MS#14

8 1 0
                                    

"Hay, na-miss ko ang upuan ko," wika ko kay Shaniah na niyayakap ang upuan ko.

Weird naman siyang napatingin sa akin. "Pagkagraduate natin, iuwi mo 'yan. Para kang bata."

"Haha, syempre ang tagal kaya natin nag-stay sa resthouse."

Meron pa siyang sinabi pero hindi ko na lang pinansin. Dumating na si Prof. Helena para magturo. Kung dati sobrang pressure ako sa math pero ngayon hindi na. Marami naman ako natutunan Kay crush kahit na sa kanya lang ako nakatingin.

Busy na rin ang lahat para sa paparating na exam. Lahat naghahanda sa pagrereview. Kailangan ko pa naman makapasa. Ayoko kaseng grumaduate na mababa ang grade ko.

Pagkadismiss ng klase ay sabay-sabay pa rin kami ni Amber at Cissy pumunta sa Cafeteria. Bumili kami ng pagkain at umupo sa dating pwesto.

"Kalat na kalat na sa buong campus ang pag-aaway nina Kenzo at President. Hindi naman daw talaga 'yon kakakat kase tayo-tayo lang naman ang nakakaalam. Kaso...may mga chismosa na nagpakalat," sabi ni Cissy.

"Hindi pa rin ba alam ang dahilan?" tanong naman ni Amber.

"Hindi, eh. Pero sa tingin ko about 'yon kay Carla. Narinig ko kase sa isa natin kaklase na nakasaksi binanggit daw ni Kenzo ang pangalan ni Carla. Hindi kaya, gusto nila si Carla?"

Hindi ko alam ang irereact ko. Sabi sa'kin ni Amber baka raw ako ang dahilan. Tapos ngayon si Carla pala. Sino ba talaga nagsasabi ng totoo.

"Bakit naman magkakagusto si Kenzo kay Carla? Parang wala naman siyang gusto rito. Hindi naman sila palagi nagsasama. Sa atin nga siya palagi sumasama," sabi pa ni Amber.

"Sabagay tama ka."

Hindi ko naman makausap si Kenzo. Wala kase siya ngayon hindi naman pumasok.

Sa sumunod na klase ay lumilipad ang utak ko. Walang pumapasok sa utak ko. Iniisip ko kase kung ano ba talaga ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa. May hindi kaseng maganda.

Bago ako umuwi ay inutusan ako ni Prof. Mina na kuhain sa library ang mga libro. Wala raw siyang mautusan kaya ako na lang inutusan niya.

Nang nasa library na ako at habang hinahanap ang last book ay may narinig akong mga yabag. Hindi lang ako ang nag-iisa sa library. Syempre natakot ako dahil baka mamaya may multo na rito. Mahigpit kong hinawakan ang mga libro.

Haharap sana ako para makita kung may tao o multo nang may mabilis na humawak ng kamay ko at malakas akong isinandal sa bookshelves.

Ang lakas ng tibok ng puso ko at gulat na gulat sa nangyari. Tila huminto ang mundo ko na mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko. Akala ko may meeting sila ngayon, bakit siya nandito.

Akmang magsasalita ako nang sumenyas siyang huwag akong maingay. Lalo siyang lumapit sa akin. Hindi ako makahinga. Sobra akong pinagpapawisan sa ginagawa niya.

"Akala ko ba nandito 'yong babaeng 'yon? Baka naman nakalabas na."

"Ewan ko si Prof. Mina ang nagsabi sa atin, 'di ba."

"Tara na nga baka naman nasa labas na 'yon."

"Sige."

Hangga't may marinig kaming may lumabas. Sino naman ang mga 'yon? At sino ang hinahanap nila. Hindi kaya...ako ang babaeng tinutukoy nila? Bakit naman kaya.

Tumingin ako kay crush at doon na niya ako nilayuan at binitawan.

"Sorry sa nagawa ko. Hinahanap ka ng dalawang 'yon. At kapag nahanap ka nila baka saktan ka."

Huwag niyan sabihin concern na naman siya sa akin? O epekto na naman ito ng potion.

"A-ah ganon ba." Iyon lang ang nasabi ko. "Ano naman ang dahilan nila kung bakit nila hinahanap? Kailangan ko pa naman maibigay ang mga libro kay Prof. Mina."

Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon