A fresh day, sabay sabay kami lumalakad ng mga kaibigan ko papasok sa School. Shock, nakita ko si crush. O M G! Nakapagwapo niya halos sinusundan ko siya ng tingin para lang tingnan siya kung saan siya pupunta. Sana all kagaya niya, 'yung mga classmate ko kaseng mga lalaki ay mga mukhang hudlong o hindi kaya naman mukhang tokhang.
"Uy Adrielle, tumutulo na laway mo. Kadiri ka," baling sa akin ni Amber.
Agad ko naman hinawakan ang bibig ko na may laway nga'ng tumulo. Ako ata ang nakakahiya.
Hinila na ako ni Amber dahil magsisimula na ang klase namin.
Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko pa siya. Well, matagal ko na siyang crush, I think mag 2-2 year's na ata. Nakakalungkot lang kase super busy niya, President kase siya ng Student Council kaya eto ako tamang sulyap at tingin na lang sa mala gwapo niyan mukha. Mabuti na lang iisa lang ang School namin. Atleast nakikita ko siya kahit na hindi kami classmate.
Umupo ako sa tabi ni Shaniah at nag-start na ang madugong klase. I hate math not the number but how to solve it. Ang daming ek ek, mahina pa naman ako sa gano'n.
"Adrielle."
Umangat ang tingin ko na tawagin ako ni Prof. Helena. Naku, ano isasagot ko? Ba't kase ang bobo ko.
"M-Ma'am?"
"Go to the front and solve the number 3," utos niya sa akin.
Ayoko sana pumunta kase gusto ko na lang mag-pass, kaso tinulak ako ni Shaniah. Ano ba naman buhay to!
Hawak ko na ang chalk at halos maduling ako sa number na nakikita ko. Gosh, ba't ang dami, paano ko ba bibilangin 'to. Nagbilang ako sa kamay at maya-maya lamang pinahinto na ako ni Prof. Helena.
"Aabutin ba tayo rito ng pasko bago mo masagutan 'yan? It is a simple computation lang naman pero hindi mo magawa. Umabot ka ng 4th year, mahina ka pa rin sa Math."
"Sorry po, Ma'am."
"1 + 1?" mabilis niyan tanong.
"Ah eh, 4?" panic kong sagot.
Umingay ang buong room sa pagtawa ng mga classmate ko. Napapailing na lang si Ma'am.
"Joke lang po, siyempre 2. Hindi po kayo mabiro Ma'am, haha. Mahina lang po ako sa math pero kaya ko naman po magbilang." I said confidently.
"UPO! HUWAG MO AKO DAANIN SA PAGBIBIRO MO, GUSTO MO GAWIN KONG DOS ANG GRADO MO?"
Lumakas pa ang tawa at binitiwan ko na ang chalk. Tumabi na muli ako kay Shaniah at pi-nat lang niya ang balikat ko.
"Better luck next time," sabi niya sa akin.
After class namin inayos ko na ang gamit ko. Busy din ang iba sa pag-ma-make up, pag-chi-chichat, at paglalandian. 4th year na ako pero hindi pa rin ako marunong mag-ayos ng sarili. Paano ba naman kase si ate, laging busy rin sa trabaho tsaka ang damot kapag magpapaturo ako. Si Mama naman ayun busy rin. Hayyyyyy, paano ako liligawan kung hanggang ngayon nene pa rin ako.
"Cissy, samahan mo ako pumunta sa Student Council kakausapin ko lang si Neo." Rinig kong sabi ni Amber.
Agad akong nagtaas ng kamay. Taka naman siya mapatingin sa'kin.
"Ako na lang."
"Sinamahan muna ako kanina, si Cissy na lang."
Ay oo nga pala pumunta kami kanina sa C.r.
"Mamaya na lang may sinasagutan pa ako," sagot ni Cissy.
"Oh, ako na lang kase, wala ka naman choice, e," wika ko kay Amber.
BINABASA MO ANG
Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE
Teen FictionOnce you enter there's a true love for you. Adrielle is totally in love to his crush for almost two year's. One day, she saw a Magic Shop near to their school. She went inside and she saw an old Woman, the owner of the shop. She offered her a glitte...