MS#10

8 3 4
                                    

Aamin ba ako kay Kenzo? Sasabihin ko ba ang totoo? Mapagkatiwalaan ko ba siya? Paano kapag nalaman niya?

Sumasakit ang ulo ko, ayoko talaga kapag nag-iisip ng matindi. Ano naman kung malaman niya hindi ko naman siya kaibigan. Wala lang na naman sa'kin si Kenzo. Pero natatakot ako na baka sabihin niya sa iba.

"Hindi. Wala akong gusto sa kanya," sabi ko na lang.

"Sigurado ka?" tanong niya na para bang hindi siya naniniwala.

"Oo naman. Bakit mo ba tinatanong?"

Umiwas na siya ng tingin at tumuon sa kalangitan. Ano kaya ang iniisip niya? Aish, ba't ba pati si Kenzo inaalala ko.

"Wala naman. Simula ngayon iwasan muna si Carla. Hindi kayo nagkakasundo."

"Siya naman ang palagi ang nauuna hindi ko kasalanan 'yon." Medyo inis na sabi ko.

"Kahit na, huwag muna siyang patulan."

"Kahit kelan hindi ko siya sinaktan kaya paano ko siya papatulan? Pasalamat nga siya ako ang nakatapat niya. Kung si Amber 'yon, naku, baka wala na siya sa University."

"Basta sundin mo ang sinasabi ko. Hindi makakabuti kung palagi kayong nagkakasalubong."

Umangat ang tingin ko sa kanya na tumayo na siya at pinagpagan ang short niyan itim. At naglahad ng kamay sa harapan ko. Tinignan ko 'yon sabay balik sa mukha niya.

"Tara na?"

Pinatong ko na ang kamay ko sa kamay niya at sabay tayo. Inalis ko rin ang mga dumi sa suot kong dress. Masaya naman kahit papano dahil mabait si Kenzo. Bigyan ko na lang ang sarili ko na hayaan siyang lumapit sa'kin. Napakasama ko kase kung itataboy ko siya palagi.

"Salamat," mahina kong wika sa kanya.

Tumulong na kami sa mga Classmate namin na naghahanda na ng pagkain. Patanghali na kase kaya mag-aasikaso na kami ng tanghalian namin. May mga binigay na task sa amin ang mga teacher namin kada araw. Mga task na need ifullfill at gagawan ng reflection after retreat.

Kami ni Shaniah ang bahala sa pag-iihaw ng liempo at Hotdog. Sina Amber at Cissy ang nagsasaing sa dahon ng saging. Balisunsong ang tawag don. Ang iba naman ay may iba rin gawain. Samantala sina Carla at President ay nanonood samin sila kase ang inatasan sa pag-momonitor samin. Kada araw kase chinecheck nila kung kumikilos nga ba ang lahat. Bawal kase ang walang ginagawa or petiks petiks lang.

"Nasusunog na ang iniihaw mo."

Nataranta naman ako sa sinabi ni Shaniah. Masyado kase akong nakatutok kina Crush.

After an hour lang ay natapos na kami at pumwesto na sa mahabang lamesa. Sama sama at salo salo kami kumain. Napapangiti nga ako kase first time namin 'to ginawa. Tsaka, magandang experience 'to samin. Kahit na istudyante pa lang kami may kaya naman pala kaming gawin.

"Sama ka sa'kin mamaya?" tanong ni Kenzo, katabi ko sa kanan.

"Saan pupunta?"

"May nakita kase akong Souvenier Shop kanina gusto ko sana puntahan. Baka gusto mo lang sumama."

"Teka, may nakita ka rin bang Magic Shop dito?"

"Wala. Tinanong mo na 'yan sa'kin dati 'di ba? Ano bang Shop 'yon?"

"Ah. Si Lola Eli ang may-ari n'on. Nagtitinda siya ng potion-ay este mga libro at paintings." Muntik ko na masabi.

Tapos na ata siya kumain kase naghugas na siya ng kamay, at tinignan niya ako. "Wala akong nakikitang ganon Shop."

Sabagay wala ata siyang 4th eye. Napaka special ko naman pala kase nakikita ko ang Magic Shop. Kumusta na kaya si Lola Eli? Naalala ko pala nasa akin pa ang pangalawang potion siguro magtyetyempo na lang ako.

Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon