Habang naglalakad ako sa hallway sumasagi pa rin sa utak ko ang Magic Shop. Sobrang palaisipan hindi ko alam kung ano ang misteryo mayroon ito. Paano na lang kung bumalik ako at hindi na ako makalabas? Kailangan ko pagisipan ang pababalik ko sa Sabado.
Agad naman ako natumba na may nabangga pala ako. Sa aking pag angat si Crush pala ito. Naglahad siya ng kamay para tulungan ako. Tinanggap ko 'yon at inayos ang palda ko.
"Sorry hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Wika ko.
"Wala 'yon. Naalala ko bakit mo ko tinawagan kahapon?"
Lumaki ang mga mata ko pagkarinig ko n'on. Wait, tinawagan ko ba siya kahapon? Omg! Siya pala nadiala ko sa restroom hindi ko na napansin.
"Nagkamali ata ako si Amber dapat tatawagan ko kaso ikaw pala natawagan ko. Sorry talaga."
"Bakit alam mo number ko?"
"A-ah k-ase." Anong palusot sasabihin ko? Sasabihin ko bang ininstalk ko siya at kinuha 'yon kay Gia. Baka iba ang isipin niya. "Sinave ko talaga s'yempre President ka ng SC dapat lang may number kita. Lalo na kahapon emergency ang nangyari responsibilidad n'yo kami ika nga ni Gia."
Pinamulsa niya ang isa niyan kamay at cool na umiwas ng tingin sa'kin. Dumating kase si Carla na may bitbit na pagkain at inaaya si Crush na sabay sila kumain. Para tuloy silang mag jowa sa ginagawa nila. At hellor nasa harapan nila ako wala man lang kahihiyan?
"Bibili na lang tayo ng inumin sa Cafeteria. So, let's go?"
Isang sulyap ang ginawa ni Crush sa'kin bago lumakad papalayo. Tinignan din ako ni Carla at di na pinansin pa. Wow! Ibang klase. Napapadyak na lang ako sa sobrang inis. Ang sarap niyan kalbuhin sana pala hindi ko na siya tinulungan kahapon.
Bumalik ako sa room at tumabi kay Shaniah. Naiinis pa rin ako habang nagtuturo na si Prof. Mia. Gusto ko na matapos agad ang klase para malaman kung nasaan na si Crush. Ako lang dapat ang kasama niya at wala ng iba.
"Wala kang galit sa notebook mo 'no?" Sabi ni Shaniah at laking gulat ko na punit punit na ang ilan pahina ng notebook ko.
"May asungot kaseng nagpapakita sa isip ko hehe."
Kawawang notebook pinagbuntungan ko pa. Ilan oras lamang natapos na ang klase pinaalala muli ang retreat. 2 weeks daw kami sa Batanes. And feel ko magiging memorable 'yon. At sana rin that time magkagusto na sa'kin si Crush.
"Uy Adrielle, tara na sa Cafeteria." Aya ni Amber kasama si Cissy. Tumayo na ako at lumabas na kami ng room.
Pagdating namin sa Cafeteria nasa isang table na sina Crush, Carla, Neo at Gia. Para silang star prince and princess dahil sila lang ang may karapatan sa batas ng School dahil SC sila. Sinamahan ko si Cissy umorder. Kaya lang ang tahimik na atmosphere ay umingay na. Kaibigan ni Choco ang pumasok sa Cafeteria marami ang natatakot sa kaniya dahil basagulero. At ewan ko kung bakit di pa siya nakikick out kasama ni Choco. Medyo kinabahan nga ako na tumabi ito sa akin sa pagbili ng pagkain. Umusod ako ng kaunti papalapit kay Cissy.
"Are you scared of me?" Rinig kong sambit niya.
Hindi ako sumagot malay ko ba kung ako ang kausap niya. Hinihintay na lang namin maluto ang order namin. Nang hawakan ni Choco ang palda ko so tendency nahila niya ako at halos magkadikit na ang katawan namin.
"Ano bah!" Singhal ko sa kaniya. May gana ba siyang patulan ako. Wala naman akong ginagawa.
"Tsk. Takot ka nga sa'kin."
"Excuse me, bitiwan mo kaibigan ko. Huwag kang gumawa ng eskandalo rito." Wika ni Cissy.
Tinulak ko siya papalayo kaso 'yon braso ko naman hawak niya. Anong balak niyan gagawin sa'kin?
BINABASA MO ANG
Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE
Teen FictionOnce you enter there's a true love for you. Adrielle is totally in love to his crush for almost two year's. One day, she saw a Magic Shop near to their school. She went inside and she saw an old Woman, the owner of the shop. She offered her a glitte...