1 week passed after my recovery the pain is still on me. I know it's going part of my life. Even I want to forget the fight that never happen. It f*cking show to my head. And I was thinking deeply about my plan on him I mean a secret plan instead.
'I will get him mine. Tsk i'm wrong the potion is a answer to get him mine.'
Bumaba ako sa sala at naabutan ko si Ate na nagliligpit ng mga damit mamaya pa ata ang pasok niya sa work. Si Mama naman ay naghahanda ng pagkain sa mesa. Umupo ako sa mesa at kumuha ng pagkain.
"Nga pala nak, kelan nga ba ang retreat ninyo?"
"Sa lunes na po, Ma."
"Malapit na pala hindi ko pa naayos ang gamit mo. Siguro mamaya na lang pag wala na akong ginagawa."
"Huwag na, Ma. Ako na lang po mag aayos may mga gamit po kase akong dadalhin pa."
"Naku, baka mga 'yan iyon mga gamit na nakita ko. Kalakal girl ka ba?" Sabat ni Ate na kinainis ko.
"Hindi 'yon kalat 'no. Ma, wag mo pansinin si Ate."
"Sige na kumain ka lang d'yan."
After ko mag almusal lumabas na ako ng bahay. At sa paglakabas ko nakita ko si Kenzo. Ano na naman ginagawa ng lalaking 'to dito?
"Ba't ganyan ka makatingin sa'kin?" Tanong niya.
"Bakit nandito ka? Siguro magnanakaw ka 'no?"
Bigla itong tumawa at napailing. "Ang gwapo ko naman magnanakaw. Puwede naman, nanakawin ko ang puso mo."
"Tseh! Tigilan mo nga ako." Lumakad na ako pauna sa kaniya. Ayoko siyang makasabay 'no. Hanggang naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. It mean's inakbayan niya ako. Since I was birth wala pang nakakagawa nito sa'kin. At ang tanging gusto kong gumawa nito sa'kin ay walang iba kundi si Crush. Agad ko iyong tinaggal at tumakbo ako ng mabilis. Baka kase mamaya may makakita sa amin.
Binaba ko ang bag ko na makapasok ako sa room. Umupo ako sa tabi ni Shaniah na nagsasagot ng assignment.
"Malapit na pala ang retreat natin." Rinig kong sabi niya.
"Oo nga eh."
"Tingin mo magiging exciting 'yon at memorable?"
"Oo naman. Bakit naman hindi."
"Tanong ko lang, may gusto ka bang lalaki rito sa room natin?"
"Wala." Sabi ko agad.
"Weh? Di nga? Kahit si Kenzo?"
"Hindi ko siya gusto 'no."
Bakit naman ako magkakagusto sa makulit na taong 'yon. Iisa lang naman ang gusto ko at alam niyo na 'yon. And I hope magawa ko na ang plano ko bago mahuli ang lahat.
After Class sabay sabay kami lunabas nina Amber at Cissy. Papunta na kaming Cafeteria at kanina pa kami nagugutom. Pagkapasok namin sa Cafeteria si Amber na ang umorder at iniwana ko muna saglit si Cissy para kumuha ng tissue.
"They said if you want to kick out someone show them your sweetest revenge. Do you agree with that?"
Si Carla. Ang babaeng walang ginawa kundi inisin ako. Ang babaeng sumisira nang plano ko.
"Are you planning to kick me out?" Deretso kong tanong sa kaniya.
"Ofcourse no. What I need to do that? I'm not wasting my time to a weak girl like you. But a little reminder, stop flirting my man."
Ano raw?! My man?! Sino pinagloloko nito? Kelan pa naging kaniya si Crush. Sabi na nga ba siya talaga ang sisira ng plano ko. Paano ba naman kase nitong nakaraan nakita niya kami magkausap ni Crush sa rooftop. Tsk, ambiyosa.
BINABASA MO ANG
Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE
Teen FictionOnce you enter there's a true love for you. Adrielle is totally in love to his crush for almost two year's. One day, she saw a Magic Shop near to their school. She went inside and she saw an old Woman, the owner of the shop. She offered her a glitte...