Apple's Pov
Damn. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Sobrang lamig ng kamay at paa ko. Shit. Please
Patuloy lang akong tumakbo palayo sa ro na maliit kanina. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Sana okay lang si Troy. Please, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama kay Troy.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang malayo sa lugar na 'yun.
Nakarating ako sa park at naupo sa isang mga benches dun. Kailangan 'kong pakalmahin ang sarili ko.
Rinig ko yung bawat tibok ng puso ko. Hindi ako mapanatag. Damn, masyado akong nagpapanic.
Inisip ko si Troy.
Tatlo, laban sa isa. Tatlong may kutsilyo at isang walang kahit ano gamit. Tatlong maskulado at isang simpleng lalaki. Shit
Hindi talaga ako mapanatag. Kaya I called him. Pero walang sumasagot.
16 missed calls. Goddammit.
Sobrang ugh. Ang lakas ng tibok ng puso ko!
Tumakbo ako patungo sa room kanina. Kailangan 'kong makita si Troy. Hindi ako makampante.
Kahit madilim na at alam 'kong delikado, pupuntahan ko sya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag may nangyaring masama sa kanya.
Nang makapunta ako sa small room. Hindi ko in-expect na ganto ang makikita 'ko. Shit ang sakit sakit ng dibdib ko.
Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang sugat nya. Nasaksak sya sa tagiliran. Damn
Sobra akong nagpanic. 'Di ko alam gagawin ko. Sobrang nanginginig ang mga kamay ko.
Kinapa ko ang bulsa ko. Good thing, nalagay ko ang cellphone ko sa bulsa ko.
I grabbed the phone and dialed Daniela's number.
"Hello Apple, ten pm naa! Tulog na ko! Bakit baaaa?!"
"D-Daniela.. P-lease, help.." Naiyak na 'ko. Sobrang kaba ko na.
"Apple?! Why?! Anong nangyari??"
"Kailangan 'kong pumunta ng ospital. Please, pwede mo ba 'kong masundo. Please meet me, sa likod ng bahay namin."
"Stay there. Pupuntahan kita 'jan. Please be safe."
-----
I held Troy's face. Nasasaktan ako.
Wala pang 5 minutes at nandito na si Daniela. Teka, kaninong kotse yun?
"Apple!" Tumakbo s'ya sa'kin at niyakap ako. Kasama n'ya si Denver.
"Ohmygosh!" Sigaw ni Daniela nang makita si Troy na may tama.
"Goddammit! Anong nagyari? Tara sa ospital."
Denver drove the car then kami ang nag-assist kay Troy.
Pumunta kami sa pinaka malapit na ospital.
Sobra kaming ninenerbyos. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Troy.
Pumunta kami sa emergency room. At we settled Troy.
Nasa waiting area kaming tatlo, naghihintau ng results galing sa doctor.
"Apple, anong nangyari? Bakit nasaksak si Troy?" Tanong ni Ella.
Kinuwento ko ang buong nangyari, bawat detalye. Nagulat silang dalawa ni Denver.
"Nako, kung hindi dahil kay Troy napahamak ka na. Thanks to Troy." Ika, ni Denver.

BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Gangster
RomansaKnow how it feels having a Gangster Boyfriend? It's like having your sweetest Nightmare.