Hawak ko ngayon ang isang snow ball ang cute kase nito tingnan. Sabi ko kay Kenzo ito na lang bilhin. Pumayag naman siya at kumukuha na lang sakto sa lahat. Marami pa naman souvenir dito pero napukaw ng mata ko ang snow ball. Dati kase mayroon ako nito kaso nabasag kaya nung makita ko ito ulit sinabi ko na kay Kenzo ito na lang.
"Okay na." Tumingin ako kay Kenzo at bitbit na niya ang dalawang bag.
Lumakad na kami palabas at pabalik sa resthouse.
Subalit napahinto kami na makitang nagtatalo sina Amber at Carla. Mabilis akong lumapit kay Amber na inaawat ni Cissy.
"Nandito pala siya, bakit hindi natin siya tanungin," sabi ni Carla habang nakatingin sa akin. Ako ba ang dahilan kung bakit sila nagtatalo.
"Huwag kang gumawa ng aksyon na hindi pa tayo nakakasiguro. Kung gusto mo talagang siyang siraan sa lahat ako muna ang makakalaban mo," wika ni Amber kay Carla.
"Fine. Hindi ako natatakot. Sana alam niya kung saan siya lulugar. Ilang beses ko na siyang sinabihan pero makitid ang utak niya."
"Huwag mo siyang sasabihan ng ganyan. Hayaan natin ang taong 'yon ang magdesisyon. Huwag mo siyang hadlangan at harangan."
Magsasalita sana ako ng hawakan ako ni Amber at hilahin papasok sa loob. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Tungkol ba talaga 'yon sa akin?
Pumasok kami sa kuwarto namin at sinarado niya ang pintuan. Hindi pala namin kasama si Cissy, akala ko sumunod siya.
"Bakit kayo nag-aaway ni Carla? Tungkol na naman ba 'to sa akin?" tanong ko kay Amber.
"May itatanong ako sayo."
"Ano 'yon?"
"Magsabi ka nga ng totoo, may gusto ka ba kay President?"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko 'yon. Alam na ba ni Amber na may gusto ako kay President. Paano niya nalaman? Saan niya nalaman? Hindi kaya...sinabi ni Carla pero malabo kase hindi naman ako deretsong umamin sa kanya.
Kahit kaibigan ko si Amber pati si Cissy never akong umamin sa kanila. Hindi naman sa hindi ko sila mapagtitiwalaan sadyang hindi ako ang tipo ng tao na confidence umamin sa mga crush. Alam ko naman kung dati pa ako umamin posibleng asarin lang nila ako o hindi sabihin huwag ko na ituloy dahil wala naman akong mapapala.
Para akong gumawa ng krimen na nalaman ng lahat na ako ang pumatay.
"I-iyon ba ang pinag-aawayan niyo ni Carla? May sinabi ba siyang tungkol sa akin."
"Bakit hindi mo sagutin ang tinatanong ko?"
"Hindi naman siguro masama na magkagusto ako sa isang lalaki, 'di ba?"
"So, inaamin muna?"
"Aish, oo na. Matagal ko ng crush si President. Hindi ko lang sinabi kase hindi ako kumportable. Ang tagal ko 'to tinago tapos..."
"Sorry kung nalaman ko. Naalala mong pinagbantayan mo ako ng gamit mo kanina? Hindi ko sinasadya na makita ang diary mo. Doon ko nalaman na crush mo pala siya. Kaya pala, galit na galit sa'yo si Carla dahil iisa lang ang gusto niyo."
"Kaya mo kinausap si Carla."
"Oo, hindi tama na awayin ka niya dahil may gusto ka rin kay President. Hindi pa naman sila at hindi natin alam kung sino ang gusto ni President sa inyong dalawa."
"Sa tingin mo ba may gusto rin sa akin si President?"
"Gusto mo pa ba na sagutin ko 'yan?"
"Amber naman, eh." Kita mo tong babaeng 'to hindi man lang ako sakyan.
BINABASA MO ANG
Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE
Teen FictionOnce you enter there's a true love for you. Adrielle is totally in love to his crush for almost two year's. One day, she saw a Magic Shop near to their school. She went inside and she saw an old Woman, the owner of the shop. She offered her a glitte...