.

"Tol, maraming salamat. Kung hindi dahil sayo, Hindi mangyayari to. Salamat tol," Sambit pa nya sabay yakap kay Sam.

Tumagal sila ng tatlong buwan..

"Dwayne, Pwede ba tayo nagusap?" Pakikiusap ni Sam kay Dwayne.

"Yes babe, may problema ba?" Tanong naman ni Dwayne.

"Alam kong magagalit ka sakin pero sana mapatawad mo pa ko, Dwayne mahal ko talaga si Teyron.. Dwayne alam ko, appreciated your love, care and trust mo sakin. Pero Dwayne kahit anong gawin si Teyron parin talaga. Please Dwayne sana mapatawad mo pa ko.." Unti-unti ng tumutulo ang luha sa mata ni Dwayne. Pati narin ang kay Sam.

Natulala lang si Dwayne habang patuloy parin ang pagtulo ng luha nito.

"Alam ko Sam. Minsan nga napapaisip ako kung ano bang meron kay Teyron na wala ako. Yung minsang, mapapaisip ka nalang bakit laging sya? Bakit? Pero alam mo Sam, minsan ko ring naisip na mahal mo talaga ako. Pero naisip ko rin na wala ng kahit anong bagay ang pwedeng lumamang dyan sa puso mo kung hindi si Teyron lang. Alam mo, akala ko dati minahal mo talaga ako eh," Sabi ni Dwayne kay Sam, habang umiiyak.

"Dwayne maniwala ka, minahala kita. It's just that,"

"It's just that ano?" Tanong naman ni Dwayne.

"It's just that mas mahal ko si Teyron."

"Alam mo Sam, Hindi ako nagagalit sayo. Ang ayaw ko lang ay bakit ngayon mo lang sinabi? kung kelang mahal na mahal na kita? Sam, sa tingin ko kailangan na natin tong tapusin. Ayoko ng umasa na isang umaga, mapapalitan ko na si Teyron sa puso mo. Mahirap gawin pero dapat. Goodbye Sam. This is for the last time, I Love You Sam." at umalis na si Dwayne habang patuloy parin ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.

At naiwang umiiyak din si Sam.

Matapos yun, hindi na muling nakita pa nila Sam si Dwayne, dahil nangibangbansa sya. Pumunta sya sa States para kalimutan lahat ng pangyayari.

Makalipas ng 1 taon, bumalik na rin si Dwayne sa Pilipinas, nabalitaan lang nya na si Teyron at Sam na. Para sa kanya, wala ng epekto yun.

"Tol, kami na pala ni Samantha." bati sakanya ni Teyron.

"Uh-Hi Dwayne! kumusta?" bati ni Sam.

"Okay lang, namiss ko nga dito sa Phil eh."

"Good to hear dude. Sige alis na kami," Paalaman naman ni Teyron.

At dahil nga gangster si Teyron, minsan lang tumagal ang mga babae sa kanya.

Isang gabi, pumunta si Teyron sa bar kasama sina Charles, Marc at Andrey.

*Toogs! Toogs! Toogs!*

"Alam mo pre, gusto ko ng tapusin si Sam eh." -Teyron

"Whaha! Pre lasing ka lang. Gano katagal na ba kayo?" -Marc

My Boyfriend is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon